Chapter 26: Rejecting Him Again

1802 Words
Nang tuluyang mapag-isa si Calix ay doon lamang niya naramdaman ang pakiramdam na muling ma-reject at sa ikalawang pagkakataon ay mula iyon sa unang babaeng nag-reject din sa kaniya. Halos masabunutan ang sarili sa kahangalang nagawa. Kung kailan naglakas siya ng loob na umamin ay wala pa rin pa lang patutunguhan. "Ganoon ba niya kamahal ang lalaking iyon?!" bulalas niya matapos ihilamos sa mukha ang dalawang palad. Halos matabig ang silyang nasa tabi sa labis na prustrasyong nararamdaman. Inis man ay minabuting umakyat na rin at magpahinga. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya bukas para lamang hindi sila magkita ni Samantha sa loob ng bahay nila. Matapos ng lahat ay tila nahihiya siyang magpakita muna rito pero hindi naman siya pwedeng umuwi dahil magtataka ang magulang ngunit may condo pa naman siya. Marahil ay doon na muna siya uuwi sa susunod na mga araw. Ngunit nang maalalang kailangan pala itong bantayan ay binawi rin ang ideyang naglalaro sa isipan. Muli siyang napabuntong-hininga dahil paano ito iiwasan kung kailangan niya itong bantayan. Sa silid ay hindi mapakali si Samantha. Kita ang pagbalatay ng pagkadismaya sa mukha ni Calix sa kaniyang sinabi. Gustong-gusto mang sabihing mahal ito pero pinipigilan siya ng maaaring gawin ni Gilbert. Ngayon pa nga lang ay natatakot na siya dahil baka anumang oras ay baka may ginagawa na ito. Sa isiping iyon ay mabilis na hinanap ang cellphone at hindi nga siya nagkamali dahil sunod-sunod na pagbabanta ang natanggap buhat dito. Umabot yata ng halos isang daan ang mensaheng pinadala nito sa loob ng tatlong araw na pagpatay ng cellphone niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ang mga mensahe nito at halos manginig siya sa huling mensahe nito. "Mamili ka kung sino ang una kong puputulan ang leeg. Papa mo, Mama mo o asawa mo!" naghihilakbot na basa sa mensahe nito. Mabilis na tinawagan ito at agad naman itong sumagot. Nakakatulig na tawa ang narinig buhat dito. "Masarap ba?" anito na tila high na naman ito. "Stop it! Magkita tayo!" matapang na turan dito. Muli itong humalakhak. "Sure, siguro naman ay ipapatikim mo na rin iyan sa akin tutal ay nalawayan na ng iba!" anito na hindi alam kung nang-iinsulto o hindi. "Stop it! Kung gusto mong makipagkita ako sa'yo!" iritableng sabad. Mas lalong lumakas ang tawa nito saka biglang natigilan. "Huwag mo akong sabihin kung ano ang gagawin ko! Ako ang magsasabi kung ano ang gagawin mo!" singhal nitong wika. Nagsisimula na naman siyang mainis pero pinipilit niyang kumalma. "Gusto kong makausap ka ng maayos. Hindi tayo magkakaintindihan kung ganiyan ka! What's wrong with you!" bulalas dito. "What's wrong with me? Tinatanong mo sa akin? Maayos kitang pinayagang umuwi tapps malalaman kong ikakasal ka na tapos sasabihin mong what's wrong with me?!" galit na nitong wika. Sa parteng iyon ay guilty siya. "I'm sorry, ako man ay hindi ko inaasahan iyon. We'll meet tomorrow. I will message you where and when. Sana ay maayos kang haharap sa akin, hindi iyong bangag ka!" parunggit dito. "Gusto ko lang makalimot! Hindi ko akalaing mauunahan ako ng isang pilantud na lalaki. Iningatan kita at nirespeto tapos uunahan ako?" bulalas nitong wika. Napabuntong-hininga at pilit kinakalma ang sarili. "Sige na, mag-usap na lamang tayo kapag maayos ka nang kausap. Marami tayong dapat pag-usapan," aniya sa mababang tinig. Alam niyang sa ganoon ay nakakalma si Gilbert. Isip nito ay napapasunod siya nito. "Sige, babe! Sorry din," anang pa nito na kahit papaano ay napanatag siya. Nang ibaba ang cellphone ay nanlalambot na napaupo siya sa kaniyang kama. Ang bigat ng pakiramdam niya na tila ba natutulad na rin siya kay Gilbert na masyadong toxic. Mayamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone. Buong akala ay si Gilbert iyon kaya tinatamad siyang tignan ngunit nang makitang si Nathalie iyon ay agad na sinagot. "Hel—" "Gosh! Finally ay sumagot ka na rin! Malapit na nga akong humanap ng detective at ipahanap ka sa Cebu! Bakit ngayon ka lang nagbukas ang cellphone mo, nag-alala ako sa'yo, girl. Kung hindi ko lang alam na nasa honeymoon ka ay—" tigil nitong wika nang mahalatang ito na lamang ang talak nang talak. "Hello, Samantha? Nandiyan ka pa ba?" dagdag pa nito. Bumuntong-hininga siya. Hindi pa man siya nakakapagsalita nang muli na naman itong bumulalas. "Wow! Ang lalim noon, girl. So, kumusta ang honeymoon at nagawa mo pang magpatay ng cellphone?" anito na tila nanunudyo na nang-aasar. "Iniwasan ko lang si Gilbert," tugon dito na kinatigil niya. "What?! Hello, girl! Sasabihin ko sa iyo na uso na ang mag-ghosting kaya pwede pa ring mag-block! Bakit hindi mo na lang i-block ang herodes na iyon!" suwesyon nito na tila ba kay dali na gawin iyon. "Kung madali lang gawin ay ginawa ko na," aniya. "Madali kung gawin mo! Block mo lang at wala ka ng problema!" palatak nito. "Para sa iyo madali—" "Madali kung gagawin mo! Pero masyado ka kasing nagpalaloko sa lalaking iyon. Adik na, baliw pa! Pati ikaw—" gigil na putol nito ngunit nang ma-realize ang sinasabi nito ay kusa ring tumigil. "Sorry, Samantha pero ikaw rin kasi ang gumawa ng sarili mong sakit ng ulo," malumanay na nitong turan. Naluha pa siya. "Sana nga ganiyan lang kadali, Nath," aniya na tila nanlalata sa isiping wala na siyang kawala kay Gilbert. "Umamin ka nga sa akin, girl. Mahal mo pa ba si Gilbert? Paano mo maaatim na mahalin ang tulad niya na walang ginawa kundi ang magpakasarap sa buhay?" sermon pa ng kaibigan na tumatagos sa kaniyang puso. Hindi namalayang tumulo ang luha niya. "Nath," paos na tinig. Ramdam niyang nabahala ang kaibigan sa kabilang linya. "Sorry, Sam, masyado akong frustrated sa iyo. Mahal kita kaya gusto kitang mapabuti," dagdag pa nito na mas lalong nagpaiyak sa kaniya. Parang sasabog ang puso sa sandaling iyon. Gusto niyang kumawala sa toxic nilang relasyon pero natatakot siya, natatakot siya sa maaaring gawin ni Gilbert sa magulang at kay Calix. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng kaibigan hanggang sa marinig ang malalim na paghugot nito ng buntong-hininga. "Hindi sa nakikialam ako sa buhay mo, Sam. Gaya ng sabi ko ay mahal kita kaya gusto kitang mailayo sa taong alam kung hihila sa'yo pababa," anito. Hindi na niya napigilan pa. "Nath," iyak niya. Sa totoo lang ay parang sasabog ang dibdib sa kaiisip kung paano makakawala. "Ayos ka lang ba?" untag nito na nagpahagulgol sa kaniya. "Nath," ulit niyang humahagulgol na. Maging ang kaibigan ay ramdam na naiiyak na ito. "Samantha," tawag din nito. "Sorry—" "Nath, natatakot ako! Takot na takot," tuluyang saad. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan sila. Tila nahimasmasan naman siya sa kaniyang nasabi at napatigil bago pa mang-usisa ang kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?!" "Ah—wala," utal na sabad. Umilap ang mga mata, ayaw niyang madamay ito sa pagiging twisted ng utak ni Gilbert. "No! I feel it! May sinasabi ka, sabi mo ay takot na takot ka? Kanino?!" pangungulit na tanong ng kaibigan. Tuluyan siyang nahimasmasan. "Wala, forget what I said," anito saka mabilis na nagpaalam. "I have to go," aniya upang makaiwas dito. Natahimik ito na tila nakikiramdam sa kaniya pero agad rin namang sumang-ayon at sinabing magpahinga na siya. Ngunit dama pa rin sa tinig nitong may pagtatanong pero hindi na nagawang itanong pa. Kinabukasan ay lulugo-lugong bumangon si Samantha at lumabas ng silid. Kitang pasado alas nueve na kaya tiyak na wala na si Calix sa bahay nila. Ngunit paglabas na paglabas ng silid niya ay siyang labas din ng lalaking iniiwasan na makita. Nakabihis ito at mukhang tila may lakad. Nakailang lunok siya sa klase ng tingin nito sa kaniya at doon lamang nag-sink in sa kaniya ang suot nilang spaghetti strap cotton top at ang maiksing cotton short na halos kita ang pisngi ng kaniyang puwetan. Hindi tuloy siya nakahuma sa kinatatayuan. Maging si Calix ay hindi nakahuma nang biglang paglabas ni Samantha sa silid nito suot ang pantulog nito. Kaliligo lamang niya pero para siyang pagpapawisan ng malapot dahil sa kaniyang nakikita. Paalis sana siya dahil nagyaya si Geraldine na magsisimba sila. Masyado na siyang nababaghan sa kasintahan dahil mukhang marami itong bagay na hindi ginagawa noon na ngayon ay ginagawa. Ang pag-leave nito sa trabaho, ang pagdalaw sa mga kamag-anak at ngayon naman ay pagsisimba nila. Noong una ay inakalang dahil iyon sa biglaang pagpapakasal nila ni Samantha pero tila may mas malalim pang dahilan. Sa totoo ay natutuwa siya sa mga pagbabagong iyon pero sa likod ng isipan ay may malaking katanungan kung bakit iyon ginagawa ng kasintahan. "Ahemmm!" tikhim ni Samantha. Nanginginig ang tuhod niya pero dapat na niyang putulin ang matiim na pagtitig nito sa kaniya. "A—alis ka ba?" hindi mapigilang itanong. "Oh, yeah magsisimba lang," anito nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Mabilis iyong hinugot sa bulsa ng pantalon nito. Pagkakataong upang pag-aralan pa ang lalaking pinakasalan. Napakaguwapo nito at kay kisig kahit sa rugged look nito. Nabigla lamang siya nang biglang magtaas ito ng tingin saka sinagot ang tawag sa cellphone nito. "Hello, babe?" sabad nito at doon ay tila nahimasmasan sa ginagawang pag-aaral sa kabuuan ng asawa. "Yes, babe. Susunduin na lamang kita para naman hindi ka na mag-drive," mabilis nitong sang-ayon sa kausap nito. Pagkababa ng tawag ay napalingon ito sa kaniya habang siya naman ay pilit na kinakalma ang loob. Tila nagwawala ang kaloonan dahil kagabi lamang ay nagtapat ito ng damdamin sa kaniya tapos bigla siya nitong iiwan dahil sa kasintahan nito. 'Ikaw din naman ang may kasalanan, hindi ba?!' sumbat ng isipan dahilan para gustong kumawala ang mga luha sa mata. "Magsisimba kami, gusto mo bang sumama?" yaya niya kay Samantha. Napakawalang modo naman niya kung hindi niya ito yayayain. Pilit ngumiti si Samantha sa pagyaya nito sa kaniya. "'Di para ko nang nilagyan ng kalamansi ang sugat ko!" bulong sa sarili sa sinabi nito. "Ha?! May sinabi ka ba?" gagad ni Calix nang hindi masyadong narinig ang sinagot ni Samantha. "Wala, I said maybe next time. Puntahan mo na siya baka hinihintay ka na niya," tugon na pilit ngumiti. Kita ang pagtatanong sa mga mata ni Calix pero hindi na niya pinansin pa. "Okay," anito saka nagsimulang maglakad. Pasunod na rin siya dahil kanina pa siya nauuhaw nang bigla itong tumigil at halos masubsob siya sa dibdib nito. "Ops!" mabilis na salo ni Calix sa kaniya at mas lalong nanlaki ang mga mata nang masagi nito ang dibdib sa ginawa nitong pagsalo sa kaniya bago mabuwal. Parang tumaas lahat sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo. Namula ang mukha at halos hindi makatingin sa lalaking noon ay tila ayaw pa siyang bitawan. "Calix?!" halos pabulong na turan nang makitang palapat na ang mukha nito sa kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD