Chapter 16

1453 Words

PAGPASOK ni Annie sa lobby ng rest house ay naabutan niya si Ingrid na nakasilip sa bintana, nakatapat sa puwesto ni Vladimir. Sinilip pala sila nito at malamang ay pinagtawanan sila. “See how stupid Vladimir is, Ingrid? How can I feel comfortable with him?” maktol niya. Tumawa nang pagak si Ingrid. “Hm. Hindi ko na rin maintindihan si Vlad. Parang wala naman siyang balak magseryoso sa ‘yo,” anito, nakasilip pa rin sa bintana. Lumuklok siya sa couch at humalukipkip. “Vlad was crazy,” aniya. Humarap naman sa kaniya si Ingrid. “Hindi mo pa ba lubos na kilala si Vlad? Nakakainis minsan ang ugali niya pero aminin mo, ilang beses ka rin niyang sinampal ng realidad tungkol sa pagkatao mo. Naiinis din ako sa kaniya noong una kasi magaling mang-insulto, pero naisip ko na may point naman siya.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD