“DO you have a crush on my brother, Alina?” usig ni Elias nang mapagsolo sila sa lamesa.
Naibalik ni Alina ang tingin sa binata lalo nang abutan siya nito ng salad.
“During high school, yes,” pag-amin niya.
Tumalim ang titig nito sa kaniya. “Ilang taon ka na ba ngayon?”
“Twenty-eight.”
“Magkaedad lang pala kayo ni Ezekiel. I didn’t expect that. Anyway, what happened to Ara?” pagkuwan ay saad nito.
She took a deep breath. “Wala pa ring balita,” turan niya.
“I told you. Don’t waste your time finding a woman who chose herself over her family. She’s irresponsible.”
Tanggap na ng sistema niya na walang balak magpakasal si Ara kay Elias, pero hindi pa rin siya sumusuko. Naniniwala siya na hindi lang basta tumakas ang kaniyang kapatid.
“What if biglang babalik si Ara kung kailan inako ko na ang responsibilidad niya?” aniya.
“Kahit babalik siya, hindi ko na siya tatanggapin. Babawiin ko lang ang sampung milyon at ikaw ang magpapakasal sa akin. Hindi na magbabago ang isip ko, Alina.”
Matiim siyang tumitig sa binata ngunit hindi nagpakita ng pagkontra. Wala rin naman siyang magagawa dahil sila itong may atraso. She’s the only hope for her family.
"What would I expect after marrying you, Elias?” usig niya sa binata.
Tumikwas ang isang kilay ng binata matapos sumimsim ng red wine. “Common sense, Alina. Once we get married, you are obliged to fulfill your responsibilities as my wife. Of course, we will help each other.”
“Tutulong ako sa business mo at sa ibang bagay pero hindi ako nangangako na maibigay lahat ng kailangan mo bilang asawa.”
“What do you mean? What needs can’t you give to me?”
“Like the usual responsibility of a wife. We’re not getting married for love, so expect it to be awkward. I could adjust, but it may take time. Kagagaling ko lang sa heartbreak, kaya sana maintindihan mo ang sitwasyon ko.”
“Oh, I feel bad for you,” tanging komento nito. Nagsalin ito ng red wine sa isang kopita at inabot sa kaniya. “But we can have s*x without love,” wika nito.
Hindi niya natuloy ang pagsimsim sa inumin. Tumalim ang titig niya sa binata. “Maghunus-dili ka, Elias!” angil niya.
The guy chuckled. “What’s the matter? Are you not familiar with s*x?” walang gatol nitong saad.
Kinilabutan siya bigla. “I’m not born yesterday, pero hindi tayo mga aso na anytime puwede magtalik kahit walang commitment.”
“But even animals commit mating with reason. You’re just conservative. Don’t tell me wala ka pang karanasan. I won’t believe you’re still a virgin.”
Nilamon naman siya ng guilt nang maalala ang hindi inaasahang pagsuko niya ng pagkaberhin sa estrangherong lalaki.
“Is it necessary to talk about that matter?” may iritasyong untag niya.
“Of course. It’s part of knowing your future partner. For me, it’s a big deal.”
“Paano kung hindi na ako virgin?” She lifted her left eyebrow.
Nanilay ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata. “I don’t need to ask that, Alina. Alam ko naman ang totoo.”
“Ano’ng totoo?”
“You’re already taken.”
Ilang sandali siyang napaisip at nagduda na naman kay Elias. Inangat nito ang hawak nitong kopita at mahinhin na sumimsim ng serbisa. Nakatuon lang ang titig nitong malagkit sa kaniyang mga mata, na tila ba may nais ipahiwatig. Napalunok siya nang suwabe nitong kinagat ang ibabang labi nito.
Mayamaya ay naglabas ito ng cellphone at may pinakitang video sa kan’ya. Kamuntik na siyang masamid ng kasisimsim na inumin nang mapanood ang short video. Paanong hindi siya mawiwindang, ang laman ng video ay ang gabing naisuko niya ang sarili sa estrangherong lalaki, na walang iba kundi si Elias!
“How dare you create that video!” marahas niyang saad at napatayo. Nanginig ang kalaman niya sa gigil.
Nangilabot siya nang mapagtanto na si Elias pala ang umangkin sa kan’ya noon. It makes sense bakit pamilyar sa kaniya ang presensiya nito maging boses. Ang nakapagtataka lang ay bakit nawala siya sa wisyo samantalang puro cocktail lang naman ang nainom niya at konting brandy.
“Easy. I didn’t record the video to blackmail you or destroy your image,” anito.
“Eh, ano? Bakit meron kang video?” nanggagalaiti niyang tanong.
“It’s just proof that I’m the first who took your virginity, kasi baka makalimot din ako. If ever mabuntis ka, madali na lang nating mapag-usapan ang problema at walang magdududa.”
“O baka naman nalilito ka na sa dami ng babaeng nakatalik mo.”
Mahinang tumawa si Elias. “That was the stupidest accusation I had ever heard, Alina. I love s*x, but I never dare do it with a different woman. I just started to explore since I finished law school and got some free time to hang out. Nagkataong nag-krus ang landas natin sa resort ko sa Subic Bay. I know you’re clean, so I didn’t hesitate to make up with you. And let me clarify it for you. I didn’t force you to have s*x with me.”
She felt guilt when Elias pointed out that she didn’t protest when he started taking her virginity. She had lost control, bugso na rin ng kung anong elementong sumapi sa kan’ya. Hindi naman niya ito masisi dahil gising ang kaniyang diwa noong inangkin siya nito, at hindi niya maikakailang nagustuhan niya ang nagganap.
“So what now? Are you happy? You got a virgin future wife, hindi ka lang nakapaghintay,” may sarkasmong saad niya.
Elias giggled. “I felt guilt, too, but it was too late to regret it. Pabor na rin ito sa akin dahil sa akin ka pa rin babagsak.”
Hindi niya maiwasang pagdudahan si Elias sa nangyayari sa pamilya niya. Sa halip na ibigay ang tiwala kay Elias, nagsimulang mag-imbestiga ang isip niya sa pagkatao nito. Habang pinakikiramdaman ang binata, may naisip siyang ideya kung paano maungkat ang misteryo.
“Gusto ko lang ng assurance bago kita pakasalan, Elias,” aniya.
“What is it, Alina?”
“Hindi pa kita lubos na kilala. Baka puwedeng sa ibang bansa tayo magpakasal na merong divorce. Once nasakal ako sa pagsasama natin at napagbuhatan mo ako ng kamay, may freedom akong hiwalayan ka. You can’t force me to do what you want.”
Matabang na ngumiti ang binata. “Fine. Hindi pa naman tayo ikakasal kaagad, Alina. Bibigyan kita ng panahong makilala pa ako, pero sanayin mo na ang sarili mo sa akin. Hindi kita oobligahing ibigay lahat ng gusto ko, but at least do your duty as my wife. Ganoon din ako sa ‘yo.”
Napaisip pa siya nang ilang sandali. Mayamaya ay sumang-ayon din siya.
“Sige, three months siguro bago ang kasal, mas makilala na kita,” sabi niya.
“Three months? Ang tagal, Alina,” reklamo nito.
“Okay na ‘yon. Wala naman akong pambayad sa utang kaya huwag kang mag-alala. Hindi kita tatakasan.”
“Baka maisip mo ring tumakas katulad ng ginawa ng kapatid mo.”
“Hindi ako selfish. Sa ganitong paraan lang ako babawi kay Daddy.”
“Alright. Pagbibigyan kita sa tatlong buwan pero simulan mo na ang pakikisama sa akin. We will work together to fix your company’s problem. But we will make a rule.”
“Ano’ng rule?”
“We’re not allowed to flirt with someone else. Ignore guys.”
Tumawa siya nang pagak. “I’m still on the healing process. Wala akong panahon sa mga lalaki.”
“Except me, Alina.”
“Sige, mag-focus ako sa ‘yo pero huwag mo akong abusuhin.”
“I never abuse women, Alina.”
“Prove it.”
“I will.” Pilyong ngiti ang nanilay sa mga labi nito.
Nag-iba na ang paksa nila nang dumating ang daddy ni Elias kasama ng ibang bisita. Sunud-sunod ang pagbating natanggap ng binata. Na-out of place na si Alina kaya binalikan niya ang ina sa kabilang lamesa. Pinaalam na niya rito ang napagkasunduan nila ni Elias.
“Tama ‘yang ideya mo, anak. Kilalanin mo muna nang husto si Elias. Hindi ko rin siya lubos na kilala dahil si Ezekiel lang ang palaging kasama ng daddy nila. Nag-aalangan din ako baka hindi kayo magkasundo,” ani Clarita.
“Huwag po kayong mag-alala, Mom. Hindi ako magpapaapi.”
“Mag-iingat ka sa mga desisyon mo, anak. Mahirap kalaban si Elias dahil mas maimpluwensiya na siya kaysa tatay niya. Hindi siya kasing bait ni Mariano na maiintidihan ang sitwasyon natin. Napag-usapan na namin ni Mariano ang tungkol kay Elias, at kahit siya ay hindi mahulaan kung ano ang plano ni Elias.”
Nag-aalangan man ay wala na siyang dahilan para umurong sa agreement. Hindi rin naman niya masumbatan si Ara dahil katulad niya ay hindi rin nito ginusto ang naiwang problema ng kanilang ama. Pareho lang silang nagkulang dahil hindi sila nag-focus sa negosyo.
“Ako na po ang bahala, Mom. Mapagtitigagaan ko si Elias,” aniya.
“Bigyan mo lang ako ng update at huwag kang maglilihim sa akin. Kung nahihirapan ka na, sabihin mo.”
“Opo.”
Nang matapos silang kumain ay nagpasya si Alina na uuwi kaso pinigil siya ni Elias.
“Maaga pa, Alina. Marami pa tayong dapat pag-usapan tungkol sa company n’yo,” sabi nito nang makalapit sa kan’ya.
“Hindi ba puwedeng sa ibang araw na lang? Kailangan na ni Mommy magpahinga,” aniya.
“Ipapahatid ko sila sa driver ko. Magiging busy ako sa mga susunod na araw at baka hindi kita maharap.”
She took a sigh. “Sige na. Kakausapin ko muna si Mommy.” Binalikan niya ang kan’yang ina at sumunod si Elias.
Tinawag ng binata ang driver nito at inutusan na ihatid ang mommy niya at caregiver. Pagkuwan ay nagtungo sila sa study room ng mansiyon. Todo iwas sila sa crowd maging sa pamilya ni Elias. Hila-hila siya nito sa kanang kamay.
“Bakit ka ba umiiwas sa mga tao? May gustong kumausap sa ‘yo,” angal niya.
“I’ve done entertaining the visitors. I need privacy,” sabi lang nito.
Nasalubong pa nila sa lobby si Ezekiel pero hindi nila pinansin.
“Dad gave me the confidential files from your dad’s auction. Ako na ang magiging company lawyer n’yo,” sabi nito nang makaupo sa harap ng lamesa.
“What about the company’s right?” aniya. Lumuklok siya sa silyang katapat nito.
“We will follow your dad’s last will. Kung sino ang magkusang mamahala sa company, sa kan’ya ang maiiwang rights at shares lang ang mapupunta sa anak niya’ng ayaw umako ng responsibilidad. Ayaw ko ring maging sakim na kuning collateral ang pinaghirapang business ng daddy mo. Kaya naisingit ko ang marriage agreement para matulungan ka o si Ara na maisalba ang company.”
“You mean, hindi ka na makikialam sa rights ng company?”
“No, if you will marry me. Magkakaroon ka pa ng karapatan sa ari-arian ko, pero hindi sa lahat. Ipagkakatiwala ko lang lahat ng meron ako once nagkaanak na tayo. Gagawa ako ng kasulatan.”
Napangiwi siya. Siguresta rin itong si Elias. “Hindi ako interesado sa ari-arian mo. Ang gusto ko lang ay maisalba ang company ni Daddy,” aniya.
Napailing si Elias at tipid na ngumiti. Inilabas nito ang papeles mula sa brown envelope.
“Let’s go with the flow, Alina. Huwag mong pangunahan ang future, baka kakainin mo rin ‘yang mga sinasabi mo,” anito.
“Inuunahan lang kita para malaman mo na hindi ako nasisilaw sa yaman mo, even in your hotness.”
Tumawa nang pagak ang binata. “It comes from your mouth. Let’s see if you can ignore my hotness, Alina.”
She hates rolling her eyes but she did it in front of Elias. Tumalim naman ang titig nito sa kan’ya.
“You got an attitude, huh?” angil nito habang umiigting ang panga sa gigil.
Nabaling ang tingin niya sa hawak nitong ballpen na halos mabali sa higpit ng pagkakahawak nito. She ignored him and focus on the documents.