DALAWANG buwan pa ang lumipas at natapos din ni Annie ang specialization niya at makaluluwag na siya sa schedule. Isang linggo siyang walang pahinga pero worth it dahil nakamit na niya ang tagumpay sa medical industry. Palabas na siya ng ospital nang makasabay niya si Lance. Matagal din niya itong hindi nakita dahil sa sobrang busy. Nag-iikot din kasi sa ibang ospiral si Lance. “Hi!” nakangiting bati sa kaniya ni Lance. “Hello! Nice to see you again,” ganti niya. “Are you still busy?” “Hm, medyo. Pero mas maayos na ang schedule ko next week.” “That’s good.” Naharang din siya ni Daniel sa pasilyo patungong exit. “Naabutan din kita, Annie,” anito. “Mauna na ako sa inyo,” paalam naman ni Lance. Tumango lang siya. Si Daniel naman ang kaniyang hinarap. “Anong meron?” tanong niya. Saba

