DERALD
"これは**に*しい!(This is really fun!)" mahinang bulalas ko habang pinagmamasdan ang nanlalaking mga mata ng mga bisita ni Cosmos.
I doubt they are not aware na kaarawan ko rin ngayon dahil puro mga kaibigan lang nito ang nasa loob. Though, nag-e-enjoy ako sa kanilang pagmumukha, hindi matatawaran ang reaksyon ng aking Kapatid.
Nagsimula akong magtaka dahil hindi ko inaasahan ang kanyang hindi kaaya-ayang reaksyon. Sa kwento, malapit ang loob nina Derald at Cosmos. Kahit magkaiba ang kanilang Ina, hindi iyon naging hadlang upang magkaroon sila ng muhi sa kanilang puso.
Isa sa mga mahahalagang tao si Cosmos sa buhay ni Derald at gano'n din ang kanyang Kapatid.
'Maybe he was just overwhelmed,' bulong ko sa aking sarili.
"Anong ginagawa niya rito?"
"Hindi naman siya imbitado, di ba?"
Sige lang, magbulungan kayo hangga't kaya niyo pa. Dahil kapag nagsimula ang pag-alsa ko, hindi lang luhod ang ipapagawa ko sa inyo.
Laugh while you can, sh*theads!
"Kuya! Ikinagagalak kong makita ka! Maligayang kaarawan!" maligalig na bati ni Cosmos. Niyakap niya ako nang pagkahigpit habang hinahaplos ang aking likod.
"Maligang kaarawan din sa iyo. Huli na ba ako? Pasensya na."
Umiling ito ng ilang beses tapos kinuha niya ang aking braso at marahan itong hinila patungo sa kumpulan ng tao.
"M-Maligayang pagbati, Prinsipe Cosmos at sa iyo--ahm, Prinsipe Derald."
Pffft. Alam kong napipilitan lang silang ngumiti, akala naman nila sila lang?
"Balita ko sa makalawa na gaganapin ang koronasyon sa iyo, Prinsipe Cosmos. Ngayon pa lamang ay ikinagagalak namin ang magadang balitang iyon, at naniniwala kami na ikaw ay magbibigay nang maraming tagumpay sa Kaharian ng Phorian. Hindi katulad ng isa d'yan na walang maiambag kung hindi ang dungisan ang inyo---"
"Mukhang hindi na iyon dapat pang lumabas sa iyong bibig, hindi ba? Sebastian?" pamumutol ni Cosmos.
Tumikhim ito at hindi man lang humingi ng sorry sa akin. Kung bangasan ko kaya ang mukha niya ngayon nang malaman niya ang tunay na depinisyon ng marungis, ah?
"Labis akong nagagalak dahil hindi pa man din dumarating ang araw ng koronasyon ay mainit niyo na akong tinatanggap. Ngunit hindi sana maging karagdagan ng kahambugan ang pagiging malapit niyo sa akin upang kutyain ang aking kapatid sa harap ko mismo. Hindi ko papalagpasin ang kabastusang ito, Sebastian," seryosong banta ni Cosmos.
Kung kinakabahan ngayon 'yong sipsip na linta, mas lalo ako. Hindi ko inaasahan na may ganitong ugaling tinatago si Cosmos. Ni minsan, hindi ko binibigyan ng pansin ang kahit anong ginagawa niya, sa tuwing siya ang bida sa mga panel, ini-skip ko iyon dahil naiinis ako.
"Pa-Patawarin niyo po ako, P-Prinsipe Cosmos. Hindi ko na po uulitin," pagmamakawa nito.
Tsss, pagdating sa Kapatid ko hindi siya madamot magbigay ng patawad, pero sa akin? Ako na kinutya niya hindi siya magmakaawa.
"Magpaliwanag ka na lang mamaya kapag nasa likod ka na ng rehas," tugon ni Cosmos tapos hinila na nito ang aking kamay palayo sa mga kaibigan niyang gulat na gulat.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon at baka pati ikaw, eh, madawit sa karumihan ko," ani ko habang naglalakad kami patungo sa sulok. Nagtago kami sa likod ng malaking kurtina at magkasamang pinagmasdan ang malaki at maliwanag na buwan.
"Alam mo naman na ako lang ang kasangga mo rito, di ba? Kung ano ang laban mo, iyon din ang sa akin."
Tila may kung anong kumirot sa dibdib ko sa mga salitang kanyang binitiwan. Buo na ang loob ko na itatakwil ang anumang attachment na mayroon si Derald sa kanyang Kapatid dahil siya ang maghahatid sa akin sa huli kong hantungan pero paano ko iyon magagawa kung ganito siya magsalita? Ganito siya kumilos?
Hindi ako kumibo at sinamahan na lang siyang tanawin ang malayong buwan. Habang ninanamnam ang napakaaliwalas na tanawin, nagimbal ako noong muling magsalita ito.
"Kuya, ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo na tatanggapin ko ang koronang ipapasa sa akin ni Ama. Ngayon mismo, nais kong malaman kung magagawa mo pa rin akong suportahan kahit na aagawin ko ang posisyong matagal mo nang inasaam, dahil kung hindi----"
Lumapit ito sa akin, kaswal na umatras ang aking mga paa hanggang sa dumantay ang aking likod sa pader.
"Hindi ako magdadalawang-isip na pabagsakin ka," dugtong nito at binalandrahan ako ng nakakatakot na ngiti.
COSMOS
May na-miss ba ako sa kwento?! Bakit dumalo si Derald?! Dapat ngayon ang gabi kung kailan makikita ang kanyang bangkay tapos kakausapin ako ni Ripley na sumang-ayon sa balak nito na palabasin na pinagtangkaan akong patayin ni Derald dahil nais niyang ma-solo ang trono.
"Anak, pinatawag mo raw ako?" nagmamadaling tanong ni Ripley. Isinara ko ang pinto at pagkatapos no'n ay walang ano-anong sinampal ito.
Humarap ito sa akin na may malaking tanong sa mukha.
"Nahihibang ka na ba? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!"
Hinawakan ko ang kanyang mga braso at pinandilatan ito.
"Ang sabi mo, gagawin mo ang lahat para mawala sa landas natin si Derald, pero bakit buhay pa siya ngayon! Hindi ba't binabalak mo na lasunin siya ngayong gabi? Anong nangyari? Bakit pumalpak ang iyong plano!?"
Umiling ito ng ilang beses, tila hindi niya makuha kung ano ang pinagsasasabi ko.
"Anong lasunin? Wala akong binabalak na ganyan, Cosmos! Ano bang pumasok sa utak mo? OO sinabi ko sa iyo na gagawa ako ng paraan para mawala siya sa landas natin ngunit hindi sa paraang iyan! Nagbabalak ako na ipatapon siya sa Lithele, dahil balita ko marami raw mababangis na halaman at hayop ang naninirahan doon," mahabang lintana nito.
After I heard those words from her filthy mouth, I bit my lower lip.
Sht!
Sht!
Sht!
Hindi dapat ako nagpadalos-dalos. Pero--
Hindi ako makapaniwala na hindia ko makapagbubunyi ngayong gabi. Bwesit!
Bakit biglang nagabago ang kwento? Dahil ba hindi ako ang tunay na Cosmos? Tssss! Di hamak na mas bagay ako sa karakter niya kesa sa orihinal!
"Pa-Patawarin niyo ako sa aking kapangahasan. Nadala lang ako ng galit dahil umasa ako na mapapabilis ang pagpapalayas kay Derald. Alam niyo naman na nalalapit na ang koronasyon, di ba? Paano kapag pinaburan ni Ama si Derald sa huli tapos maiwan tayong katatawanan? Hindi ko maatim ang bagay na iyon, Ina."
Lumapit sa sakin si Ripley at hinagkan ako. "Hindi mangyayari iyon, Cosmos. Magtiwala ka sa akin, ha? Bukas na bukas din ay ibabahagi ko sa Hari ang planong pagpapadala kay Derald kasama ng mga Kawal ng kaharian. Sisiguraduhin ko na kapag tumapak ang mga paa ni Derald sa labas ng kaharian ay hindi na siya makakabalik pa."