GINUTOM na si Alina kaya kaagad siyang naghain ng pagkain pagdating ng kusina. Tinulungan naman siya ni Elias at ito ang naghiwa ng spareribs. Gumawa pa ito ng sauce para sa karne. Animo may dumaang anghel habang sila’y naghahapunan. She doesn’t know how to entertain Elias after their rough s*x. Facing him like nothing happened felt awkward. Balewala naman iyon kay Elias at nagbukas ng paksa tungkol sa soon to be married life nila. “You can ask your mom to live here with us. Para naman hindi ka mahirapan at mag-alala dahil malayo ka sa kan’ya,” sabi nito. “I’m not sure kung papayag si Mommy. Hindi rin puwedeng mawalan ng tao ang bahay namin,” aniya. “We can hire a caretaker.” “Kakausapin ko muna si Mommy.” Tumango si Elias at pumapak ng ribs ng baka na mas malaki. Nagkakamay lang ito