UNCLE JAXX “ANO? Hindi mo pa rin sinasabi kay Yanna ang totoo?” halos sabay na bulalas ng mga kaibigan ko nang sabihin ko sa kanila na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng asawa ko ang buong katotohanan. Nandito sila ngayon sa mansiyon para pag-usapan ang nalalapit naming pagsakatuparan sa proyektong matagal na naming pinagplanuhang mabuti. “Bro, akala ko ba napag-usapan na natin ‘to? Na sasabihin mo na sa kaniya ang totoo?” hindi makaniwalang tanong ni Emrys. “Kaya nga pumayag ako noon na iligtas siya sa isla at ilagay sa alanganin ang grupo natin dahil sa natuklasan natin tungkol sa kaniya, ‘di ba?” “Believe me, I tried. Kaya nga dinala ko siya sa resort noong nakaraang gabi para sana aminin na sa kaniya na ang ‘Boyong’ na hinahanap niya at ako ay iisa. Pero kung narinig n’yo lan

