Chapter 27: In Others Arms

1773 Words
Kahit gustong-gustong itulak ni Samantha ang lalaki ay hindi magawa. Lalo na nang sumayad ang labi nito sa kaniyang labi, parang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. "Calix!" singhap nang makawala sa paglakahalik nito. Muli siya nitong sinibasib ng halik. Muli ay hindi na niya nagawa pang tumutol pa lalo na at nagigising na nito ang munting pagnanasa sa kaniyang kaibuturan. "Uhmmmm!" ungol na kumakawala sa kaniyang kaibuturan. Tila mas lalong ginagatungan ang damdaming lumulukob kay Calix sa sandaling iyon. Nagsisimula nang gumalugad ang kaniyang mga kamay. "Ugh!" muling ungol buhat kay Samantha sa biglaang paglakbay ng mainit na palad ni Calix sa kaniyang katawan. Maging ang labi nito ay nagsisimula nang gumalugad pababa sa kaniyang leeg. Mabilis naibaba ang strap ng suot na top at humalagpos buhat roon ang namimintog na dibdib. "Ugh!" ungol muli sa hindi mapigilang damdamin. Maging ang mga kamay ay tila may sariling isip at naipulupot na iyon sa leeg ni Calix. Napapaliyad pa siya nang mapangahas nitong inangkin ang kaniyang namimintog na dibdib nang bigla ay umalingawngaw ang tunog buhat sa isang cellphone. Para silang nabuhusan ng malamig na tubig. Mabilis siyang tinulak ni Samantha at inayos ang suot nito. Napalunok ng sunod-sunod si Samantha nang makitang si Gilbert ang tumatawag. Maang na napabaling kay Calix na tila hindi pa rin makahuma buhat sa mainit nilang halikan. "Sa—sagutin ko lang," nauutal niyang wika saka mabilis na pumasok sa silid upang makawala sa maiinit na titig ni Calix sa kaniya. Naiwang natitigilan pa rin si Calix. Gustong magmura dahil sa katangahang nagawa o sa pagkakaantala ng dapat ay mainit na pangyayari sa kanila ni Samantha. Naroroon na siya at ramdam na ang pagpapaubaya nito ngunit sa isang tawag ay nawawala ang lahat. "Sh*t!" tuluyang bulalas nang maging ang kaniyang cellphone ay biglang tumunog at doon ay nakitang natawag na ant kasintahan. Muli ay napamura siya sa isipan dahil halos makalimutan na naghihintay nga pala sa kaniya ang kasintahan. Tinapunan muna ng mabilis na tingin ang pintuhan ng silid ni Samantha bago humakbang papalayo. Sa totoo lang ay gulong-gulp siya dahil noon ay masasabi niyang si Geraldine na ang babaeng papakasalan at makakasama habang buhay pero nang magbalik si Samantha ay nagulo ang lahat maging ang kaniyang puso at isipan. Pagkapasok ni Samantha sa silid ay mabilis na sinagot ang tawag ni Gilbert. "Hello?" "Mabuti naman at sumagot ka na? So, what's your plan?" tanong nito na tila hindi na makapaghintay na siya mismo ang magbigay ng lugar at petsa. Yaman din lang na tumawag na ito at ayaw niyang uminit na naman ang ulo nito ay mabilis na sumagot. "Lunch at the mall," aniya para neutral ang paligild. Alam niyang hindi ito gagawa ng anumang eksena. "We can watch movies after," aniya pa upang maengganyo ito. Kilala niya kung paano ito mag-isip. "Sure," mabilis nitong wika. "See you then, babe," anito na tila nagbalik sa pagiging malambing na kasintahan. A psychopath can be sweet and loving but most of them are deathly. "Okay, babe, see you then," tugon naman saka mabilis na pinatay ang tawag dahilan upang matigilan siya at maisip kung tama pa ba ang kaniyang ginagawa. Nanlulumong napaupo sa kama niya at hinamig ang sarili sabay sapo ng kaniyang mukha. Napapaisip kung hanggang kailan siya magiging sunod-sunuran kay Gilbert. Hindi na niya alam kung mahal ba ito o mas nananaig na lamang ang takot at pagkaawa rito. Nang magtaas siya ng mukha mula sa pagkakasapo ay nakita ang sarili sa katapat na salamin. Parang gustong kumawala ang masaganang luha buhat sa kaniyang mga mata. Napagtantong matagal ng nawala ang pagmamahal kay Gilbert. Napalitan na iyon ng pagkaawa at kagustuhang mailigtas siya ngunit sa kasamaang palad ay mukhang siya ang nahila nito sa madilim nitong buhay. Mas lalong napailing nang maisip kung bakit kailangan pang humantong ang lahat sa ganoong pangyayari bago niya maisip na inaabuso na siya ni Gilbert. Nang maalala naman ang asawang iniwan sa labas ay hindi niya maiwasang sumungaw ang luha sa mga mata. Ang pag-amin nito ay isang bagay na hinihintay niya noon pa man. "Sayang," tanging salitang mamuyawi sa bibig. Isang panghihinayang na hanggang ngayon ay umuukilkil sa isipan. Maraming katanungan na mahirap sagutin sa ngayon. Muling sinapo ang mukha at niliming mabuti ang kinakasangkutan. Siguro ay tama si Nathalie. She needs to do things, sa paraang talagang matutulungan niya si Gilbert. Hindi na siya ang makakatulong dito kundi ang mga taong eksperto sa ganoong pag-iisip. Nanginginig ang mga kamay habang tinatawagan ang kaibigan. Mabuti na lamang at agad itong sumagot. "Hello, girl. What's up!" masiglang tinig nito. "I need your help!" determinadong turan. Agad na napatigil ang kaibigan sa kaniyang sinabi. "You need my help? Wait, para saan? Nasaan ka ngayon?" sunod-sunod na alalang tanong nito. "I'm home but I badly need your help," seryoso pa ring turan na tila hindi pa rin maarok ng kaibigan ang tulong na sinasabi niya. "Okay?! Anong ginawa sa'yo ng asawa mo at kailangan mo ng back-up?!" maang nitong turan. "It's not about Calix—" "So, sino? Si Gilbert?!" bulalas nito. "Exactly!" mabilis na sabad. "Wait?! What about him?" interesado na tanong nito. "Malala na siya, he is threatening me?" hindi mapigilang saad. "Whaaat?!" eksaheradang wika nito. Halos mabingi siya sa lakas ng tinig ng kaibigan sa sinabi. Sabagay, kahit sino ay magugulat kung ang kaibigan mo ay nagbabanta. "Wait? Pinagbabantaan ka? How?!" anito na may halong kaba sa tinig nito. He knows Gilbert too, minsan na rin nitong nakitang pinagbuhatan siya ng kamay. Ngunit masyado pa siyang bulag sa pagmamahal dito kaya tudo tanggol pa sa kasintahan. "He threatened to kill my parents—" putol muling turan nang muling magilalas ang kaibigan dahilan upang mapatigil siya sa nakakatulig nitong hiyaw. "What?!" anito sabay tigil. "Are you serious?" dagdag pa nito na tila nagdududa pa kaya nang hindi siya umimik ay ito na rin ang nagsalita. "I mean, alam kong masama ang ugali ni Gilbert pero hindi ko alam na magagawa niya iyon?" dagdag na palatak nitong wika. Muling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hanggang sa marinig ang paghugot nito ng buntong-hininga. "So, what's your plan and what help you need fron me?" seryoso na nitong tanong. Doon naman siya napabuntong-hininga. "I think you are right?" aniyang turan dito. "Tama, saan?" maang nito na tila hindi makapaniwala. "Sa pagsasabi mong layuan ko na siya bago pa ako mapahamak at sa lahat ng pangaral mo na hindi ko pinakinggan," aniya na puno ng pagsisisi sa tinig. Katahimikan ang sinagot ng kaniyang kaibigan dahilan upang mapaluha siya. Luha ng labis na pagsisisi sa pagiging matigas ng ulo niya. Somehow, she feel guilty. "Hindi ako alam kong tama pero tama ka," muling tuon dito. "Tama, saan?" muling ulit ng kaibigan. "He needs professional help," aniya na tinugon na naman ng kaibigan ng mahabang katahimikan. "Okay, we will plan for that?" sambit nito saka sinabing mag-usap na lamang sila ng personal at mapagplanuhan ang gagawin nila. Expected na nilang hindi basta-basta susuko si Gilbert. Mainam na pagplanuhan nila. Kahit papaano ay mabait sa kaniya ang kapatid nito at ito mismo ang nag-suggest sa bagay na iyon. "Alam ba ng asawa mo?" mayamaya ay tanong na naman ng kaibigan. Agad siyang umiling na tila ba makikita siya nito. "Hindi," mahinang sambit. "Wala ka bang planong sabihin? Asawa mo siya at karapatan niyang malaman ang lahat-lahat sa'yo," anito. "Alam mo naman ang sitwas—" "I know, pinakasal lang kayo dahil sa paluging negosyo niyo? But, girl, hindi noon maiaalis na asawa mo siya, legal husband!" pagdidiin pa nito. Ngunit natatakot siya, natatakot siya pati ito ay madamay sa dala niyang gulo. Masyado na itong nagsakripisyo para sa kaniya. Pagdating ni Calix sa condo ng kasintahan ay kita ang malawak nitong ngiti. Napakaganda nito sa simpleng bestidang suot. Pagkabukas pa lamang nito ay pumulupot na ang braso nito sa kaniyang leeg at masuyong ginawaran siya ng halik. Natigilan siya sa halik na iyon ng kasintahan kaya hindi siya nakapag-react. Agad na bumitaw ito at napatingin sa kaniya ng matiim. "Is there something wrong?" tanong nito. Para siyang nagising sa malalim na pagkakatulog nang maulinigan ang tinig nito. "Nothing, babe. I'm just mesmerize by your beauty. You look fabulous today?" hindi mapigilang sambit dito. Totoo naman iyon, napakaganda ng kasintahan ngunit sa kabila ng matamis nitong mga ngiti ay nababalot ng ulam ang mga mata. Bagay na pinagtataka. Let's go," yakag na lamang dito. Ngunit hindi pa rin matanggal sa isipan ang mainit nilang halikan ni Samantha kanina, halikan na kung hindi dahil sa tawag nito ay baka kung saan na humantong. "Are you sure, you're okay?" muling untag ng kasintahan sa kaniya. Masyado na yatang halata na balisa siya. "Yes, babe," tugon saka pinagbuksan ito ng sasakyan. May pagtataka pa rin sa titig nito pero hinayaan na lamang. Maging siya man ay tinatantiya kung kaya na bang i-give up ang relasyong meron sila lalo pa tuluyang naangkin ni Samantha ang kaniyang puso. 'Sh*t!' mura sa isipan sa mga naiisip. Isipin pa lamang niya na iiyak ang kasintahan ay tila nakokonsensiya na siya. Siya pa ang nakiusap dito na intindihin siya tapos sa huli ay bibitawan din pala ito sa ere. Naramdaman ang paggagap nito sa kaniyang palad at sa mukha nito ang matamis na ngiti. Sa mall ay naghihintay si Samantha. Kabado siya dahil iyon ang unang pagkikita nila ni Gilbert matapos siyang ikasal kay Calix. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Ngunit nang makitang pabungad ito at mukhang maayos naman itong tignan ay napangiti na rin siya. "Hi, babe," bati nito. May pagtataka sa asal nito pero nakiayon ba lamang siya. "Hi, you look refresh. Sana naman ay naliwanagan na rin ang isip mo," aniya rito na kinatawa nito. "Well, naisip ko na baka ka lumalayo sa akin ay dahil feeling mo ay nagiging possessive ako," turan nito. Napangiwi siya sa narinig pero gaya ng sinabi ng kaibigan ay kailangan hindi ito makahalata. Gilbert has a twisted mind. Kaya ka niyang manipulahin kung hindi ka mag-iingat. "That's good," aniya naman na ngumiti ng ubod tamis. "Where do you want to eat?" tanong nito. "Oh, you like Japanese food, yah?" maang pa nito. Gilbert is trying to please her. "Thank you, babe. Tara!" yakag dito at nang patungo sila sa nag-iisang Japanese restaurant ay halos mapatigin siya nang makita si Calix na matiim na nakatitig sa kaniya habang sa braso nito ay nakapulupot ang kasintahan nito. Mas lalo pa siyang nagilalas nang biglang hapitin ni Gilbert ang baywang at nakita ang galit sa mukha ng asawa bagay na kinabahala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD