HINDI na naka-reply sa huling chat ni Black Mamba si Vladimir. Tumawag kasi sa kaniya si Wallace at naihabilin ang mag-ina nito. He was shocked. Meaning, Angelica was pregnant! Napasugod siya sa ospital kung saan dinala si Angelica na hinimatay matapos makumpronta si Wallace. And he was too late. Sumama na sa mga pulis si Wallace. Nadatnan niya si Angelica sa ward ng ospital na iyak nang iyak. Hindi niya ito kayang tingnan kaya pinaubaya niya sa magulang nito. Nadagdagan na naman ang problema niya. Now that Wallace has been detained, some people might question his background since he’s one of the closest friends of Wallace and his business partner. Isa na si Annie sa kukuwesyon sa kaniya. Inasikaso kaagad niya ang mga negosyo at inabisohan ang kaniyang tauhan na linisin ang kalat na pos

