ILANG araw na ang lumipas simula nang mahuli ng INTERPOL si Reese, kasama ang mga local na police ng Mexico. Halos lahat ng mga miyembro ng Los Poderosos ay nahuli na rin maliban kina Aquiles, El Hector, at Supremo na hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin nila alam ang pagkakakilanlan. Pati ang mga kaalyansa ng kaniyang asawa ay nahuli rin, maliban din kay Stilleto. Na hanggang ngayon din ay hindi pa rin nila alam kung nasaan, pati si Axel, na bigla na lang nawala noong kasagsagan ng giyera. Maging si Spooky ay hindi rin makita. Tanging si Felix lang at iba pang mga miyembro ng Sirrah ang kasama ngayon ng kaniyang asawa sa kulungan sa Mexico pagkatapos na i-turn over doon ng INTERPOL. At sa oras na malaman ng mga awtoridad kung sino ba talaga si Sky Jewel ay siguradong huhulihin na