“HONESTLY, I don’t like Dr. Daniel. He was obviously has selfish intention,” basag ni Vladimir sa katahimikan. Uminit na ang ulo nito dahil sa mayamayang hinto ng kotse sa harapan nila. Nabinbin ulit sila sa matinding traffic kaya iritable ang binata. “You’re just judgmental,” komento niya naman hinggil sa sinabi nito. “I admit it, but I use it to identify good or bad people. Ayaw ko ng plastikan. Ipapakita ko kung sino ako, at sasabihin ko kung sino ka.” “Kung sa bagay, ganiyan ka naman kahit noon pa.” Sinipat lang siya ng binata. Umusad na rin ang mga sasakyan sa unahan nila kaya nag-focus sa pagmaneho si Vladimir. Walang nagbago sa ugali ni Vladimir, lumala pa nga. Bukod sa walang preno ang bibig nito kung makainsulto, hindi rin minsan nagso-sorry kahit may umangal sa sinabi nito

