WALA pa ring komento si Alina tungkol sa sinabi ni Elias na petsa ng kasal. She can’t decide, at naiirita na naman siya. Subo lang siya nang subo ng pagkain upang maitago ang anxiousness. Ramdam niya ang init ng titig sa kan’ya ni Elias pero hindi niya pinansin. “Mag-set na rin ako ng date para sa engagement party. Kinukulit na kasi ako ni Lola,” pagkuwan ay sabi ni Elias. Lalo lamang siyang nababalisa. Uminom siya ng tubig at bumuntonghininga. “Kailan naman?” kaswal niyang tanong, pilit itinago ang kaba upang huwag mainis si Elias. Baka bigla siya nitong hanapan ng ilang bilyong bayad sa utang. Mas masakit ‘yon sa ulo. “Three weeks before the wedding. Gusto ko sa private place lang, sa resort ng grandparets ko sa Clark, doon malapit sa family house namin. May private function hall doo