NATUHOD ni Annie si Lance sa pagkal*l*ki nito kaya may pagkakataon siyang makatakas. Nabuksan niya ang pinto at tumabo saktong sumalubong si Alejandro. “Ale! Si Lance!” natatarantang sigaw niya. “Where?” tanong naman nito. “Sa office! I think he’s Black Mamba!” “F*ck!” Tinawag ni Alejandro ang dalawang agent na kasama nila. Iniwan siya nito sa isang agent at pinuntahan si Lance sa opisina ng mga doktor. Nagkagulo na dahil may doktor umanong nasaktan. Wala ng pulis na nagbabantay sa ospital kaya siguro malayang nakagalaw si Black Mamba. Wala na kasi si Dr. Daniel. “Ma’am, let’s go!” sabi ng agent. “Si Ale?” “Hinanap nila ang target. Kaalingan na nating umalis.” Sumunod naman siya sa agent pero pagdating nila sa parking lot at sinalubong sila ng apat na lalaki, armado. Nagkagulo na

