CHAPTER 5

2231 Words
TAAS-NOO kong sambit na parang umasim yata ang mukha n’ya ngayon at rinig na rinig ko pa kung paano lumabas-masok ang hangin sa dalawang butas ng kan’yang ilong. Tinaasan ko pa s’ya ng kilay kaya tinalikuran na lang ako at nag-lakad papuntang lungga n’ya. “Wow ha, isang daang piso tapos hindi pa kasali ang period and comma? Yayaman ka na n’yan sissy, pero ang harsh mo sa kan’ya. Hindi mo na lang pinagbigyan kawawa naman,” sarkastikong sambit ni Klark kaya napa-titig ako sa kan’ya na nag-susulat na ngayon sa notebook at naka-tutok do’n ang kan’yang atens’yon. “Alam mo namang hindi ako nagpapakopya dati pa,” sabat ko naman. May side story kasi ako tungkol d’yan eh pero ibubuod ko lang at ang haba. ‘Yong mga wala kong k’wentang kaibigan dati, kopya lang ng kopya sa ‘kin tapos in the end ako pa ang pinagalitan ng teachers namin dahil bakit daw ako nagpapakopya. 'E paanong hindi dahil naaawa ako sa kanila dahil ang bobo nila. Sa sobrang kabobohan, pati pangalan ko kinopya. Amazing 'di ba. Well, hindi naman lahat ng high school memories ko ay hindi maganda at nakaka-trauma. I had fun with them even though it was fake. I learn a lot, kaya ngayon hindi ko na inulit ang pagkakamali ko dati dahil natuto na talaga ako ng todo. Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang professor na si Sir Hanz sa Software Engineering kaya pay attention na kami dahil halos lahat ng mga guro rito, mga strikto pero wala pa ring tatalo sa kuya ko s’yempre. Nag-discuss s’ya sa loob ng isang oras na halos makaka-walong page na ako sa notebook ko at tini-takedown ko kasi ang mga importanteng bagay na lumalabas sa bibig n’ya. S’ya ang klaseng professor na tinatamad isulat ang mga important detail sa white board kaya more on boses n’ya ang ginagamit. Kung may kakaligtaan ka lang at lumabas ‘yon sa exam, ‘e ‘di problema mo na ‘yon. “Klark, hati tayo sa baon ko. May omelet ako rito at rice balls,” aya ko sa kan’ya na’ng sumapit na ang break time namin. Nagsilabasan na naman ang mga kaklase ko at konti na lang ang natira rito sa loob. “Tamang-tama, nagugutom ako sissy.” Tumayo s’ya sabay inangat ang kan’yang sariling upuan para madikit sa upuan ko at umupo ulit s’ya. Naka-lapag na ang lunch box sa desk ko kaya nag-simula na kaming kumain. Kumuha ako ng isang rice ball at kaagad kong kinagatan ‘yon pero bigla kong naramdaman na nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng skirt ko kaya kinuha ko sabay dinouble tap ang screen. Message ‘yon ni Kuya Logan na agad ko namang in-open at binasa. Ang sabi sa text, susunduin n’ya raw ako mamayang tanghali at wala raw akong pasok. Sumangayon na lang ako sa reply, siguradong tiningnan n’ya ang schedule ko kaya ganu’n. “Sissy, mag paalam ka na kay fafa Logan na bibisita ulit ako sa bahay n’yo. Mag-w-weekend na kaya, sasabihin ko kina Nanay at Tatay na mag-g-group study tayo,” marahang usal ni Klark dito sa tabi ko. “’Yon din naman ang plano ko kahit hindi mo i-remind. Alam kong hindi ka rin makaka-attend sa field trip kaya kaysa tumunganga, tambay ka na lang sa bahay,” pagsangayon ko sa sinabi n’ya. Isa pa, boring na boring ako dahil hindi naman ako makakagala. Dahil sa patakaran ni Kuya, may mga routine ako tuwing sabado at linggo. Kung tinatamad ako mag-aral, natutulog na lang buong mag hapon o ‘di kaya, mag-m-movie marathon magisa. Kung wala na akong maisip na gagawin, tinutulungan ko na lang si Tita Maria sa paglilinis para may silbi naman ako. “Mauuna na ako sa ‘yo, Sissy. Maglilinis pa ako sa bakuran ng apartment ko, okay lang ba?” ‘Yan ang tanong sa ‘kin ni Klark na’ng lumabas na ang professor namin at natapos na kasi ang another one hour lecture. Tumayo s’ya at umalis sa kan’yang desk at lumakad sa harapan ko. “Oo naman, may pamasahe ka r’yan? Baka malaman-laman ko nanamang nag-lakad ka pauwi na hindi ka nagsasabi sa ‘kin?” seryosong tanong ko habang sinisilid ang notebook sa loob ng bag pack kong naka-patong sa aking dalawang mga hita. “Ano ka ba, sissy... there is nothing wrong naman ‘no. Mas mabuti nga ‘yon at exercise pa,” katwiran n’ya sa ‘kin pero inilingan ko s’ya sabay kinuha ang maliit kong coin purse sa unang bulsa ng bag ko. Binuksan ko ‘yon at kumuha ng isang daang piso sabay inabot sa kan’ya. “Oh no... you don’t have to, sissy. I am fine I am telling you. Mag-lalakad lang naman ako, anong masama ‘ron?” tutol n’ya pa pero sinamaan ko s’ya ng tingin. “Hindi ko ibababa ‘tong braso ko ‘pag hindi mo ‘to tinanggap,” banta ko sa kan’ya kaya huminga na lang s’ya ng malalim at inangat na ang kanang braso para kunin sa kamay ko 'yong pera. “Ang kulit mong talaga, kung nagpapabayad ka lang ng mga kautangan ko sa ‘yo... siguradong libo-libo na,” maktol n’ya pero nginitan ko lang s’ya. “Hindi ko binibilang ‘yon kaya ‘wag mo na’ng isipin. Mag-ingat ka sa daan,” paalala ko sa kan’ya na agad naman s’yang tumango-tango at nag-pasalamat bago nag-paalam na’ng maayos sa ‘kin. Ako naman, hihintayin ko pa ang text ni Kuya Logan kung nando’n na s’ya sa labas ng gate namin. Doon na lang ako bababa. Nanood muna ako ng bagong release na episode ng anime na inaabangan ko, ito ang dahilan kung bakit ayaw ko pang bumaba kahit paunti na’ng paunti ang mga tao rito sa loob ng classroom. Hanggang sa may nag pop-up na isang message sa itaas ng screen ko. Get out, I am waiting. ‘Yan ang naka-saad kaya dali-dali kong sinilid ang cellphone sa loob ng bag at sinuot na sabay tumayo. Patakbo akong umalis hanggang sa tumakbo na talaga ako sa hallway pababa ng hagdan. Na’ng maka-apak na ako sa ground ng school, mas binilisan ko pa ang mga hakbang para makalabas na talaga. ‘Di nag-tagal, natanaw ko agad ang kotse na dark violet na naka-park sa bakanteng slot sa harapan lang ng mismong school. Ako na mismo ang nag-bukas ng pinto sabay pumasok sa loob. Diretso akong umupo at sinarado 'yon. Nalanghap ko agad ang pamilyar na panlalakeng pabango ng Kuya ko at speaking of him, malamang s’ya ang driver ko ngayon. Naka-talikod s’ya sa ‘kin habang naka-kapit ang kan’yang dalawang mauugat na mga kamay sa manibela. Pero napansin kong naka-titig s’ya sa ‘kin dahil nagtama ang aming mga mata sa rear-view mirror. Hindi nakasalpok ang mga kilay n’ya pero base sa kondis'yon ng mukha n'ya, wala nanaman sa mood. “Why you are not waiting outside? Your class ended eleven thirty. It’s already twelve but you are not around. May kinakausap ka pa ba? Is it important?” His rough voice trapped inside the car. Parang pasok na pasok sa tainga ko ang boses n’ya. “Nanood pa po kasi ako ng AOT, na-delay ang release nila nu’ng nakaraan at kanina lang naganap. Hindi na po ako makapaghintay kaya pinanood ko po muna habang wala kayo,” magalang na pangaamin ko pero hindi na ako sinagot at binuhay na n’ya ang makina kaya nag-umpisa na kaming bumiyahe. Huminga ako ng malalim habang pinapakinggan lang ang ugong ng sasakyan. Gusto kong i-open ang topic tungkol sa nalaman ko sa kan’ya pero paano? Baka ma-offend ko s’ya na hindi ko sinasadya. “You have forgotten to fasten your seat belt, Ellah,” matigas n’yang usal na agad ko namang kinapa ang seatbelt at ginagawa ang dapat gawin “Sino po ba talaga ang lalakeng ‘yon sa inyo? Alam ba nina Papa at Mama ang tungkol do'n?” direktahan kong tanong habang pinagmamasdan ko ang expres’yon n'ya sa pamamagitan ng salamin sa driver seat pero hindi ‘yon ng nagbago. “I think, you heard everything from Levai. It is true," mabilis n'yang tugon. "By the way, umalis na sina Mom at Dad. I don’t remember where they are up to.” Tinikom ko ang aking bibig sabay napa-iwas ng tingin. “And... I will ask you a question, are you homophobic?” Bumalik agad sa kan’ya ang atens’yon ko sabay umiling-iling. “N-No! Not at all, hindi ko naman dinidislike or hindi ko nagugustuhan ang kasarian n’yo dahil may gay bestfriend din po ako. A-Ang sa ‘kin lang... I thought... you are straight. Nabigla lang po ako,” magalang kong tugon sa kan’ya. Sana hindi nakaka-offend ang sinabi ko. “I am being honest with you now. I like to try and explore different relationship. My curiosity did that and besides, having relationship with him have advantages. It helps me to grow my company. You probably don’t understand but I hope, I still have your respect,” makahulugan n’yang sambit sa ‘kin. “N-Nirerespeto ko po kayo kahit anong mangyari pero, baka masira ang image n’yo sa kan’ya? What if he is bad person and trying to find your bad side?” seryosong tanong ko. One time kasi, nakipagkita ang Kuya ko sa isang malaking tao raw at mayroon silang business deal. Pagdating sa lugar, nilasing ang Kuya ko tapos kinaumagahan, may lumabas na’ng maraming articles tungkol sa kan’ya kung gaano s’ya ka-imoral kapag nalalasing. Simula no’n, nadala na s’ya at hindi na basta-basta nakikipagkita. Kung mero’n man, staff n’ya na lang ang nakikipagusap. “Why? Do I have bad sides?” Natigilan ako sa sinabi n’ya at bahagyang tumikhim. Kung sasagutin ko 'yan... Marami kung isa-isahin ko pa pero ayaw ko namang mapagalitan dahil alam kong ma-ba-bad trip s'ya sa itutugon ko. “Pagmumukha pa lang po ng lalakeng ‘yon, hindi na po makapagtiwalaan,” pangiiba ko ng usapan. “He is also famous in women, pero mas babaero pa rin ako kaysa kay Levai. For you, is he handsome?” seryosong tanong n’ya na pinagisipan ko agad ang aking isasagot habang naka-titig sa salamin. “G-G’wapo s’ya, oo. Hindi ko po ipagkakaila ‘yon pero—“ “Does his face is better than mine?” Kumunot bigla ang noo ko sa binanggit n’ya at napansin kong parang umiba ang p’westo ng kan’yang kilay. Unti-unting nagsalpukan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, i-c-compliment ko ba ang mayabang na lalakeng ‘yon o hindi. “Who do you think is better?” seryosong tanong pa ni Kuya kaya lumunok muna ako ng laway. “Sa katawan pa lang po, ligwak na ‘yon. Maskulado pa kayo ng konti—“ “I am taking about the face, Ellah. Not the body.” Napa-kamot ako bigla sa ulo. Hindi naman kasi ako pinapatapos sa pagsasalita. “Kayo po, s’yempre,” mahinang usal ko na tila nahihiya pa. Hindi kasi ako ‘yong tipong mahilig puriin ‘tong Kuya ko na i-voice out ko talaga na g’wapo s’ya. “Sinasabi mo ba ‘yan dahil pamilya ang turing mo sa akin? You can’t say anything bad to me. I don’t like liars so tell me the truth." “Kayo nga po, kahit ano pa ang sasabihin n’yo riyan,” mabilis kong saad. “You have a good eyesight, then. It means, he is not your type?” pahabol n’ya pa na agad akong umiling-iling. “Absolutely. Kung tipo ko naman po ‘yong paguusapan, gusto ko ‘yong malinis sa mga mata ko. Maginoo hindi ‘yong magaspang kumilos,” saad ko naman sabay binaling ang tingin sa kaliwang bintana. “Walang maginoong lalake, Ellah. We all have dark sides aside from bad. Lahat ng lalakeng liligawan ka, uunahin muna nila ako. But I think they couldn’t pass my test. Sabihin mo agad sa akin kung sino ang nanliligaw sa ‘yo dahil haharapin ko, maliwanag ba?” mariing usal n’ya sa malalim na tono. “Ilang beses mo na pong sinabi ‘yan sa ‘kin,” paalala ko sabay humikab dahil nakakaantok ang hangin na humahampas sa mukha ko. Hindi na ako nag-salita pa dahil wala na'ng sinabi si Kuya. After few minutes, huminto na ang kotse sa tapat ng aming bahay kaya bumaba na ako. “I’ll park my car first,” rinig kong usal ni Kuya na’ng maka-labas na ako at dumeretso agad s’ya sa malawak na garahe na nasa left side ng bahay namin. Apat ang kotse ng Kuya ko, dapat lima sana ‘yan pero niregalo n’ya raw ang isa na hindi ko alam kung kanino at respetadong tao raw ‘yon. Ang lagi n’yang ginamit, itong dark violet. Humarap na ako sa naka-bukas na main door namin. Na’ng maka-pasok na ako sa loob, dumeretso agad ako sa living room para maipagpatuloy ang pinapanood kong Anime kanina. Mamaya na lang ako kakain. Huminto ako sa tapat ng pintuan sabay kinapitan ang golden door knob at binuksan. Napa-igtad ako bigla sa pagkagulat na’ng bumungad sa paningin ko ang presens’yang ‘di kaaya-aya. Naka-upo ang taong ‘yon sa sofa habang nanood ng pelikula! “What are you doing here?!” sigaw ko kaya unti-unti n'ya akong binalingan ng tingin sabay hiniritan ng nakakakilabot na ngisi. “Hey... Lil sis, nice to see you again.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD