Chapter 16

1730 Words

HININTAY lang ni Alina na makaalis si Mariano bago sinagot ang tawag ni Elias. Ayaw nitong tumigil kakatawag. She refused the first call, kaya aburido ang binata. “Katatapos ko lang makausap ang daddy mo,” bungad niya nang masagot ang tawag ni Elias. “Where’s Dad now?” may iritasyon sa tinig na tanong nito mula sa kabilang linta. “Kaaalis lang niya.” “What happened to the bidding?” “Naipanalo ng daddy mo ang bidding sa dalawang auctioners.” “Of course, he grabbed the lowest profit share offer. Bakit kasi hindi mo pinaalala sa akin na ngayon ang tungkol sa bidding? Dad doesn’t care about the quality over quantity. Paano makaahon kaagad sa utang ang negosyo ninyo? Sinabi ko na ipaubaya na sa akin ang operation dahil ako rin naman ang sasalo ng lahat na problema.” Pumalatak na si Elias.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD