Chapter 5

2040 Words
MATAPOS mabasa ang mga papeles ay kaagad tumayo si Alina. “Uuwi na ako,” paalam niya. “Do you have a driver?” tanong ni Elias. “Wala. Hindi na ako nag-hire ng driver. I can drive naman.” Tumayo na rin ito at isinilid sa handbag ang papeles. “I will drive you home.” “Paano ka uuwi?” “My driver will follow us.” “You will waste your time. Kaya ko namang umuwi mag-isa.” “I know. We can start from here, Alina. Gusto mong makilala muna ako, ‘di ba? Paano mo ako makilala kung mailap ka sa akin?” Humugot siya ng malalim na hininga at hindi na matanggihan ang binata. “Sige na,” padaskol niyang tugon at nagpatiunang naglakad. “Hintayin mo ako sa parking lot. Magpapaalam lang ako kay Daddy,” anito. Hindi siya umimik at tumuloy na sa parking area. Palapit na siya sa kaniyang kotse nang mamataan niya si Ezekiel na nakasandal sa harapan ng sasakyan niya, may sinisimsim na red wine. “Hi, Alina!” nakangiting bati nito. “Hello!” tipid niyang turan nang tuluyang makalapit. Sandali niyang tinitigan sa mukha ang binata. Hindi niya maikakaila na mas guwapo si Ezekiel kumpara kay Elias, pero pagdating sa hotness at lakas ng s*x appeal, nakalalamang si Elias. Masyadong guwapo si Ezekiel, attractive, pero tipong mabilis makasawa. Aware siya sa modeling career nito at nagtapos ng Marine engineering pero namamahala na lang ng shipping line ng mommy nito sa New York. “I can’t get over Elias’s marriage agreement. I heard before that he would marry your younger sister. What happened?” usisa nito. “Tumakas ang kapatid ko kaya obligadong ako ang papalit sa kan’ya.” Mahinang tumawa si Ezekiel. “Tingnan mo nga naman ang kalokohan ng pamilya ko. Hindi na sila nagbago, obsessed pa rin sa arranged marriage. Kung sa bagay, it runs in our generation. Nakakaumay lang.” “Wala namang problema sa arranged marriage basta magkasundo ang bawat panig.” “Do you mean, gusto mo rin ito?” Kumibit-balikat siya. “I don’t have a choice. Marrying your brother was the only option to save my family.” Tumayo nang tuwid si Ezekiel at bahagyang lumapit sa kan’ya. “Beware, Alina. You are going to marry Elias, the man who is good at manipulation,” seryosong wika nito sabay linga sa paligid. Mariin namang kumunot ang kan’yang noo. “Bakit? May problema ba?” Ngumisi si Ezekiel. “Walang problema kung kilala mo na si Elias at ang pagkatao niya. Pero kung hindi pa, prepare yourself for the consequences.” Umatras siya nang halos isang dangkal na lang ang pagitan sa kan’ya ni Ezekiel. Magsasalita pa sana siya ngunit namataan niya si Elias na palapit sa kanila. Nagsasalubong na ang makakapal nitong kilay habang mahayap ang titig sa kapatid. Mabilis namang lumayo sa kan’ya si Elias. “Invited ba ako sa kasal n’yo?” tanong nito. “Yes, but you are not allowed to talk to Alina as close as this again,” sagot ni Elias. “You’re harsh to me, brother. I’m not aware of your possessiveness toward women,” ani Ezekiel. “I’m not possessive. I’m just protecting Alina from you. She’s unaware of your flirty behavior.” “Hey! Wala pa akong ginagawa kay Alina! We were once schoolmates, and I want to reunite with her. I’m just amazed kasi magiging sister-in-law ko na siya. Huwag kang madamot, bro.” “Shut up! Dad wants to talk to you!” Nagpaalam na lamang si Ezekiel pero pasimple pang kumindat kay Alina. Nawiwindang siya sa mga napapansing asal ng mga anak ni Mariano. Hindi niya ito inaasahan. Model family pa naman kung maituring ng kababayan nila ang mga Angeles. Mukhang hindi kasama sa positive image ang mga anak. Mabait naman ang ibang kapatid ni Mariano, mga pamangkin nito na pumasok na rin sa politika. May dark side ata ang pamilya nito na hindi nasisilip ng ibang tao. “Shall we go?” tanong ni Elias. Tumango siya sabay abot dito ng susi ng kotse. Nang mabuksan nito ang sasakyan ay lumulan na siya at umupo sa driver side. “I like your car, cute. Is it yours?” ani Elias nang makapuwesto sa harap ng manibela. “Yes. It’s my first investment from my self-earned money,” tugon niya. “Ano na nga ang trabaho mo?” “Fashion designer ng Calla fashion and talent agency.” “Really? I’m their brand ambassador. I also invested in their Pampanga branch.” Manghang tumitig siya rito. “Did you invest in the branch's stock?” “Yeah. Kaibigan ko ang owner ng company, isa rin sa clients ni Daddy. Gusto ng owner na bilhin ko ang stock at franchise ng branch nila rito pero tinanggihan ko na. Hindi na kaya ng oras ko ang ganoong business.” “Maiba ako. You said you owned the Laurella Beach Resort sa Subic Bay kung saan tayo nagkita before. Ang alam ko sa mommy mo ‘yon.” “Binili ko na ‘yon kay Daddy. Investment ni Mommy ang resort pero nakapangalan kay Daddy. Bagong kasal pa lang sila noon. Pinalago ko lang ang resort at nagkaroon ng branches sa ibang lugar, sa Palawan, Cebu, at Zambales.” Nagmaniobra na si Elias at pinasunod sa kanila ang driver nito lulan ng kotse nito. Namangha siya sa natuklasan na hindi lang basta abogado at politiko si Elias, negosyante rin at endorser, modelo, ambassador. She can’t imagine her life without a husband like him. It’s an honor for her, yet she can’t give her full trust to him. Hindi siya maaring dumipende lang sa obvious na katangian ng binata. “You’re lucky to have a financially supported family,” komento niya. “It’s not because of luck, Alina. I chose my path without asking my parents what was better for me. I just woke up, making them an inspiration and a role model. Honestly, my family isn’t perfect. My parents once separated until my mom died of cervical cancer.” Nawindang siya sa natuklasan. Wala siyang alam sa totoong kuwento ng pamilya ni Elias. Naririnig lang niya sa mga tao kung gaano kasaya ang pamilya ng mga ito, perpekto kung mailarawan ng iba. May madilim palang kuwento sa likod ng magandang imahe ng mga ito. “What happened to your parents?” usisa niya. “My mom chose to separate from my dad, at hindi ‘yon alam ng parents nila. Busy sila pareho kaya hindi rin halata na hindi na sila okay. Since I discovered their secrets, I decided to live in the US with my mom’s younger brother. Alam ko na wala nang pag-asa na magkaayos ang parents ko, lalo’t pinaalam na ni Daddy sa magulang niya na wala na sila in Mommy. Pinakilala na niya ang karelasyon, iyon na ang stepmother ko. May tampo ako kay Dad, ganoon din sa mommy mo ko pero hindi ko rin naman sila masisi. Nagsimula lang naman sila sa arranged marriage. Inamin ni Dad na matagal na niyang mahal si Mommy. Ang mommy ko lang ang mabilis nagsawa, although he learned to love my dad.” “Bihira talaga ang nagtatagal sa arranged marriage. Sana naging lesson na sa parents mo ‘yong karanasan nila. Tapos kayong mga anak, ganoon din ang sitwasyon, parang mandatory ang kasal na walang love. Unfair lang kasi wala kayong freedom.” “It’s not mandatory. For me, arranged marriage is fine, as long as malaki ang benefits ko at kaya kong mag-adjust sa babae, same sa mga kapatid ko.” “I do not agree with that idea.” “Kaya mo ba pilit sinusuway ang daddy mo noon?” “I admit, masama talaga ang loob ko. Nagtampo ako kay Daddy kasi alam niya na may boyfriend ako noon pero ipinilit niya ako sa isang arranged marriage. Kahit pa single ako, hindi ko talaga gusto ang desisyon ni Daddy.” “Pero nasaan ka ngayon?” Sinipat siya ni Elias na may pilyong ngiti sa mga labi. Napairap siya rito. “Wala lang akong choice,” giit niya. Mahina itong tumawa at itinuon sa kalsada ang tingin. “Mali ang impression ko sa ‘yo base sa kuwento ng daddy mo. Mas ma-attitude ka pala kumpara kay Ara.” Pinasadahan niya ito ng mahayap na titig pero kaagad ding umiwas ng tingin nang mapansin ang malagkit na titig nito sa kan’ya buhat sa rareview mirror. Napahaba na ang kuwentuhan nila at kamuntik na silang lumagpas sa subdivision kung nasaan ang bahay nila. “Sorry, I forgot your address,” amuse nitong sabi. “Nahatid mo na raw si Ara isang beses sa bahay namin,” aniya. “Yeah, nalito lang ako sa street.” Pagdating sa kanilang bahay ay nakabukas na ang gate. Nag-chat na kasi siya kay Josie na parating na sila. Stay-in si Josie sa kanila at Sabado ng gabi lang umuuwi. Ipinasok na ni Elias ang kotse sa gate at naingganyo pang mag-explore sa bahay nila. Naroon na rin ang driver nito. Ang daming tanong ng binata tungkol sa family house nila. “Malaki rin pala ang property ninyo rito. I love the house, old-fashioned but elegant,” ani Elias. Nasa backyard na sila ng bahay at nakaharap sa swimming pool. May dalawang palapag ang bahay nila at apat ang kuwarto. Six hundred square meters naman ang lawak ng lupain. “Binata pa si Daddy noong naipundar niya itong bahay. Sampung taon siyang seaman bago nag-asawa kaya nakapag-ipon siya para sa negosyo at nag-aral ulit ng business-related course,” aniya. “I see. Pareho sila ni Dad ng diskarte.” Naglakad sila pabalik sa parking area. Tahimik na sa kabahayan dahil tulog na ang kaniyang ina. “May gagawin ka ba sa Friday, Alina?” tanong ng binata. “Maghapon akong sa opisina at isisingit ko rin ang pagguhit ng mga fashion design,” tugon niya. “If you have time on Friday night, can you be my date at the gala?” Huminto siya sa paghakbang at pumihit paharap kay Elias. Naisip na niya ang magiging reaksiyon ng mga tao oras mahagip ng media na magkasama sila ni Elias. Marami pa namang modelo nila at ibang talents ang patay na patay kay Elias. “Bakit ako? Puwede ka namang magsama ng ibang babae, iyong models,” aniya. “We have rules, Alina. No other man or woman will be involved in our lives, kahit pa flirting lang.” “Date mo lang naman sa gala, and it doesn’t mean, you have an affair with a woman.” Humakbang palapit sa kaniya si Elias na mariing kumunot ang noo. “Sabihin mo na lang na ayaw mo, ang dami mo pang alibi,” paangil nitong wika. “Fine! Ayaw ko maliban sa busy ako sa Friday. Gusto kong magpahinga pagkatapos ng trabaho sa opisina. Sasama lang ako sa ‘yo kung business-related ang lakad mo. Marami akong trabaho kahit nasa bahay ako.” “I understand, but we need more time to get together.” “Para namang marami kang oras.” Nilagpasan niya ito at lumapit siya sa main door ng bahay na nakabukas. “Aayusin ko ang schedule ko. Kung may time ka, puwede kang sumama sa akin sa trabaho,” sabi nito, talagang sinundan pa siya. “Ano naman ang gagawin ko? Mas madalas ka na sa duty mo bilang gobernador, may law office ka pa.” “Just be around me. Makita lang kita, panatag na ako.” Natigilan siya ngunit hindi na nag-abalang harapin pa si Elias. “Salamat sa paghatid. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin,” sa halip ay sabi niya. “You should take a rest, too.” Tumango lang siya at akmang papasok sa pintuan ngunit pinigil siya ni Elias sa kanang braso. Napilitan siyang lingunin ito. Hindi siya nakahuma nang salubungin siya nito ng mabilis ngunit marubrob na halik sa mga labi. “Good night, my future wife,” anas nito nang dumestansiya sa kan’ya. Ngumiti pa ito habang paatras na humahakbang. Naestatwa naman siya at walang imik na pinagmasdan lang ang binata na paalis. Kumaway pa ito bago lumulan ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD