CHAPTER 6

2142 Words
AWTOMATIKONG tumaas ang lahat ng mga balahibo sa sinabi ng mayabang na lalakeng ‘to at kaagad kong kinapitan ang gilid ng pituan sabay pabagsak na isinara. Nag-likha ‘yon ng ingay na ang sakit sa tainga. “Hoy, ‘wag na ‘wag mo akong tatawaging Lil sis d’yan, hindi tayo close,” mariing usal ko sabay humakbang ng mabilis papunta sa kan'yang p'westo. Huminto agad ako sa gilid n’ya banda na naka-angat naman ang tingin sa ‘kin habang hindi pa rin maalis-alis ang nakaka-pesteng ngisi. “What’s wrong with that, lil sis? You are going to be my sister-in-law.” Mas lalong pumaibabaw ang kumukulo kong dugo sa narinig ko kaya nag-pamewang ako sa harapan n’ya. “P’wede ba, mag-hanap ka ng ibang babae ‘wag lang ang Kuya ko. Sa pagmumukha mong ‘yan, ang daming papatol sa ‘yo. Bakit si Kuya Logan pa talaga?” mariing usal ko. Nakita kong binuka n’ya ang dalawang braso at sinablay ‘yon sa itaas ng sandalan ng sofa habang naka-titig pa rin sa ‘kin. Hindi ko mapigilang mapa-tingin nanaman sa suot n’ya ngayon. Naka-flat black trousers s’ya tapos naka-sablay ang bluish jacket sa kanang balikat at naka long sleeve polo na hindi na naman naka-butones kaya nakikita ko ang kan’yang dibdib pero wala naman akong pakealam. “You should ask your brother. We are in good relationship, lil sis. Why, you don’t like me for Logan?” maka-hulugang tanong n’ya sa ‘kin kaya tinaasan ko s’ya ng kilay. Hindi pa ba halata sa kan'ya?! “Talagang hindi, mas pipiliin kong mga higad o linta ang ipapasok n’ya rito at hindi kagaya mo. Once na malaman kong pini-perahan mo ang Kuya ko or sinisiraan mo s’ya, malalagot ka talaga sa sa ‘kin,” mariing pagbabanta ko habang dinuro-duro ko s’ya gamit ang kaliwang hintuturo ko. Mas lalo lang s’yang ngumisi tapos tumawa pa na parang mas nakakademonyo kaysa sa boses ng Kuya ko ‘pag galit sa ‘kin. “Bakit ba ang init ng ulo mo even I haven’t done anything wrong to you? I have tons of money just like your brother, sa sobrang dami... binibigay ko na lang sa charities without replacement. Hindi kagaya ng ibang millionaires, they do that just to gain attention or fame but me? Hindi ko iyon pina-public, what for? Kung titignan pa nga ng maigi, parang mas lamang lang ako ng konti kay Logan when it comes to kayamanan,” pagmamayabang n’ya sa ‘kin. “Your brother is a millionaire as well—“ “So, bakit mo naging boyfriend ang Kuya ko? Wala ka na bang mapatulan ha? Nakakaduda ka!” seryoso kong sabat sa kan’ya na agad s’yang kumibit-balikat habang hindi inaalis ang titig sa ‘kin. Well, kung tutuosin g’wapo naman talaga ‘tong lalakeng ‘to. Moreno at med’yo maputi lang ng konti ang Kuya ko. Mas matangkad s'ya ng ilang inch, tapos makapal din ang mga kilay na may dalawang ahit na guhit sa kanan. Pinkish ang mga labi, wala s’yang balbas hindi kagaya sa Kuya ko na me’ron kaya mas mature ‘yon tignan. Mas makapal ang pilik-mata ng Kuya ko kaysa sa kan’ya, malaki rin ang katawan ng lalakeng ‘to pero lamang pa rin si Kuya Logan. “This is my life, I can do anything I want. Your brother and I are just similar, may mga babae kami. Ang kinaibahan lang, Logan has worth than the other girls. We can help each other when it comes to difficulties,” paliwanag n’ya sa ‘kin pero natawa ako ng pagak. “Kung gusto n’yo mag-tulungan, 'e 'di sana magkaibigan na lang kayo!” pasigaw kong tugon. “It is not exciting anymore, lil sis. Therefore, I am not giving up your brother,” seryoso n’yang usal sa malalim na boses kaya napa-sapo ako sa noo gamit ang kanan kong palad. “Bakit mo ibubuntong sa akin ang galit mo, lil sis? Why don’t you talk to your brother?” mahinahong usal n’ya pero nag-cross arms ako sa kan’yang harapan. “I talked to him already. I have no power to stop him. Alam mo naman siguro ang ugali ng Kuya ko kaya ikaw ‘tong kinakausap ko. Mas’yado kang mayabang para sa kan’ya,” mariing usal ko at bigla s’yang napa-iling. “You know what, lil sis? My patience is much shorter than yours. Pinagbibigyan lang kita dahil kapatid ka ni Logan, stop ruining my day by calling me arrogant,” pagsusuplado n’ya sa ‘kin na humupa na ang mala-hyena’ng asong ngisi at binalik ang atens’yon sa pinapanood n’yang movie. “Totoo naman ang sinabi ko kaya ‘wag kang mag-react. Pero binabalaan talaga kita, Levai Guztavo. Malaman-laman ko lang na may nangyaring masama sa Kuya ko, pati sa panaginip mo gagambalain kita!” pasigaw kong usal. Lagi kasing sinisiraan si Kuya Logan sa social media lalo na sa mga article na hindi naman totoo! Oo, napaka-strikto n’ya tapos sobrang prangka mag-salita at kung minsan nasasaktan ang damdamin ko pero mabait si Kuya Logan sa ibang bagay. “Ellah, be nice to him.” Narinig ko na lang na bumukas ang pintuan kaya napa-harap ako ro’n at nakita kong papasok s’ya rito sa loob. Napansin ko naman kaagad na nasa likuran n’ya si Tita Maria. May dala-dalang tray na naglalamang mga inumin at pang-meryenda. “Take a seat beside me, Ellah. Join us for a tea,” seryosong utos ng Kuya ko na’ng nilagpasan ako sa paglalakad at umupo s’ya sa kaharap na sofa ng mayabang na lalake. Wala naman akong mamagawa at sundin ang sinabi n’ya. Baka mamaya, sasabihan pa akong bastos. Na’ng maka-upo na ako, nakita kong inangat ng Levai ang braso n’yang may kapit na remote at itinutok ‘yon sa flat screen T.V na nasa likuran namin sabay i-off. Isa-isa namang nilapag ni Tita Maria ang laman ng tray at tahimik na umalis. “I was planning to visit the cherries plantation this Sunday. There is something that I have to process there,” pormal na usal ni Kuya Logan na naka-upo rito sa tabi ko at naka-titig s’ya kay Levai kaya malamang, ‘yon ang kausap n’ya. Tungkol sa sinabi ng Kuya ko ngayon lang, mahilig talaga s’ya sa mga prutas. Kagaya ngayon, hindi mawawala sa hinandang meryenda ni Tita Maria ang hiniwang green apples at red grapes. At dahil hindi katulad sa ibang bansa ang Pilipinas na dalawa lang ang klima, may mga prutas na hindi naaayon na itanim dito. Mabuti na lang, may ibang lugar na malamig at kung tama ang pagaalaga, hindi na tayo kukuha sa foreign countries ng mga prutas na wala rito. ‘Yan ang kinaaabalahan ng Kuya ko ‘pag may extra schedule s’ya. Pumupunta s’ya sa mga iba’t-ibang plantation. Nu’ng mga nakaraang taon, maliban sa mga rice and vegetable plantation, orange naman tapos grapes, at strawberry. Successful naman ang pag-tulong n’ya dahil may mga tinatanim na ngayon ang mga farmers do'n ng ibang variety. Dati, mas pina-priority n’ya ang mga magsasaka ng palay at gulay dahil ‘yan ang mas importante kaya prutas naman ang pinagkakaabalahan n’ya ngayon. Environmental friendly pa ang Kuya ko, marami na s’yang na-held na tree planting activity sa mga nakalbong kagubatan. May mga awards nga s’yang natanggap bilang appreciation. “For what? What is your business there?” seryosong tanong ni Levai at sinablay ulit ang kan’yang mga braso sa itaas ng sandalan ng sofa namin. “Para makabili ng lupa, that’s my plan. Kinausap ko na ang may-ari and he was waiting for the 2.5 million cash. Limited lang ang lupang ginagamit ng mga farmers so I bought it,” pormal na tugon ng Kuya ko. ‘Yan din ang ginawa n’ya dati sa grapes plantation, bumili rin s’ya ng lupa kaya may napupunta sa kan’yang pors’yento kapag may harvest na. Pero the rest, donation lang talaga at hindi na tumatanggap ng kapalit. Pansin ko rin na napaka-alwan ng Kuya ko sa mga magsasaka. “If you are willing to donate some fund for the farmers, they would be glad,” dagdag n’ya pa. “Agriculture materials are needed. According to the report, mostly... traditional pa rin ang paraaang ginagamit nila hanggang ngayon.” Nakita kong napa tango-tango ng bahagya ang Levai. “No problem, I will take care of it. From planting to harvesting, just list down the things that I have to purchase,” tugon naman n’ya. Na’ng dahil sa Kuya ko, naging maunlad ang buhay ng mga magsasaka sa mga lugar na binisita n’ya. “My secretary will take care of it. You will receive an email this afternoon,” seryosong sagot ng Kuya ko. “So... I guess you will treat me a glass of drink this evening, Logan,” makahulugang sambit ng Levai na agad namang napako ang mga mata ko sa kan’ya na naka-sentro ang kan’yang paningin sa Kuya ko. “Excuse me, he doesn’t drink alcoholic beverages. Uminom ka mag-isa mo,” pagtataray ko kaya sumalin ang titig n’ya sa ‘kin na agad ko s’yang tinaasan ng kilay. “What you do expect, lil sis? Tubig ang iinumin namin?” naka-ngisi n’yang tugon na halatang namimilosopo at doon naman sumingkit ang mga mata ko. “Who cares? In fact, you look thirsty.” sabat ko sa kan’ya na ikinangisi n’ya nanaman. Ang sarap pektusan ang pagmumukha. Sa paningin ko para s’yang hyena ‘pag sa tuwing ngumingisi. Ayaw ko pa namang nginingisihan ako. “Yes, thirsty for your brother’s attention,” seryosong usal n’ya sa ‘kin na mas nanliit ang mga mata ko sa inis at naramdaman kong nanindigan ang mga balahibo ko sa sinabi n’ya. “Baka gusto mong tray nanaman ang huhulma r’yan sa mukha mo, Mister Levai?” pasimpleng nanggigigil kong usal. “Ellah, behave. Don’t mind him,” seryosong saway sa ‘kin ni Kuya na umiwas naman ako ng tingin para hindi n’ya makita ang nabib’wisit kong reaks’yon. “And Levai, I will just accept your request,” pormal na pahabol ng Kuya ko at inikot ko naman ang mga mata ko ro’n. “Are you sure? But I think your sister is jealous.” Awtomatikong binalingan ko s’ya ng tingin at parang nanigas ang panga ko sa sinabi n’ya. “Excuse me again, gamitin mo ang salitang ‘yan sa maayos na paraan. I am just worrying at baka kung ano ang gagawin mo sa Kuya ko,” pagmamaldita ko. Pero narinig ko namang huminga ng malalim si Kuya Logan. Dahil do’n, tinikom ko ang bibig at hindi ko lang napigilan ang sarili kong sagut-sagutin ang lalakeng ‘to. “I am not r-apist, lil sis. I may look like that but I can take good care of your brother, much better than you.” Nakakainit talaga ng ulo ‘tong lalakeng ‘to! “I changed my mind, Logan. Let’s do it now, shall we?” pangaaya n’ya sa Kuya ko at kumunot ang noo ko dahil do’n. “What are you planning to do?” seryosong tanong ko na mas lalo lang akong nginisihan. “Iinom kami ng whiskey with ice sa loob ng k’warto n’ya, how about that?” Nanlaki ang mga mata ko. “No, you don’t. Dito lang s’ya, ‘di po ba?” Sabay binalingan ng tingin ang Kuya ko na naka-upo lang sa gilid at may chinicheck na sa kan’yang tablet na parang hindi narinig ang sinabi ko. “Why you are so possessive, lil sis? He is my boyfriend, it is normal when I would like to invite him in his room,” makahulugan nanamang usal ng pesteng Levai at marahas kong binalik sa kan’ya ang paningin ko. “Tumahimik ka kung ayaw mong waloopin ko ‘yang madumi mong bibig,” mariing usal ko na halatang binabantaan ko na s’ya. “What? What are you thinking? Stop being so dirty minded lil sis,” pangaasar n’ya na asar na asar talaga ako. “Stop playing with her, Levai. She is just a child,” seryosong saway ni Kuya na biglang tumayo sa pagkakaupo at nilapag ang tablet sa center table. “We have to go, let’s drink while working.” Napa-angat ang tingin ko na’ng tumayo rin ang mayabang na Levai. Humakbang na si Kuya papuntang pintuan na agad n’yang sinabayan. “Ellah, you have to study. You still have plenty of time,” bilin ng Kuya ko pero hindi ‘yon pumasok sa isipan ko dahil naka-tutok lang ang mga mata ko kay Levai. Tumalikod na silang dalawa sa 'kin at agad kong kinagat ang ibabang parte ng aking labi sa inis na’ng bigla n’yang inakbayan si Kuya Logan. “See ‘ya, lil sis.” Kasabay no’n ay saglit pa s'yang lumingon sa ‘kin at bigla ko nanamang nasilayan ang kan’yang nakakahindik na kindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD