MAHIMBING ang tulog ni Annie at nang magising siya’y katabi na niya si Vladimir, nakayakap pa sa kaniya. Hindi siya makakilos dahil nakadagan sa kaniyang hita ang mabigat at malaki nitong binti. Puno na ang kaniyang pantog kaya nagpumilit siyang makawala sa yakap ng binata. Pumasok siya ng banyo. Nagmadali siya dahil sa kagustuhang masilayan ang tanawin sa labas. Paglabas niya ng banyo ay gising na si Vladimir, nakatayo at umuunat ng kasukasuan. Nakatanaw ito sa labas buhat sa salaming bintana. “Good morning!” bati niya rito. Pumihit naman ito paharap sa kaniya. “Mas maganda ka pa sa morning, sweetie,” nakangiting ganti nito. Malapad siyang ngumiti at lumapit sa binata. Sumilip din siya sa bintana. May terrace roon pero naka-lock ang pinto patungo rito. Pinabuksan niya ito kay Vladimir

