CHAPTER 2 [Decision]

1269 Words
Kilalanin si Cherry Jane Suarez. Siya ay Dalawampu't dalawang taong gulang at 3rd year college na sa pasukan, dalawang buwan na lang mula ngayon. Maganda ang pamumuhay ni Cherry kumpara sa pamumuhay ni Katana. Siya kasi ay nag-aaral dahil kailangan sapagkat ang magulang niya ay parehong Teacher sa isang University rito sa Bicol habang si Katana naman ay nahinto sa pag-aaral ng High School dahil sa pagtrabaho. *** Bago pumunta si Katana sa bahay ni Cherry. Cherry's POV Napahinto ako sa ginagawa kong paghuhugas ng plato nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone na nakalagay sa aking bulsa. Mabilis kong ipinunas sa tuyong bimpo ang basa kong kamay at saka dali-dali kinuha ang cellphone. Nang makuha ko na 'yon ay tinignan kung sino ang caller, si Tiffany iyon, ang bestfriend namin ni Katana na kasalukuyang nasa Manila dahil ito ay nagtatrabaho. Napakunot ang noo ko nang makita siya ang kaniyang pangalan sa screen. Madalang lamang kasi itong tumawag sa amin dahil sa kaniyang trabaho. 'Bakit kaya siya tumatawag?' butong ko sa sarili at malakas na buntong-hininga bago pindutin ang answer button. "Hello, Tiffany? Himala yata at napatawag ka?" tanong sa kaniya at saka bumaling sa mga platong tapos ko nang hugasan. Isa-isa ko na itong inilagay sa lalagyan habang hinihintay ang pagsalita ni Tiffany sa kabilang linya. "A-ano kasi Cher, meron na kasi akong nahanap na trabaho kay Kat, malaki ang sahod. Diba nagpapahanap sya ng mapag tatrabahuhan," nautal na sagot ni Tif na nag pakunot sa noo ko. Kailangan ba talagang mautal pa s'ya? Napailing naman ako at pinagsawalang bahala ang pag dududa ko. "Buti naman at nakahanap ka na ng mapagtatrabahuhan ni Kat, alam mo naman 'yon, basta trabaho go lang." natatawa kong sabi na pati si Tif ay natawa rin. "Nasabi mo pa," pag sang-ayon nya sa sinabi ko. "By the way, anong trabaho ba 'yang nahanap mo para kay Kat?" tanong ko. Bago pa man masagot ni Tif ang tanong ko ay may narinig akong nagsalita mula sa kabilang linya. "Miss Tif, pinapatawag po kayo si Sir Smith." Aba't talaga itong babaeng 'to. Nasa oras pala ng trabaho nagawa pang tumawag sa akin. "Teka lang Cher tinatawag ako ni Boss, mamaya sasabihin ko sayo. Papuntahin mo muna riyan si Katana para makausap ko tungkol sa trabaho nya. Bye Cher!" nagmamadali nyang wika at saka pinatay na ang tawag. Naguguluhan man ay pinatawag ko na lang si Katana mula sa mga batang naglalaro rito sa labas ng bahay namin. Hindi nagtagal ay natanaw ko na si Kat na papalapit sa bahay kaya naman hihintay ko na s'ya sa tapat ng pintuan. Napakunot ang noo ko nang mapansin na basa ang damit nya. "Oh? Napano ka na naman Kat? May niligtas ka na naman no?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang. Hindi na rin naman ako nag tataka kapag nakikita ko na ganito ang sitwasyon nya, ilang beses ko na rin naman s'yang nakikitang gan'yan, hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-alala. Napakamot nalang s'ya sa batok nya at saka pilit na ngumiti, napabuntong hininga na lang ako. "Oh s'ya, pumasok ka na rito," sabi ko at saka nauna na sa pag pasok "Mag banlaw ka muna, mamaya ay tatawag na si Tiffany." Binigyan ko s'ya ng pamalit na damit at saka pumunta na sa sala. Di pa man natatapos ang pagbabanlaw ni Kat ay nag ring na ang cellphone ko, tumatawag na ulit si Tif. "Hello Tif, nandito na sa bahay si Kat pero nag babanlaw s'ya ngayon, may niligtas na naman kasi, basing basa ang damit." Wika ko, pagkasagot ko ng tawag nya. Narinig ko ang pag tawa nya, 'di na'rin naman bago sa kaniya ang nababalitaan nyang pagligtas ni Kat sa mga tao rito sa amin kaya naman masyado s'yang popular dito. Para samin normal na ang ganon. "Hahaha, May pagka ala wonder woman na 'yang bestfriend natin," biro nya. "Baka nga ancestor pa nya si wonder woman," sabi ko nalang sabay hagikgik. Napagtripan na naman tuloy namin si Kat. "Ano nga pala ulit ang trabaho riyan ni Kat?" tanong ko. Napansin kong natahimik sa kabilang linya si Tiffany pagkatapos noon ay narinig ko ang malakas na pag buntong hininga nya bago mag salita. "Wag ka sanang mabibigla Cher... Actually ang nahanap kong magiging trabaho ni Kat dito ay ang maging bride ng boss ko, ni Sir Zhyne Kiero Smith," bulong nya na nagpaawang sa bibig ko. WTF! Sisigaw na sana ko pero buti na lang at natandaan ko na nandito pala si Kat. Gulat man ay hindi ko na binalak pa na taasan ang boses ko. "Sigurado ka ba riyan Tif?" nag aalala kong tanong ng sabihin nya 'yon. Bakit ba sa lahat ng trabaho pwedeng mapasukan ni Katana, iyon pang maging bride ng boss ni Tif. Iba ang pamumuhay ng lalaking iyon. Ibang-iba. Ano ba ang binabalak nito ni Tif at ganitong trabaho pa ang inoffer niya kay Katana. "Siguradong-sigurado ako Cher. Pasok agad n'yan si Kat at saka kontrata lang naman," pag kukumbinsi nya sa akin para mapapayag ako. "Hays, nako malalagot tayo kapag nalaman nila tita," nag aalala kong sambit. Nakakatakot pa naman sila Tito kapag nagagalit ang mga 'yon. "Okay lang 'yan! Pumayag naman na si Miss. Hindi ko lang alam kung papayag sila Tito at Tita." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko iyon. "Oh s'ya, sige, bahala na," napipilitang kong sabi. Wala na rin naman akong magagawa eh. May plano yata sila, pumayag naman pala si Miss, alam ko rin na papayag din sila tito. Mabilis akong napaharap sa likod ko nang maramdaman ko ang presensiya ni Kat, gulat ang reaksyon ko. Baka narinig nya ang pag uusap naming ni Tif. Sabagay malalaman din naman ito ni Kat, hindi lang muna ngayon. *** Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas, parang may bumabato sa bintana ko mula sa second floor. Nakakunot ang noong bumangon ako sa kama. Kinusot kusot ko ang mata ko habang papunta doon. Hinawi ko ang kurtina at tumingin sa baba para tignan kung sino ang bumabato. Nanlaki ang mata ko nang makita sa labas si Katana, katabi ang tatlong bag. "WTF. Ano na naman ba ito?" bulong ko at naiinis na napakamot sa ulo. Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ko at mabilis na bumaba ng hagdan. Binuksan ko ang pintuan para harapin si Katana. "Anong ginagawa mo rito Kat?! At sa ganitong oras pa. May bitbit ka pa talagang bag!" pabulong na sigaw ko habang nakaturo sa mga bag na nasa tabi nya. "Pasensya na Cher, naistorbo kita sa pagtulog mo. Pwede bang diyan muna ako. Alam ko kasing hindi ako papayagan nila nanay na umalis bukas," wika nya habang nakahawak sa batok. "Kaya naiisipan mong tumakas? Nababaliw ka na ba?" naiinis kong sabi sa kanya. "Hindi pa naman, ay basta! Diyan muna ako sa inyo, please." Talaga naman itong babaeng 'to. Iba rin kung mag isip eh. "Parang hindi ka naman matutunton dito nila tito, haler ang lapit-lapit lang kaya ng bahay nyo sa bahay namin." Napakamot s'ya sa batok nya at saka sumagot na mas lalo pang nagpainis sa akin. "Edi samahan mo na lang akong bumiyahe papunta sa Manila," nakangiti nyang wika. Malakas akong napabuntong hininga nang sabihin nya iyon at nasapo ko ang noo ko. "Para ka na rin nyang nakikipagtanan," bulong ko. "Ano yun?" nag tataka nyang tanong. "Wala. Pumasok ka na nga muna, pabigla-bigla ka sa mga desisyon mo, ni hindi pa nga pumapayag sila tito," sabi ko sa kanya at saka binuhat ang dalawang bag ni Kat at pumasok na sa loob. Hay nako. Naiistress ako sa mga babaeng 'to. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD