NAWALA ang agam-agam ni Annie nang ipasyal siya ni Vladimir sa karagatan lulan ng maliit na yate. Doon na sila nagluto ng tanghalian. May kasama naman silang nagmaneho ng yate kaya walang abala. May electric grill sila na nasa gitna ng lamesa kaya habang nag-iihaw ay sinusunod naman nila ng kain ang nalulutong karne at nilalagyan ng mga gulay. Ayaw ng binata maabala ang pagsasaya niya kaya hindi ito tumanggap ng update mula sa mga tauhan nito. Isinantabi nito ang problema. “We can dive later, Ann. May gamit ako for diving,” ani Vladimir. “Hindi ko pa naranasan mag-dive sa dagat.” “I’ll teach you later.” Nabaling naman ang tingin niya sa ginagawa ni Vladimir sa malaking kamatis. Hiniwa nito nang maninipis at pabilog ang kamatis at ipinatong sa malapad na karne ng baka na manipis. Nakas

