HULING-HULI ni Vladimir sa akto si Chase na malalim ang titig kay Annie habang nakikipag-usap. But he didn’t mind the atmosphere. He approached his friend nicely. “Saan kayo kakain, Chase?” tanong niya sa kaibigan. “Sa yate na. Ayaw bumaba ni Yoshin at tinatamad kumilos,” anito. “Ilang kilo na ba ang bigat ng bayag niya at hindi mabuhat? Ma-pride kasi siya, ayaw makipag-ayos kay Maya, sana hindi siya naiipunan ng similya,” aniya, pumalatak na. Napailing si Chase. “Wala ka na talagang matinong nasasabi. Nahawa ka na kay Wallace kakadikit mo sa kaniya.” “Ikaw rin, nahawa kay Yoshin na nagbuburo ng similya. Baka magka-prostate cancer kayo niyan, sige kayo. May mga paa na ‘yang sp*rms n’yo,” banat niya. Tinapik lang ni Chase ang kaniyang balikat. Binuhat na nito ang serving tray na pinag

