HINDI pa rin buo ang paniniwala ni Alina hinggil sa sinabi ni Elias. She tried hard to defend her sister.
“Don’t be silly, Alina. I know you are accusing me of your sister’s disappearance, and I won’t blame you. Pero walang magbabago sa usapan. Ako mismo ang magpapahanap kay Ara para ipakulong siya, then I will claim all your properties, business, at kung anong puwede kong makuha sa inyo,” iritableng sabi ni Elias.
Ginupo na naman siya ng kaba at hindi na malaman ang gagawin. Kung magmamatigas siya ay lalo silang magigipit, ikasasama pa iyon ng loob ng mommy niya.
“May three weeks pa, Elias. Hindi naman kami tatakas sa responsibilidad, eh. After three weeks na wala pa rin si Ara, mag-usap ulit tayo tungkol sa kasal,” mahinahong sabi niya.
“Sige, pagbibigyan kita pero ayaw kong gawing kumplikado pa ang sitwasyon, Alina. I’m a busy person. I don’t have time to deal with liars.”
“May isang salita ako, Elias, huwag mo lang kaming pini-pressure.”
“Hindi ko kayo pini-pressure. Kayo ang nagpalala ng problema, na dapat ay tapos na. Kung noon ka pa sana pumayag na magpakasal, baka buhay pa ang daddy mo. Isa sa nagpa-stress sa kan’ya ay ang problema sa company, dahil wala kang ibinigay sa lahat ng hiling niya.”
Natigalgal siya. “How did you know that?” mangha niyang untag.
“Of course, your dad talked to me a lot about his family and struggles. Alam ko na ikaw ang gusto niyang ipakasal sa akin noon pa. I don’t know why.”
“Si Daddy ang may gusto o ikaw?” usig niya.
Natigilan ang binata pero bigla ring tumawa nang pagak. “How can I like you, Alina? We never met before. Madalas ka lang ikuwento ng daddy mo sa akin. Wala rin akong interes sa babae, maliban sa nakakuha ng atensiyon ko na hindi pilit. Maganda ka, skilled, pero ayaw ko sa sobrang payat.” Sinuyod pa siya nito ng tingin.
Bumusangot siya at napagtanto na mapang-uyam din si Elias, prangka ito, simpatiko, bagay na ikinagulat niya. Malayo ito sa imahe nito sa social media at description ng mga taong humahanga rito.
“Kung ayaw mo sa akin, bakit ipipilit mo pa ang kasal? Ano lang pala ang gagawin mo sa akin once kasal na tayo?” buwelta niya.
“I will make you the ideal woman I want.”
She chuckled and sipped the last drop of her wine. Inilapag din niya sa mesita ang baso. “Ayaw ko ng paligoy sa usapan. Uuwi na ako. See you after three weeks,” aniya.
Umiling lang ang binata at sinundan din siya palabas ng silid. Hinatid pa siya nito sa gate.
Hindi niya namalayan ang oras. Alas-onse na siya nakauwi ng bahay at nagulat nang maabutan sa salas ang kan’yang ina. Gising pa pala ito at nakaupo sa couch.
“Bakit hindi pa kayo natutulog, Mom?” tanong niya sa ina.
“Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako sa kapatid mo, Alina. Bakit hindi pa siya umuuwi?”
Tinabihan niya ang ina at hinawakan ang kanang kamay nito. Wala na siyang choice kundi sabihin dito ang totoo.
“Pasensiya na po kayo kung hindi ko kaagad sinabi ang problema. Tumakas po si Ara. Hindi na siya sumasagot sa mensahe ko at tawag,” bunyag niya.
Gilalas na tumitig sa kan’ya ang ginang. “Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi na ba matutuloy ang kasal nila ni Elias?”
“Kung hindi po babalik si Ara, mapipilitan po ako na pakasalan si Elias. Pero gagawin ko ang lahat maibalik lang si Ara.”
Namilog ang mga mata ng ginang, bumakas sa mukha ang pag-aalala. “Sigurado ka na ba, anak? Baka mapakiusapan lang si Elias na ikansela na ang kasal.”
“Nakausap ko na po si Elias. Gusto pa rin niyang ituloy ang kasal. Kung hindi ay ipakukulong niya si Ara at kukunin lahat ng properties natin.”
“Diyos ko! Paano na tayo nito, anak?” Nataranta na ang ginang at kaagad napaluha.
Maagap niya itong inalalayan. “Huwag po kayong mag-alala, hindi ako papayag na mawala lahat ng pinaghirapan ni Daddy. Ngayon na lang ako babawi.”
“Pero paano kayo ni Stephen?”
Ilang sandali siyang natahimik nang maisip ang dating nobyo. Hindi pa niya nasabi sa ina na wala na sila ni Stephen.
“Break na po kami ni Stephen, Mom,” aniya.
Nawindang na naman ang ginang. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kan’yang kamay. Mayamaya ay napahagulgol na ito.
“Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo, anak. Masyado kitang na-pressure kahit alam ko noon pa kung ano ang gusto mo. I can’t blame you if you choose to leave us and live alone.”
“Mom, tapos na tayo sa mga tampuhan. Ayaw kong maulit ang nangyari kay Daddy na nawala siya na hindi kami okay. This time, I will choose my family first. Kung sakaling hindi na babalik si Ara, aakuin ko na ang responsibilidad niya sa agreement kay Elias. In the first place, I’m the first choice to marry Atty. Angeles’s son. Pero hindi ko naman po pababayaan si Ara. Hahanapin ko pa rin siya.”
Hindi na nakaimik ang ginang at napayakap sa kan’ya.
SA araw ng halalan, maagang bomoto si Alina kasama ang kan’yang ina. As usual, si Elias ang binoto nilang gobernador. Bukod sa subok na ang serbisyo ng pamilya Angeles sa bayan nila, magaganda rin ang advocacy ni Elias. Ito lang ang kandidato na effortless ang pangangapanya dahil maraming sponsor.
Kinabukasan na nila nalaman ang resulta ng halalan at inaasahan na nilang panalo si Elias. Imbitado silang mag-ina sa party nang gabi matapos ang inauguration ni Elias. Sa family house ng mga ito gaganapin ang party.
“Punta tayo, anak, para naman walang masabi ang mga Angeles,” ani Clarita.
Nagdadalawang-isip pa si Alina dahil tiyak na uusigin na naman siya ni Elias tungkol sa kasal.
“Sige po, pero hindi tayo magtatagal,” aniya.
“Depende sa sitwasyon.”
Bumuga siya ng hangin.
Maayos na ang lakad ng kan’yang ina pero tuloy pa rin ang serbisyo ng caregiver nito lalo’t madalas siyang wala. Siya na kasi ang nagmo-monitor sa auction nila. Hindi pa siya nakapag-report sa fashion company pero tuloy ang paggawa niya ng designs.
Kinahapunan ay nagbihis na silang mag-ina. Isinama na nila si Josie, ang caregiver dahil siya lang ang nagmamaneho. Hindi na sila nag-hire ng driver, siya pang dagdag pasahurin.
Pagdating sa mansiyon ng mga Angeles ay tahimik pero may nakahanda nang mga pagkain sa garden na siyang venue. May mga kawaksi na nag-assest sa kanila. Napaaga ang dating nila at wala pa si Elias. Naroon na ang daddy nito at stepmother. Inukupa nila ang lamesa malapit sa buffet table. Nilapitan naman sila ni Mariano at inalok ng inumin.
“Mabuti maaga kayo. Hindi ko kasi sigurado kung magtatagal dito si Elias. Baka after lunch ay aalis din siya,” ani Mariano.
“Ayos lang po. Narito lang naman kami para batiin si Elias,” aniya.
“Since narito na kayo, pag-usapan na natin ang tungkol sa auction company ninyo.” Umupo ang ginoo sa silyang katapat nilang mag-ina.
“May problema po ba?” kabadong tanong niya.
“Expect na nating hindi nawawala ang problema. Since I am the company’s lawyer and consultant, I got some reports regarding employees' complaints. Dahil sa pagbaba ng demand ng items, alanganin na rin ang benefits ng empleyado. Katulad ng sinabi ko noon kay Ara, magre-release ako ng pundo para hindi maudlot ang operation ng company. Recently, we received your Dad's last ordered items, which is a second-hand vehicles from Japan. Those are worth twenty million. Sa dami ng item, malaki rin ang magiging expenses para sa repairs. Si Ara ang nagdagdag ng manpower para sa repair. Ang problema, lumayas siya at tinangay ang sampung milyon ni Elias, kaya tinapalan namin ulit ang halagang iyon para mabayaran ang balanseng utang sa importers,” paliwanag ng ginoo.
Napabuga siya ng hangin. “Sinabi ko na kay Ara na huwag na muna magdagdag ng manpower. May inilaan akong dalawang milyon para sa benefits ng empleyado. Lumalaki kasi ang utang namin kung magdagdag pa ng manpower tapos bumaba ang demand ng items.”
“Walang interes sa company n’yo si Ara, at nakadepende lang siya sa basic knowledge. Hindi siya nakinig sa payo ko at minamadali ang proseso. Napansin din ni Elias na aporado si Ara at gustong maresolba kaagad ang problema samantalang wala naman siyang ginagawa.”
Hindi na siya nagulat dahil sa simula pa lang ay hindi rin business ang gusto ni Ara. Nagtapos ito ng accountancy at nakapagtrabaho na sa bangko pero hindi nagtatagal. Easy-go-lucky pa rin ang lifestyle nito kaya hindi talaga sila magkasundo.
“Na-review ko na po ang records ng company at sisimulan ko na ang monitoring sa operations. Pero huwag po kayong mag-expect sa magandang performance ko kasi hindi ko rin gamay ang business,” aniya.
“No problem. Elias can teach you how to manage the auction. Mas magiging madali ang lahat kung matuloy na ang kasal ninyo ni Elias. Mahahati ang responsibilidad niya sa business ninyo. Kung hindi maibabalik ni Ara ang sampung milyon, ako na ang mag-areglo sa shares ninyong magkapatid. Babayaran ni Elias lahat ng utang maging ang nagastos ko pero sa kan’ya na ang rights ng company.”
“Ho?” Napamulagat siya.
“I know you will disagree, Alina. Do you think you can pay all the debts and damages? Elias told me that your current status won’t pay us. You don’t have a choice but to marry him so he can shoulder all your debts.”
Napatitig siya sa kan’yang ina na biglang hinawakan ang kan’yang kamay at banayad na pinisil. Alam nito na magpuprotesta siya. But she realized that Mariano was right. She can’t pay them the two billion.
Sa dami ng gastusin nila araw-araw, kulang ang sinasahod niya lalo’t marami na rin siyang kakumpitensiya sa fashion industry. Minsan ay naisip na rin niyang pasukin ang modeling at pag-aartista pero inunahan na naman siya ng guilt. Isa iyon sa naging dahilan ng away ng daddy nila noon, ang pagpumiilit niya na pasukin ang showbiz.
Naudlot ang usapan nila ng ginoo nang dumating si Elias. Kasabay nitong dumating ang kapatid na si Ezekiel. Nagulat siya nang makilala pa siya ni Ezekiel. Kararating lang pala nito mula US.
“Alina Rodrigo, right?” nakangiting bungad ni Ezekiel.
“Yes,” mabilis niyang sagot saka tumayo.
Kumislot siya nang hawakan ni Ezekiel ang kanang kamay niya at walang abog na hinalikan.
“It was my pleasure to meet you, Alina. I remember you, and I expect that you would be my fiancee,” nakangising wika ng binata.
Tumabang ang kaniyang ngiti at nasipat si Elias na biglang lumapit. Walang imik itong pumagitan sa kanila at sapilitang inalis ang kamay ni Ezekiel na may hawak sa kamay niya.
“You are bypassing my property, as*hole!” may gigil na angil ni Elias sa kapatid.
Napamulagat naman si Ezekiel. “What the heck? I thought you were going to marry Ara Rodrigo. Dad also mentioned the woman he chose for me,” ani Ezekiel.
“That was just a tease. Ayaw mo kasing mag-stick to one at patuloy na sinisira ang magandang imahe ng mga Angeles.”
“But, hey! Dad!” dismayadong hinarap ni Ezekiel ang ama na napapailing.
“Don’t be stupid, Ezekiel. I told you to stop flirting with women. I introduced multiple women to you, but you refused them,” wika naman ni Mariano.
“How can I choose? Puro walang dibdib at pandak ang babaeng inireto n’yo sa akin. Mukha ba akong teenager na naghahanap ng nagdadalaga?”
Muling napailing ang ginoo at hinila ang anak palayo sa kanila.
Sandaling naaliw si Alina sa presensiya ni Ezekiel. May pagkapilyo pa rin pala ito, nag-mature na, at lalong gumuwapo. Ito pa rin ang unang lalaking nagpahibang sa teenage life niya.
Hindi na naalis ang ngiti sa kan’yang mga labi habang sinusundan ng tingin si Ezekiel na papalayo sa kanila.
Mayamaya ay may kamay na pumisil sa kan’yang baywang. Pumiksi siya at napalingon kay Elias. Nasa likuran lang pala niya ito.
“Don’t forget that I am your fiance, Alina,” bulong nito sa kan’ya sa malamyos na tinig.
Natigilan siya at nawindang sa biglang pagsikdo ng kan’yang puso. Hindi niya malaman kung dahil ba iyon sa kaba o may bagong emosyong umahon mula sa kan’yang puso.