“NASAAN ang Uncle Kellan mo? Hindi ba siya dumaan dito?” tanong ni Sky Jwel nang humarap sa kaniya ang asawa. “Dumaan pero umalis din agad. Gusto nga sana niya na makilala ka at ang mga anak natin. Pero kailangan niyang puntahan sina Lola Guada at Tita Kiesha. Baka sila naman ang puntiryahin ng hayop na El Hector na ‘yon.” “Oo nga, eh. Kawawa naman kung pati sila madamay sa kahayupan ng lalaking ‘yon.” Kapagkuwan ay napatingin sa mukha niya si Reese. Kumunot ang noo nito habang palapit sa kaniya. “Okay ka lang ba?” She blinked then simply bit her lip. Dapat na ba niyang sabihin dito ang tungkol sa mga inamin sa kaniya ni Aquiles kanina? Pero mas kailangan niyang unahin na ipaalam sa asawa ang tungkol sa paglusob ng INTERPOL sa underworld. Inaasahan nito ang tulong na ipapadala ng or