YANNA "MALIGO ka na. Iaabot ko na lang sa'yo ang mga damit mo kapag naihatid na dito ni Orion." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Uncle Jaxx mula sa likuran ko. At literal na napigil ko ang aking hininga nang malamang ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Magulo pa rin ang buhok niya na halatang hindi pa nagsusuklay pero nakasuot na siya ng shorts at sando. Ang guwapo talaga ni Uncle! "Hihintayin ko na lang po," sagot ko dahil iniisip ko agad kung paano niya iaabot sa'kin ang mga damit ko kapag nasa loob na ako ng banyo. "Sinusuway mo na naman ako, Yanna," reklamo niya habang matiim na nakatitig sa akin. Ayokong magalit na naman sa akin si Uncle kaya pumayag na ako. "Sige po." Tumango na lang ako at tumalikod na para pumasok sa banyo. "Ah, Yanna..." tawag niya sa