PUMAYAG si Vladimir sa dinner invitation ni Mr. Stewart at nag-offer pa ng free room accommodation para sa kanila. Hindi na nakatutol si Annie sa dinner pero hindi siya pumayag na doon matulog sa resort. May kayabangan si Mr. Stewart pero sunog na sunog sa sarkastikong si Vladimir. Hindi umobra ang kayabangan nito sa talas ng dila ni Vladimir. “You didn’t change. You’re still arrogant,” prangkang sabi ni Vladimir kay Mr. Stewart. Naghahapunan na sila sa magarang dinning room kaharap ng dagat. Tawa nang tawa si Mr. Stewart. May asawa itong pinay pero nasa bahay umano at buntis, malapit na manganak. “I will have a baby boy sooner,” pagyayabang ni Mr. Stewart. “I will have, too,” sabi naman ni Vladimir. “Really? Is your fiancee pregnant now?” Sinipat naman ni Vladimir si Annie. “Hm, so

