YANNA "HUWAG mo masiyadong higpitan. Hindi ako makapagmaneho nang maayos." Napakagat labi ako nang mahimigan ko ang pagkainis sa boses ni Uncle Jaxx nang yumakap ako nang mahigpit sa kaniya. Hindi niya yata nagustuhan ang ginawa ko. Kung hindi lang ako talaga ako takot sa motor, hindi naman talaga ako kakapit nang ganito sa kaniya. "Sorry po," nahihiyang sabi ko at saka niluwangan nang kaunti ang pagkakayakap ko sa kaniya. Pero nakadikit pa rin ang dibdib ko sa kaniya dahil sa sobrang takot na baka bigla akong lumipad. Sobrang tulin naman kasi ng takbo niya na para bang lumilipad na kami. Sabagay, kailangan talaga naming bilisan para makalayo na kami sa Mariposa bago pa man kami mahabol ng mga kasamahan ni JR Salvacion. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na napunta sa w