HINDI nakadalo si Annie sa binyag ng anak ni Ingrid dahil wala na siyang sapat na oras para sa ibang bagay. Inasikaso rin niya ang paperwork sa opisina ng real estate. Pero nahihiya siya sa kaibigan kaya kinabukasan ng Linggo ay nagtungo siya sa Tagaytay, sa resort nila Ingrid. Naroon kasi ang mga ito. Ilang araw na hindi nangulit si Vladimir kay Annie pero panay ang padala ng kung anong pagkain sa kaniya. Dahil wala pa siyang mahanap na mapagkakatiwalaang driver, pinagtiyagaan na muna niya si Alejandro. Mas okay itong kasama kaysa kay Vladimir, hindi sumasakit ang ulo niya. “Enjoy your day. I’ll go to the beach,” sabi ni Alejandro nang makarating sila sa resort nila Ingrid. Pumasok pa siya sa lobby ng resort at nagpakilala sa staff. May entrance fee kaya nagbayad pa rin siya. Isinama n

