DALAWANG linggong hindi bumisita si Alina sa family house nila, ni hindi niya tinawagan ang ina upang kumustahin. Nakiki-update lang siya kay Josie. Nagpakaabala rin siya sa trabaho at napapadalas ang pagpunta sa opisina ni Elias. Palagi rin kasi itong wala at naka-focus sa politika. Sa tagal na niyang pabalik-balik sa opisina ni Elias ay hindi pa pala siya kilala ng ibang staff. Ang iba’y napagkamalan siyang bagong assistant ni Elias sa opisina. Kumalat ang married status ni Elias pero hindi naipuslit ng media ang couple picture nila. Noong ikinasal kasi sila ay walang close picture na nakuha ang taga-media kaya hindi malinaw ang mukha niya. Hindi rin siya naglalagay ng makeup kung sa opisina lang. Konting lipstick lang at face powder ang inilalagay niya sa mukha. Sobrang puti na ng kut