HINDI na mapakali sa opisina si Alina. Natanong na niya lahat kay Emmanuel tungkol sa gusto niyang malaman pero hindi sapat upang makumbinsi siya na inosente si Elias. Nag-aalala na siya sa kaniyang asawa. Nang dumating si Elias ay wala rin siyang pagkakataong makausap ito dahil may meeting. Hinintay pa rin ito ni Emmanuel kaya napahaba ang kuwentuhan nila. “Aalis kami pagkatapos ng meeting ni Kuya Elias,” ani Emmanuel. “S-Saan kayo pupunta?” balisang tanong niya. “Sa beach house namin sa Clark. Naroon ang ibang anak ni Lolo at kailangan naming mag-usap-usap.” “Naroon din ba si Ezekiel?” Naalala niya na si Ezekiel ang pasimuno sa pag-reopen ng death case ng lolo nito. “Yes, he’s there. Isa ang gag*ng ‘yon sa naghalungkat ng kaso. Pina-close na nga ‘yon ni Lola noon. Kaso natuklasan n