“I’M SORRY…” maluha-luha ang mga mata na wika ni Sky Jewel pagkatapos niyang ikuwento kay Reese ang buong katotohanan tungkol sa kanilang mga anak. “J-just like that? Sorry?” puno ng hinanakit na sumbat sa kaniya ng asawa nang igilid nito ang sasakyan at huminto sila sa hindi matao na lugar upang mag-usap. “Na para bang hindi mo itinago sa’kin ang mga anak natin? Sorry lang tapos akala mo maibabalik mo na ang dalawang taong nawala na sana ay naalagaan kita habang buntis at naging katuwang mo ako sa paga-aalaga sa kanila?” emosyonal na dagdag pa nito. “R-Reese…” May pagpapaunawa sa mga mata na sinalubong pa rin niya ang galit na mga mata nito. “Wala akong balak na itago sila sa’yo forever. I swear. Gusto ko lang talaga na maayos ang lahat, na magkaayos tayong dalawa, bago ko sila dalhin a