INAWAT din ni Alejandro si Yoshin nang ayaw na lubayan ng suntok ni Vladimir. Ayaw pa sanang tumigil ni Vladimir pero pinigil na ito ni Annie sa kanang braso at kinaladkad papasok ng bahay. Dumiretso na sila sa kuwarto para wala itong kawala. “Ano ba ang problema, Vlad?” balisang tanong niya nang makapasok na sila sa kuwarto. Nag-lock siya ng pinto. Naghubad ng coat si Vladimir at bakas pa rin ang tensiyon sa mukha. “Can’t you hear what Yoshin said? He knows who Black Mamba is, but he refused to tell me about it!” nanggagalaiting sabi nito. “Baka nga may mas malalim siyang dahilan. Sana kinausap mo siya nang maayos para magkaintindihan kayo.” “I know Yoshin, Ann. He will not lower his pride.” “Ano ba kasi ang dinidepensahan niya?” “Maybe he has a connection to Black Mamba, or they ar

