“WHAT?! HE IS BISEXUAL?! ARE YOU JOKING JUNELLAH?!” ‘Yan ang nakakabinging sigaw ni Klark na parang tagos na tagos sa ear drums ko dahil ang tinis ng boses n'ya. “Sissy, sasapakin talaga kita ‘pag binibiro mo lang ako ngayon.” Kinalikot ko muna ang mga tainga ko dahil parang ume-echo talaga ro'n ang tinig n'ya.
“Gagi ka talaga, nasa harapan kita at ilang dangkal lang ang pagitan pero ang sigaw mo parang pang ilang kilometro na!” saway ko dahil magkaharap lang talaga kami ngayon. Naka-upo kami sa kama ko habang akap-akap n’ya ang malaki kong unan. Pinapunta ko kasi s’ya dahil nasira ang araw ko sa mayabang na Levai na ‘yon.
“But yeah, you just heard it correctly. Nu’ng nakaraan ko pa nalaman pero hindi ko muna sinabi sa ‘yo dahil hindi pa kami nakapag-usap ni Kuya,” dagdag ko sabay tinitigan ang mukha n’yang halatang wala sa focus ang expres’yon at kumikinang pa kan’yang mga mata.
“Hoy, anong nasa isip mo ngayon ha? Wala kang pag-asa sa kan’ya dahil nand’yan na ang Levai na ‘yan. Isa pa, ang daming ka-fling na babae ang Kuya ko kaya kung ano man ang iniisip mo ngayon, you better stop daydreaming,” seryosong usal ko sa mahinahong paraan kaya agad na bumalik ang kan’yang normal na expres’yon.
“Wala naman akong iniisip ‘no. I was just... you know, na-amaze lang dahil ka-lahi ko pala ang Kuya mo sissy!” patili n’yang tugon na natawa ako ng mahina at napa-iling.
“No, Klark. Mag-kaiba dahil ikaw... lalake lang ang gusto mo pero sila, both. Hindi ko nga alam kung seryoso silang dalawa pero nasa iisang k’warto sila ngayon at umiinom tapos nagtatrabaho na rin,” paliwanag ko kay Klark at tila bigla s’yang naintriga.
“W-What again? Nasa k’warto sila ngayon? Anong ginagawa nila ro’n?” mahinang usal n’ya na napa-kamot na lang ako sa gilid ng ulo ko.
“Kasasabi ko lang ‘di ba? Umiinom sila ng kung anong alak ngayon.” Tumango-tango s’ya.
“I almost forgot, g’wapo ba ang boyfriend n’ya? Mapapansin mo ba sa kilos na... babae s’ya gumalaw?” sunod-sunod pa'ng tanong sa ‘kin na agad akong umiling.
“Lalakeng-lalake, Klark. Mula sa porma, kilos, at pananalita. Kagaya ng sinabi ko, dalawang lahi ang gusto nila. Pero ang mas kinaiinisan ko ngayon, inaasar ako ng mayabang na lalake na ‘yon,” naka-simagot kong sagot sa kan’ya sabay binagsak ang sarili ko pahiga sa kama.
Nasa gilid ko na s’ya ngayon na parang nagiisip kung ano pa ang itatanong sa ‘kin. “Pero pogi nga s’ya, sissy?” Kaagad akong tumango.
“Hindi ako magsisinungaling porket naiinis ako sa taong ‘yon. Yes, g'wapo s’ya pero red flag na dahil sa pinapakitang paguugali sa ‘kin. Pinakaayaw ko pa naman ‘yong binub’wisit ako, alam mo naman ang ugali ko ‘di ba,” tugon ko habang naka-titig na sa kulay purple kong kisame.
“Nakakatuwa na nakakalungkot, sissy...” Binalingan ko s’ya ng titig.
“At bakit naman?” tanong ko agad.
“Nakakatuwa dahil nagkagusto talaga ang makisig mong Kuya sa kapwa n’ya lalake. Pero nakakalungkot dahil taken na s’ya at kasing level pa n’ya. I know naman na mataas ang standards si papa Logan eh,” mahinang maktol n’ya.
“’Wag mo na’ng isipin ‘yon, Klark. Para sa ‘kin, wala namang problema kung gan’yan si Kuya Logan. Pero sana mamili s’ya ng matinong lalake, ngisi pa lang kasi ng lalakeng ‘yon... kukulo na ang dugo mo ‘e. Marami namang matitinong bisexual d’yan kung gusto n’ya,” mariing usal ko.
“Hay naku sissy, pabayaan mo na lang ang Levai na ‘yan. As long as na... okay naman sila ni papa Logan, then let them be. Malay mo magsasawa rin sila sa isa’t-isa, hindi malabong mangyari ‘yon ‘no.” Napa-isip ako bigla sa sinabi ni Klark kaya napa-titig ulit ako sa kisame.
May point s’ya, hindi nga imposibleng magkasawaan silang dalawa dahil alangan namang ‘yon ang makatuluyan ng Kuya ko?! Hell no! Never! “Teka, sandali lang. Kukuha muna ako ng meryenda natin, Klark. Minsan ka lang pumunta rito eh.” Sabay bumangon sa pagkakahiga at nag-inat.
“Ikaw bahala, sissy. Tatambay muna ako sa balcony mo dahil alam mo naman, mahilig ako sa mga mahahangin na lugar.” Bumaba s’ya sa kama kaya ganu’n na rin ako.
“Ano ang gusto mong ipaghanda ko? Kahit ano magsabi ka lang,” saad ko habang hinahanap ang bedroom slippers ko at napansin ko namang nag-lakad si Klark papunta sa balcony.
“Kahit ano okay lang sa 'kin, sissy. Aarte pa ba ako,” natatawang usal n’ya kaya nag-paalam na ako at nag-lakad palabas sa k’warto. Sana hindi maabutan ni Kuya si Klark dahil hindi nga ako nakapagpaalam sa kan’ya, pinapunta ko lang dahil gusto kong may maka-usap ngayon. Mahigit thirty minutes kami nakipagdaldalan bago ko sinabi ang main topic talaga.
Na’ng maka-baba na ako sa ground floor, tinungo ko agad ang dining room at binuksan. Na’ng maka-pasok na, humakbang pa ako para marating ang kusina namin sa dulo. Nahihiya naman akong utusan si Tita Maria na alam kong may ginagawa s’ya ngayon sa ibang parte ng bahay kaya ako na lang.
Huminto ako sa tapat ng pintuan ng kusina at kinapitan ko na ang door knob sabay pinaikot para mabuksan. “Aw! What the hell!” Napa-igtad ako sa gulat na’ng may biglang himiyaw sa loob kahit hindi ko pa tuluyang nabuksan ang pinto at may narinig pa akong tunog na konting lagabog ngayon lang.
Na’ng tinulak ko pa ang pintuan, doon bumulagta sa paningin ko ang presens’ya ng Levai na hawak-hawak ang noo gamit ang kan’yang kanang kamay at napansin ko pang naka-ngiwi s’ya. “Look who’s here! Anong ginagawa mo sa kusina namin ha?!” singhal ko sabay pamewang na naman sa harapan n’ya.
“Wow, your manners are really something. Hindi ka muna hihingi ng sorry? You just banged my head!” mariing sigaw n’ya sa ‘kin sabay tinuro ang noo n’yang parang namumula ngayon. Sinalin ko ang titig ko sa pagmumukha n'ya sabay nginisihan.
“At bakit naman ako mag-so-sorry sa isang magnanakaw ng mineral water sa kusina namin?!” Sabay tinuro ang kaliwa n’yang kamay na may hawak na isang plastic bottle. May konting bawas at alam kong galing ‘yon sa ref namin.
“What? You called me a thief by this thing?! Have you lost your mind, lil sis? Don’t challenge my patience. Hindi na maganda ang mga binabato mong salita sa akin,” mariing tugon n’ya sabay dinuro-duro pa ako ng daawang beses.
“Hey excuse me, Mister Levai. You are in my house... my territory. Akala ko ba, nagiinuman kayo ni Kuya Logan? ‘Wag mong sabihin na nilasing mo s’ya para may manakaw ka rito sa bahay namin?” pangaasar ko pa para hindi lang noo n’ya ang mamumula ngayon at madadamay na rin ang kan’yang pagmumukha.
“Since you are asking me then, I’ll going to tell you,” seryosong sabat s’ya. “He is gone now after taking few shots.” Biglang kumulubot ang noo ko sa sinabi n’ya.
“Ano? Patay na ang Kuya ko? Nilason mo?!” sigaw ko na agad namang sumalubong ang kan’yang mga kilay.
“What are you taking about? Stop over reacting, will you? Umalis ang Kuya mo. You want to know the reason?” Inilingan ko s’ya at ibubuka ko na sana ang bibig ko pero inunahan n’ya akong mag-salita.
“He was invited to an event. I think it is much important than me, he’s making me mad. Hindi ko pa pinapakita sa kan’ya ang pagiging lalake ko sa mga usapang hindi n’ya tinutupad,” mariing usal n’ya sa malalim na boses at parang bad trip na rin s’ya ngayon. Literal kasing humuhulma ang ugat sa sintido n’ya.
Ngumisi pa ako ng konti. “’Yon lang, magagalit ka na sa Kuya ko? Mag hanap ka na kaya ng ibang papatulan para hindi na lalabas ang ugat mo r’yan,” sabi ko na ikina-salpok pa ng mga kilay n’ya pero tinaasan ko naman s’ya no’n.
“Do you have a suggestion who would be the perfect girl for me?” seryosong tanong n’ya kaya kumibit balikat naman ako pero bigla akong napa-alerto na’ng humakbang s’ya ng isang beses.
“Kung wala kang maisagot... bakit mo ako pinipilit na layuan ang Kuya mo?” mariing usal n’ya habang patuloy ang pag-hakbang sa mabagal na paraan. Napa-lunok ako bago umatras patalikod.
“Keep the distance between us. ‘Wag kang mas’yadong lumapit baka mauntog ulit kita sa pintuan namin,” paalala ko pero parang nakakaramdam na ako ng senyales na pagpapawisan dahil naka-tutok ang kan’yang mababangis na titig sa mga mata ko.
“Do you know that all girls are just similar?” mariing sambit n’ya pa na hindi ko namamalayang naka-labas na pala ako sa kusina at sa dining room na ako ngayon naka-apak. Parang nakaka-hipnotismo ang kan’yang paningin sa ‘kin pero hindi ako kumawala ng kahit anong reaction lalo na sa expres’yon ng mukha ko.
Hanggang sa naramdaman ko na ang matigas na gilid ng mesa sa aking balakang kaya roon ako napa-hinto. “They are all materialistic, mukhang pera na parang sa pera na lang umiikot ang kanilang mundo. I am fvcking twenty eight years old but... this age? Even once... walang sumeryoso sa akin kahit ako ang nag-seryoso. Pera lang ang habol sa akin at panlabas na anyo. So why not to try something new? Susubukan kong makipagrelas’yon sa kapwa ko lalake para maiwasang masaktan, sabihin mo...” parang natigang ang mga binti ko na’ng bigla n’yang tinukod ang mga braso sa mesa sa magkabilang gilid ko banda.
“Tell me... masama bang umiwas sa mga huwad na mga kababaihan?” Sabay nilapit ang mukha n’ya sa mukha ko na agad kong kinurba patalikod ang aking likuran para maiwasan. Parang nag stuck-up ang laway ko dahil hindi ko na ‘yon mailunok at napa-tulala ako sa pagmumukha n’ya.
Gusto kong pumikit dahil nakakasilaw s’yang titigan sa malapitan. Tila kumikinang ang paligid ng kan’yang maamong hitsura na talagang nakakatulala.
Pero ang lakas talaga ang aroma ng alak dahil amoy na amoy ko pa rin 'yon sa pamamagitan ng kan'yang hininga. Napansin kong hindi normal ang pintig ng puso ko. Parang kinakabahan ako pero bakit? Hindi naman ako natatakot sa mayabang na lalakeng ‘to kaya dapat akong maka-galaw! “A-Akala ko ba, may mga kalandian ka rin kagaya ng Kuya ko?” nauutal kong sambit at ginawa ko ang lahat para maigalaw ang mga braso ko sabay tinulak s’ya sa kan’yang dibdib kaya napa-tuwid ang kan’yang tayo. Napa-hinga ako ng maluwag dahil do’n.
Lasing yata ‘to eh, napapansin kong mabagal na ang pag-pikit ng mga mata n’ya.
“That’s the point, hindi ko na rin siniseryoso ang mga babaeng lumalapit sa akin... but I have my rules. If they want to flirt with me then dapat sagot nila lahat. I would never treat them and buy anything they want,” namamaos n’yang usal sabay sinilid ang mauugat at malalaking kamay sa loob ng kan’yang kaliwa’t kanang bulsa.
“But... I will ask you again, hindi mo ba ako gusto para kay Logan?” seryosong tanong n’ya kaya agad ko s’yang nginisihan.
“Hindi ko alam kung nasabi ko na ba sa ‘yong ayaw ko nga! Paulit-ulit?!” mariing singhal ko.
Dadagdagan ko pa sana ang sinabi ko pero napa-singhap ako sa pagkagulat na’ng bigla s’yang humakbang ulit at parang saglit na huminto ang pintig ng puso ko na’ng lumanding ang kan’yang kanang kamay sa aking panga.
Marahas n’ya pang inangat ‘yon at doon na nagsimulang tinatambol ang dibdib ko. Hindi ako naka-usal ng kahit isang salita dahil bigla n’ya pang dinikit ang kan’yang noo sa noo ko. Damang-dama ko ang init ng kan’yang palad. Parang may dumadaloy na kakaibang tens’yon ng kuryente na nanunuot sa sistema ko. Hindi ako nakurap dahil napako ang aking paningin sa mga mata n’yang tila nanghihigop ng lakas sa lalim ng kan’yang titig. “B-Bitawan mo ako!” Sinubukan kong itulak ang kan’yang matigas na dibdib pero naramdamam kong gumapang ang kan’yang kaliwang braso sa aking likuran at idiniin ang katawan n’ya sa katawan ko. Doon ko napa-kawalan ang mahinang tunog na'ng ako ay napa-singhap.
Pero hindi ako nag-patalo dahil sinusubukan kong makawala sa bisig n’ya dahil nakakadistract ang init ng kan’yang katawan. “Let me go! Hindi mo ba ako narinig—“ Naputol ang sasabihin ko na’ng sinalin n’ya ang kan’yang kanang palad. Nasa panga ko pa 'yon kanina, pero nasa bibig ko na ngayon. Tinakpan n’ya para hindi ako makapagsalita.
“If you like...” Halos hindi na ako maka-hinga na’ng nilapit n’ya ang kan’yang ulo sa kaliwang tainga ko.
That’s my sensitive part!
Damang-dama ko ang kan’yang mainit na hininga ro’n na nakakakiliti pero hindi nakakatuwa! “Kung gusto mo... ikaw na lang ang ipapalit ko sa Kuya mo, Junellah?”