NAKATULOG si Annie pagkatapos ng meryenda nila ni Vladimir sa hapon. May ikinabit itong duyan sa terrace ng backyard at doon siya natulog. Daig pa niya ang nasa air-conditioned room sa ginaw ng klima. Palibhasa batis ang ilalim ng terrace kaya natural ang lamig ng hangin, sinamahan pa ng malalaking punung-kahoy na nakapaligid sa batis. Madilim na sa paligid pero nagbukas ng ilaw si Vladimir kaya maliwanag sa parte ng batis at palibot ng villa. “Sweetie, I’m grilling the lamb!” sigaw ni Vladimir. Napatayo naman siya at hinanap ang asawa. Namataan niya ito sa hardin at may iniihaw. May maliit namang pinto roon sa terrace patungo sa hardin at doon siya dumaan. Nilapitan niya ang asawa at curious sa iniihaw nitong karne. “Lamb ba ‘yan?” naniningkit ang mga matang tanong niya. “Oo. Nagpaka

