PINAPANOOD ni Alina si Elias habang nagkakalkal ng files sa laptop nito. Naghahanap ito ng video. “Bakit sa indoor swimming pool lang may CCTV footage? Na-a-access mo ba ang lahat ng footage?” tanong niya sa asawa. “I got access but some videos are missing, especially the time when Grandpa died. I can’t find the footage in the kitchen,” sabi nito. “Meaning, may nagsabutahe sa videos. Kung may access ka sa surveillance, dapat ma-trace mo ang record. Pero sino ba ang ibang magmo-monitor no’n?” “Si Lolo lang ang may control sa surveillance room ng mansiyon. Nakuha ko lang ang access noong may pinaayos siya sa akin. Maliban kay Lolo, wala ng ibang nakakapasok sa kuwarto kahit si Lola. May alam sa devices ang sumabutahe ng footage. I suspected myself, too.” Natitigan niya nang masama si El