Hindi na napigilan pa ni Calix ang sarili. Nagtatalo ang puso at isipan ngunit tila mas nanaig ang puso kahit pilit sinisiksik sa isipan na gawin ang tama. Iyon ay ang iwasan si Samantha dahil mahal rin naman niya ang kasintahan pero mula nang bumalik ito ay nagulo na ang kaniyang damdamin.
Hindi na niya masigurado kung puro o tama pa rin bang mahal niya ito kung nagagawa na siyang gambalahin ni Samantha.
"Calix?!" dinig na turan nito sabay bahagyang tulak sa kaniya ngunit tila mas nanaig ang kagustuhang muling maangkin ang labi nito kaya sa kabila ng pagtutol nito ay nagawang angkinin ang labi nito.
Ramdam pa ang panginginig ng katawan nito at ang pangangatal ng labi nito. Ngunit hindi nagtagal ay naramdaman niya ang bahagyang pagkibot ng labi nito na tila tinutugon ang kaniyang labi. Bahagya siyang nabigyan ng pag-asa na kahit papaano ay may nagising siyang damdamin dito.
Naging mapangahas ang labi at sinubukang ibuka ang bibig nito gamit ang dila bagay na napagtagumpayan niya. Rinig niya ang bahagya nitong pag-ungol.
"Uhmmm!" hindi mapigilang ungol na kumawala sa bibig ni Samantha. Para siyang matutumba sa kinatatayuhan dahilan upang mapayakap siya sa leeg ni Calix. Sa totoo lamang ay hindi niya iyon namalayan marahil ay talagang nadala siya sa halikan nila. Bagaman nakaliliyo ang halik na pinagaasaluhan nila ni Calix ay agad rin naman siyang natauhan dahilan para agad itong itulak.
Hawak pa rin nito ang baywang niya pero kahit papaano ay nakalayo siya ng bahagya. Kapwa tahimik at nakatingin lamang sa isa't isa. Hindi alam kung papaano babawiin ang mga tingin sa mga mata nito.
"Aheemmm!" malakas na tikhim upang pukawin ang pansin nito baka kahit papaano ay pawalan na nito ang baywang niya nang mayamaya ay makita ang kawaling nausok na. "Calix!" biglang turan dahilan upang maalerto ito. Agad naman siya nitong binitawan at deretsong sinara ang kalan. Electric stove iyon kaya kahit papaano ay hindi naman siya ganoon ka-overheat. Mabuti na lamang at hindi pa nalagyan ng olive oil.
Kapwa sila natigilan muli ni Calix matapos niyang patayin ang kalan. Kapwa ulit nagkahinang ang kanilang mga mata at hindi alam kung papaano iiwasan ang tensyong namamayani sa kanilang dalawa.
"Gu—tom ka na ba?" utal na tanong dito.
"Hindi pa naman, mukhang masarap ang iluluto mo?" pilit na binaling ni Calix ang pansin sa iluluto nito lalo pa at kita ang pagkailang kay Samantha.
Ngumiti ito dahilan upang makita ang magkabilaang biloy nito na kay ilap makita sa pisngi nito. "Well, let see kung magugustuhan mo mamaya," anito na kinangiti naman niya.
"Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Pwera na lang kung sunog talaga dahil ayaw ko ng sunog," biro ni Calix. Kahit papaano ay naibsan ang tensyon sa pagitan nila.
Napatawa si Samantha sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit natawa siya sa hirit nito at para hindi siya mapahiya ay agad na humirit.
"Paano ba iyan, sunog na itong kawali," natataaang biro sa hirit niya.
Maging si Calix ay natawa sa hirit ni Samantha. Hindi niya inaakalang may natatago rin pala itong sense of humour. Hindi nila namamalayan na kapwa na pala sila nagtatawanan nang bigla rin silang napatigil nang mapagtanto ang kanilang ginagawa.
"Saglit lamang ito," aniya saka mabilis na inabala ang sarili sa pagluluto.
Matapos nga ng halos bente minutos ay patapos na siya. Nang balingan si Calix ay matiim itong pinagmamasdan siya bagay na muli siyang nailang lalo pa at sa klase ng titig nito.
"Kain na," untag dito.
Awtomatikong napangiti si Calix nang makita ang niluto ni Samantha. Mukhang may alam nga ito sa kusina, no doubt for that kasi kita sa kilos at galaw nito kanina na tila bihasa sa gawaing kusina.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" alanganing tanong niya sa lalaki nang mas lalo itong napangiti nang yayain na itong kumain.
"Wala naman," mabilis na sabad ni Calix.
'Wala naman pala, bakit mukhang ngiting-ngiti ka?' sita niya sa isipan pero hindi na nagawang isatinig pa.
"Kain na tayo, mukhang natakam ako sa niluto mo," turan na lamang ni Calix para hindi na mailang si Samantha.
Pinagsaluhan nila ang niluto nito at hindi niya maiwasang mapangiti ng palihim dahil aminin niya ay masarap magluto si Samantha.
Hindi naman nakaligtas sa matatalas at mapagmatyag na mata ni Samantha. Kita ang pagngiti ni Calix matapos nitong sumubo sa kaniyang niluto. Talagang hinintay niya ito ang unang sumubo dahil nasasabik siyang makita ang reaksyon nito at sa nasilayang panakaw nitong ngiti ay batid na nagustuhan nito ang kaniyang luto.
"How is it?" tanong dito para lamang may mapag-usapan sila.
"Well, infairness, masarap siya," anito dahilan para hindi maitago ang pagngiti.
"Mabuti naman, akala ko ay hindi mo kakainin kasi nasunog ko ang kawali," birong hirit pa niya na kinatawa naman nito nang biglang tumunog ang cellphone nito.
Agad nitong kinuha iyon buhay sa gilid ng mesa at nakitang napatingin ito sa kaniya. Muling tumunog iyon dahilan para sagutin na nito ang tawag.
"Hello, babe?" dinig pang tinig nito matapos tumayo upang kahit papaano ay makalayo sa kaniya.
Tila ba nanlumo siya dahil tila nagpapaalala iyon na may babaeng nagmamay-ari ng puso nito. Naalala rin ang kasintahan na tatlong araw na rin niyang pinagtataguan. Nang maalala ito ay may kabang umahon sa dibdib. Kilala niya ito at alam niya kung ano ang handa nitong gawin, makuha lamang ang gusto nito.
Paglingon sa kinaroroonan ni Calix ay nakitang nakatingin din pala ito sa kaniya. Nakalapat pa rin ang cellphone nito sa kaniyang tainga na ibig sabihin ay kausap pa rin nito kasintahan. Muli ay nagsugpong ang kanilang mga mata ngunit siya na ang unang nag-iwas ng tingin. Binaling na lamang sa pagkain niya ang kaniyang pansin at mabilis na inubos ang pagkain niya.
Akmang tatayo na siya nang maramdamang bumalik ito. "I'm done! Iwan mo na lang sa lababo ang mga ito. Babalikan ko mamaya, may gagawin lang ako," mabilis na turan upang umiwas dito. Hindi alam kung bakit pero tila gustong tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Nababaghan man si Calix pero hinayaan na lamang si Samantha at hindi na ito hinabol pa. Nakatingin lamang siya sa likod nito habang papalayo. Napabuntong-hininga dahil hindi alam kung bakit nagawang magsinungaling kay Geraldine kanina.
Pagkatalikod na pagkatalikod ni Samantha kay Calix ay bumagsak ang patak ng kaniyang mga luha. Kaya hindi na siya lumingon pa rito kahit batid na hinahabol siya nito ng tingin. Hindi alam kung bakit pero tila kusang nagsipaglandasan ang mga luha niya. "Iyan na ang sinasabi ko sa'yo, eh!" sermon sa sarili pagkapasok sa kaniyang silid. "Masasaktan ka lamang," giit pa sabay sapo ng magkabilaang palad ang mukha.
Inubos ni Calix ang pagkaing natira sa mesa. Masarap magluto si Samantha ngunit nang maalala ang mga nangyari kanina ay hindi niya maiwasang umasam na baka nagselos nga ito sa pagtawag ni Geraldine sa kaniya kanina. Kung iisipin kasi niya ay maayos naman na silang nag-uusap. Nagagawa pa nitong makipagbiruan pero nang matanggap ang tawag ng kasintahan ay bigla itong nag-iba.
Nang matapos kumain ay hinugasan na lamang niya ang mga iyon. Nakakahiya naman kung hihintayin pa itong bumaba upang maghugas ng pinagkainan nila.
Nang mahimasmasan si Samantha ay mabilis na tinungo ang banyo niya upang ayusin ang sarili. Marahil ay kanina pa tapos si Calix kaya naisip na balikan na ang kaniyang mga hugasin ngunit nang makarating sa kusina ay malinis na malinis na iyon.
Napakunot-noo siya dahil hindi inaasahang gagawin iyon ni Calix. Papihit na siya upang bumalik sa silid nang sumadsad ang mukha sa malapad nitong dibdib. Nagulat talaga siya dahil hindi man lang narinig ang paglapit nito sa kaniya.
Mabilis na sinangga ang magkabilaang palad para lamang huwag silang masyadong magdikit ngunit mas mabilis itong pinulupot ang braso sa baywang niya.
"Ano ba, Calix! May girlfriend ka na!" hindi mapigilang bulalas dahilan upang kapwa sila matigilan sa sinabi.
Nang makahuma si Calix ay tila nais magdiwang. Sa narinig na sinabi ni Samantha ay naisip na tama ang naisip kanina kung bakit ito nag-iba ng mood.
"Okay, sorry! Pero masama bang yakapin ko ang asawa ko?" nagugulumihanang hirit kay Samantha. Kita ang pamumula ng mga mata nito.
"Masama!" medyo padarag na wika nito saka mabilis na tumalikod sa kaniya pero agad rin naman niyang hinawakan ito sa kaniyang braso.
Hindi naiwasang tumulo ulit ang mga luha niya. "Tell me, Samantha? Nararamdaman mo rin ba?" lakas-loob na tanong niya rito.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. Ayaw sumagot ni Samantha dahil mahahalata nitong umiiyak siya sa kaniyang boses. "Alam kong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko. Bakit pa natin pahihirapan ang sarili natin kung—"
"Kung ano, Calix?!" sabad rito. Paos ang boses at batid na nitong umiiyak siya. Naramdaman ang pagdiin ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso saka siya pilit pinaharap dito.
Hawak na nito ang magkabilaang braso niya, wala na siyang kawala pa dahilan upang mapatungo na lamang dahil takot na takot siyang salubungin ang mga mata nito.
"Samantha, mahal kita," tuluyang amin ni Calix sa damdamin sa babaeng nasa harapan.
Mabilis na nagtaas ng tingin si Samantha saka umiling. "No, Calix! Hindi mo ako pwedeng mahalin," aniya saka pilit kumakawala sa pagkakahawak nito pero matikas ang mga kamay nito.
"Bakit hindi?" gagad nito dahilan upang hindi nakaimik.
"Dahil.....dahil...." anito habang naghahapuhap ng kaniyang sasabihin. "Dahil may girlfriend ka na at—"
"Makikipaghiwalay ako kay Geraldine. We can make this work," mabilis na sabad ni Calix at nakita ang bahagyang pagtiim ng titig ni Samantha na tila ba sinisigurado kung tama ang narinig nito. "Handa akong iwan siya, ganoon kita kamahal," tuluyang amin sa tunay na damdamin.
Mas lalong natakot si Samantha sa maaaring gawin ni Gilbert kapag nalaman nitong tuluyang nahulog si Calix sa kaniya at lalo pa siguro kapag nalaman nitong mahal na mahal niya rin ito.
"Alam kong mahal mo rin ako, Samantha kaya—" putol nang mabilis siyang umiling sa sinasabi nito.
"Mahal ko ang boyfriend ko," giit niya saka muling nagpumiglas sa pagkakahawak nito. Tila nanghina si Calix sa narinig buhat kay Samantha. Parang gustong murahin ang sarili sa kahangalang ginawa.
"Mahal mo pero mahal ka ba niya?" patuyang turan gawa ng pait na nadarama sa tahasang pagtanggi ni Samantha sa inaalok na damdamin.
Lumayo si Samantha kay Calix bago pa ito mayakap dahil sa totoo ay parang magwala ang puso sa mga sinabi nito. "Sayang, sana noon pa?" may pait na turan saka tuluyang humakbang palavas ng kusina.
Umaalingawngaw sa isipan ang huling salitang binitawan ni Samantha. "Sana na nga, Sam. Noon pa! Noon pang malaya ka pa," mapait na turan habang kita ang likod nitong papanhik sa ikalawang palapag ng bahay.