UMINIT na ang bunbunan ni Vladimir dahil sa pabibo na si Daniel. Ayaw pa nitong umalis at gustong mag-lunch sa bahay ni Annie. Mabuti na lang tinago niya ang stock na lulutuin si Annie. Kinain na niya ang tira nitong roast chicken. “Uuwi na lang pala ako. Huwag ka na magpagod magluto pa, Annie,” paalam ni Daniel. “Sige. Pasensiya ka na. Akala ko kasi may maluluto pa akong ulam,” anang dalaga. Sumilip lang sa bintana si Vladimir. Hindi napansin ni Annie ang ilang pirasong manok na ipinasok niya sa lalagyan ng ice cream at ibinaba sa chiller, sa lagayan ng gulay kaya hindi nito napansin. “Vlad? Ano’ng kinain mo kanina?” tanong ng dalaga nang makapasok sa kusina. Sinundan naman niya ito. “Iyong tira mong roast chiken sa microwave, pinainit ko ulit,” aniya. Humarap sa kaniya ang dalaga a

