YANNA MALAKAS akong napahiyaw at saka mabilis na nagtakip ng tainga habang tumitili kasabay ng pagtama ng mga bala kung saan at humahabol sa amin ni Uncle Jaxx na palabas sa motel na ito. Sa fire exit kami dumaan. Mabuti na lang at sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko kaya hindi niya ako naiiwan kahit mabilis siyang tumatakbo. Nagulantang din ang iba pang mga tao rito sa motel. Puro sigawan ang naririnig ko at ang iba naman na nagkataong nasa labas ng kanilang silid ay nagtakbuhan at nagkaniya-kaniya ng tago para iwasan ang umuulan na mga bala. Sa sobrang takot ko kaya hindi ko magawang lumingon para alamin kung sino at kung ilan ang humahabol sa amin ni Uncle. Ang alam ko lang, walang tigil ang pamamaril sa amin. Mabuti na lang at mukhang sanay umiwas itong asawa ko kaya kahit a