YANNA ISANG LINGGO din akong hindi pinalabas ng silid ni Uncle Jaxx. And I don't know why. Hindi rin naman niya sinasagot sa tuwing tinatanong ko kung bakit gusto niyang nandito lang ako sa loob. Ang sabi nina Manang Ruffa at Lola Esme, gusto raw ni Uncle Jaxx na magpagaling muna ako nang tuluyan bago ako sumabak sa pagiging alalay niya kaya ikinulong muna niya ako. Pero hindi ako naniniwala. Kasi sa loob ng isang linggo na magkasama kami rito sa loob ng silid niya at walang tigil ang pag-angkin niya sa akin, lalo kong napatunayan na wala na talaga siyang pake sa akin. Na hindi na siya ang dating Uncle Jaxx na nakilala ko. Para lang akong bayarang babae kung gamitin niya. At hindi asawa. Walang emosyon ang bawat pag-angkin niya sa akin, walang pagmamahal. Pagkatapos niyang sumab