YANNA “AWITEN diay probinsya na Benguet!" bati sa amin ni Uncle Gael nang lumapag sa malawak na farm na nasa gitna ng kabundukan ang private chopper ni Uncle Jaxx na naghatid sa amin dito sa Benguet. Nasa himpapawid pa lang kami kanina ay hindi ko na napigilan na mamangha sa sobrang paghanga habang nakatanaw ako rito sa ibaba na sigurado akong pag-aari ni Uncle Gael dahil apelyido niya ang nakasulat sa malaking karatula sa entrance nito. Ang ‘Velasco Farm’. Grabe! This is like paradise for me. Hindi ako mahilig sa strawberry pero nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na nakahilera sa farm ang mga puno nito na pare-parehong hitik sa bunga. Bukod sa nasabing prutas, may mga taniman din ng lettuce at broccoli na pawang malulusog. Hindi lang mga gulay at prutas na nakatanim dito ang k