SA halip na kausapin pa si Elias ay nagpasya si Alina na magpaalam na.
“Aalis ka na kaagad na hindi ako binibigyan ng assurance, Alina,” ani Elias.
Nasa tapat na ng pintuan si Alina nang mapahinto at muling hinarap ang lalaki. “Wala akong bilyong halaga na hawak kaya pipilitin kong maibalik si Ara,” aniya.
“Isn’t it obvious that Ara betrayed us all? She escaped from the agreement.”
“Hindi ‘yon magagawa ng kapatid ko! Alam niya ang consequences at ang sitwasyon ni Mommy. She can’t betray us,” giit niya.
The guy smirked at her. Hindi niya inaasahan na may pagkaarogante rin pala si Elias na sobrang gentle sa harap ng media at ibang tao.
“Honestly, I don’t like Ara. Pero dahil sa awa, itinuloy ko ang agreement. Mabait ang daddy mo, at ayaw kong ma-disappoint ang parents ko. Pero kung ganitong walang isang salita ang kapatid mo, hindi ako magpapakabait. Niloko niya kami. Kung kailan close na ng deal at nakapaglabas na kami ng pera, saka naman siya naglaho.”
Mariing dumaiti ang bagang niya sa gigil. Naniniwala siya na hindi basta tumakas si Ara.
“Hindi kami iiwan ni Ara sa ere. Kung sakaling hindi ko siya mahanap, maaring may mali rito. I can fix this, but please give me more time. Habaan mo naman ang palugit,” mahinahong sabi niya.
“Okay. I’ll give you one month. But I want to clarify it to you, Alina. Once Ara doesn’t return, you will marry me.”
Hindi na niya magawang magprotesta nang maisip ang atraso nila sa pamilya ni Elias. Ayaw rin niyang maging dahilan iyon ng paglala ng sakit ng kaniyang ina.
“Sige, one month,” wika niya.
Tipid na ngumiti ang binata at diretso ang titig sa kan’ya. Tuluyan naman niyang binuksan ang pinto at lumisan.
Inilihim muna ni Alina sa ina ang promlema dahil tiyak na aatakehin na naman ito ng nerbiyos. Sinimulan na niya ang paghahanap sa kapatid. Ni isa sa mensahe at tawag niya ay wala itong sinagot. Hindi rin ito active sa social media. Una’y iritang-irita siya sa kapatid ngunit namayani ang kaniyang kaba nang maisip na posibleng nawawala si Ara.
Tatlong araw ang lumipas na hindi pa rin nagparamdam si Ara ay nag-report na siya sa pulis.
“Gagawin po namin ang lahat para mahanap ang kapatid n’yo, ma’am,” sabi ng babaeng pulis na nakausap niya sa presinto.
“Salamat po, ma’am. Tawagan n’yo na lang ako kapag may balita kayo sa kapatid ko,” aniya.
“Sige po.”
Umalis din siya kaagad ngunit sa halip na uuwi ay tumuloy siya sa law office ng mga Angeles. Tanging ama lamang ni Elias ang nadatnan niya.
“Ano na ang balita, Alina?” bungad ng ginoo nang makapasok siya sa tanggapan nito.
“Nag-report na po ako sa pulis tungkol sa kapatid ko.”
“Bakit?” Mariing kumunot ang noo ng ginoo.
“May kutob po ako na hindi basta naglayas ang kapatid ko. I think someone took her.”
Napailing ang ginoo at nahilot ang sintido. “I asked Elias about Ara. He met Ara in Manila, but the woman left after their transactions. Sabi ni Elias ay nakita niya si Ara na sumakay sa kotse ng isang lalaki. Hinala niya ay naglayas ang kapatid mo.”
“Hindi po totoo ‘yan! Kusang loob na tinanggap ng kapatid ko ang marriage agreement at imposibleng bigla siyang uurong na walang pasabi. Alam niya na ikasasama ng loob ng mommy namin ‘yon,” depensa niya.
“Pasensiya na pero wala na akong pakialam sa desisyon ng kapatid mo. Tutulong kami na mahanap siya, pero ayaw ni Elias na hintayin pa si Ara nang matagal. Binigyan ka raw niya ng palugit.”
“Opo, one month ang usapan namin.”
“That’s too much.”
“Hindi naman po minamadali ang kasal, ‘di po ba?”
“Aren’t you aware of the agreement between me and your father, Alina? Your dad dealt with me for a business investment and partnership, but he asked too much. Matagal na ang problema niya sa company, and I paid his one billion debt from his foreign importers. Aside from that, he agreed to have an agreement with my eldest son. Elias accepted the deal, too, but it ended up with a marriage agreement. I don’t know what else they dealt with before. Nagulat na lang ako sa desisyon ng anak ko na gusto niyang pakasalan ang anak ni Allan, pero hindi ko alam kung sino sa inyo ni Ara. Ikaw lang naman ang kilala ko noon.”
Kumalma ang sistema niya nang marinig ang ibang detalye tungkol sa kasunduan. Mukhang wala na siyang choice.
“Kung mababayaran ko po ba lahat ng utang ay okay na kung hindi matuloy ang kasal na kasunduan?” tanong niya sa ginoo.
Napabuga ng hangin si Mariano. “I can’t decide about that matter, Alina. For me, the marriage thing is not a big deal. You should talk to Elias about it.”
Napaupo siya sa silyang katapat ng ginoo. “Masyado pong demanding si Elias. Puwede naman sigurong ipagliban ang kasal at bigyan kami ng chance na mabayaran ang utang. Alam kong mahirap mabuo ang dalawang bilyon pero gagawin ko ang lahat makabayad lang kami.”
Tumahimik ang panig ng ginoo pero diretso ang titig sa kan’yang mga mata. Kilala niya ang pamilya ng mga Angeles na may mababang loob kaya sinubukan niyang magmakaawa rito.
“Alam n’yo naman po ang sitwasyon namin. Kamamatay lang ni Daddy, may sakit ang mommy ko, dalawa lang kaming magkapatid. Sisikapin ko na mapalakas ang business ni Daddy para kahit papano ay makaipon ng pambayad sa inyo,” patuloy niya.
Sa dami ng sinabi niya ay tatangu-tango lang ang ginoo. “I understand, but about the marriage agreement, it’s up to my son,” anito pagkuwan.
Bigla siyang nanlumo. “Baka po puwedeng kausapin n’yo si Elias at pagbigyan ang hinihingi kong pabor,” samo niya.
“Honestly, I can’t understand my son sometimes. He has lived in the US since he graduated from high school, and we’re both busy. Kaya marami akong na-miss sa changes ng ugali niya. Hindi ko na kabisado ang anak ko. He’s independent but still helping us with our companies and advocacy. Busy na rin siya sa political campaign at endorsements. May sariling business na rin siya kaya hindi ko siya maobliga sa ibang problema.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Kailan ko po puwedeng makausap si Elias?” tanong na lamang niya.
“Kung gusto mo siyang makausap na may mahabang oras at hindi siya busy, puntahan mo siya sa bahay niya. I’ll give you his address and contact number.”
Nag-alangan siya ngunit kalaunan ay umayon din sa ginoo. Kinuha niya ang address at contact number ni Elias.
“Salamat po sa oras n’yo, Attorney,” aniya.
“No worries.”
Nang makuha ang kailangan ay kaagad din siyang umalis lulan ng kotse. Dumaan pa siya sa ospital upang sunduin ang kaniyang ina na may therapy session. Tamang-tama lang ang dating niya, tapos na ang therapy ng ginang.
PINALIPAS ni Alina ang isang linggo bago nagpasyang kausapin si Elias. Dalawang araw na lang ay election na kaya lalong busy ang binata. Natuklasan niya na may modeling career na rin pala ito, endorser ng ilang sikat na fashion brand at produkto. Tama ang tsismis na nasagap niya, kinukuhang brand ambassador ng company nila si Elias matapos mag-trending ang binata sa social media.
Kumalat kasi sa social media ang mga kandidatong bata pa at magaganda at guwapo. Si Elias ang pinagkaguluhan ng netizen na pinaka-hot at guwapong kandidato para gobernador. Bukod sa maimpluwensiya at kilala ang parents ni Elias, nakasama rin ito sa top ten young billionaire ng bansa. Partida, self-earn money nito ang source ng yaman, hindi kasali ang mana sa pamilya.
Ang alam niya’y may dalawang nakababatang kapatid pa si Elias na lalaki, isang babae naman ang bunso pero iba ang ina dahil namatay na ang unang asawa ni Mariano. Naalala niya ang second son ni Mariano na sobrang crush niya noong high school. Kaedad niya iyon at parehong school lang sila, kaso may kayabangan si Ezekiel. Ang ikatlong lalaki naman ay kaedad ni Ara, si Emmanuel.
Alas-otso ng gabi dumating si Alina sa bahay ni Elias sa isang subdivision, malayo sa bahay ng parents nito. Tinaon niya na tapos na ang hapunan para siguradong madadatnan niya sa bahay ang binata.
Ilang minutong nakatambay siya sa loob ng kotse at nagmasid sa paligid. Mataas ang pader ng bahay kaya hindi niya masyadong masilip sa loob. Tumapat siya sa gate pero sa kabilang kalsada. May ilaw sa gate pero madilim sa harap ng bahay.
Mayamaya ay may itim na kotseng dumating at kusang bumukas ang gate ng bahay, pumasok ang kotse. Napansin niya si Elias na bumaba ng kotse, nag-iisa. Kararating lang pala nito. Nag-alangan pa siyang lumabas hanggang makapasok na ng bahay ang binata.
Naghintay na naman siya ng halos isang oras. Iritang-irita siya sa sarili na nabahag ang buntot. Nang makaipon ng tapang ay tuluyan siyang bumaba at lumapit sa gate na maliit. Pinindot niya ang bell.
Nagkandahaba na ang leeg niya kakasilip sa rehas ng gate sa itaas pero wala siyang makitang tao sa loob. Kumislot siya nang biglang bumukas ang maliit na gate.
“Get in,” sabi ng boses lalaki mula sa kung saan, na tila gumamit ng intercom.
Pumasok naman siya. Kusa ring nagsara ang gate na kan’yang kinamangha. Palinga-linga siya sa paligid ngunit wala pa ring tao. Tumuloy na siya sa main door ng dalawang palapag na bahay na tila tarangkahan sa laki. Kamuntik na siyang mapatili dahil sa biglang paghiwa ng pinto sa gitna at bumungad sa kan’ya ang hubad-baro na katawan ni Elias.
He was just wearing a white towel on his lower body. Kaya naman ay napako ang titig niya sa matipuno nitong dibdib at puson na may nagkaparte-parteng muscles. Ang bango nito, basa pa ang buhok, halatang bagong ligo.
“Nagbihis ka sana muna bago mo ako pinapasok,” sabi niya sabay iwas ng tingin sa lalaki.
“What do you expect? You came here at night during rest hour,” may sarkasmong saad nito.
“Puwede mo naman akong ignorahin.”
“I can’t ignore my future wife. Please come in.”
Naibalik niya ang tingin kay Elias ngunit tumalikod na ito at naglakad. Sumunod na lamang siya rito hanggang sa salas.
“What do you want to eat?” tanong nito.
“No thanks. Kumain na ako sa bahay,” mabilis niyang tugon.
“Sit first. Magbibihis lang ako.”
“Hindi ako magtatagal. May lilinawin lang ako tungkol sa kapatid ko,” nagmamadaling agap niya.
Hinarap siya ng binata bagay na nagpa-distract na naman sa kaniyang atensiyon. Hindi niya mailagan ng tingin ang nakaaakit nitong kakisigan.
“So, is it okay for you to talk to me while I’m half-naked?” seryosong tanong nito.
She scoffed. “At least wear a shirt and pants. Hindi naman siguro aabutin ng thirty minutes ang pagbibihis mo,” turan niya.
“Okay. Wait for me.” Pumanhik na ito sa hagdanan.
Saka lamang siya umupo sa couch at naghintay habang nagtitipa ng reply sa katrabaho. Minamadali na ng boss niya ang bago niyang design para sa summer fashion festival.
Mahaba na ang conversation nila ng katrabaho pero hindi pa bumabalik si Elias. Inurasan niya ito, halos kalahating oras na simula nang iwan siya nito. Tumayo siya at nag-explore sa malawak na lobby. Gusto niya ang ambiance ng bahay, black and white ang motif, tented glass ang wall sa lobby na nakatungo sa outdoor swimming pool at garden.
Nawili na siya sa ganda ng tanawin sa labas lalo’t merong three layers water fountain at maliwanag ang ilaw.
“Let’s have a drink first,” ani Elias, na biglang sumulpot sa kan’yang likuran.
Kumislot pa siya bago pumihit paharap sa binata. Napansin niya ang hawak nitong bote ng red wine at dalawang kopita.
“Konti lang ang sa akin,” sabi niya.
“Okay. Let’s go to my indoor garden,” paanyaya nito.
Sumama naman siya rito at namangha sa magandang pasilidad. Pumasok sila sa glass door at sa loob ng silid ay merong water spa, naliligiran ng halaman. Merong glass door doon na patungo sa indoor garden na karugtong ng greenhouse. Hindi niya akalaing mahilig sa halaman si Elias, at ang linis ng place nito, refreshing.
“Do you like the view?” tanong ni Elias habang nagsasalin ng wine sa basong inilapag nito sa center table na yare sa kristal.
“Yes, nakaka-refresh. I could feel the nature,” turan niya.
“I love plants. I collected them to keep my surroundings fresh and filter the air I breathe.”
“Impressive.”
“Take a sip first,” anito sabay abot ng baso ng wine sa kan’ya.
Kinuha naman niya ito at sinimsim.
Mayamaya ay naudlot ang pag-inom niya ng wine nang mapansin ang pamilyar na tattoo sa kanang braso ni Elias, sa bandang siko. Imahe ito ng scorpion na may bloody red ink.
Naisip na naman niya ang pamilyar na bulto ng binata, maging ang timbre ng boses nito. Nagduda na siya rito, iginiit na nakaharap na niya noon si Elias.
“What’s the matter?” kunot-noong tanong ni Elias. Sumimsim din ito ng wine pero malagkit ang titig sa kan’ya.
“Wala. Iniisip ko lang kung nagkita na ba tayo before.”
“Why? Didn’t you notice me on social media or television?”
“I mean, in person.”
Nanilay ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata. Humakbang ito palapit sa water fountain na merong artificial falls karugtong ng spa.
“Is my presence easy to forget, Alina?” tanong nito sa malamyos na tinig.
Nangunot ang kaniyang noo at napapaisip. “Hindi ko maintindihan. Pag-usapan na lang natin ang pakay ko.” Iniba niya ang paksa.
“Please proceed.” Hinarap din siya nito ngunit may distansiya.
“I think may ideya ka kung ano ang nangyari sa kapatid ko. Bago siya nawala, nagkita pa kayo sa Maynila. Sabihin mo sa akin ang totoo. May napag-usapan ba kayo na nag-udyok sa kapatid ko para tumakas?”
Tumawa nang pagak si Elias. “Are you accusing me, Alina?”
“No. I’m just asking for some possible reasons that you might know why my sister has gone.”
“Ang totoo, hindi ako interesado sa kapatid mo, pero dahil sa laki ng atraso n’yo sa akin at sa pamilya ko, ayaw kong maudlot ang kasunduan. Mapagtitiyagaan ko naman ang kapatid mo pero siya ang maraming complain. I saw her with a guy after our transaction. You know what I witnessed?”
Matiim siyang tumitig dito? “What?”
“The guy kissed her on the lips. I pretended that I didn’t see them. Doon pa lang ay alam ko na hindi seryoso si Ara sa kasal. Kaya huwag ka na magpagod kakahanap sa kapatid mo, Alina. Itinakbo na niya ang sampung milyon ko kasama ng lalaki. And don’t dare defend your traitorous sister in front of me!”
Nagimbal siya sa natuklasan, ngunit hindi isang daang pursiyentong naniniwala kay Elias. Naumid na siya at ilang sandaling nag-isip ng depensa.