SA terrace na sila naghapunan kasalo si Alejandro. Habang kumakain ay hindi mawaglit sa kukoti ni Vladimir ang hint na binigay ni Alejandro tungkol kay Black Mamba. Malakas ang kutob niya na nakita na niya ito noon, maaring ang new version na ni Ace Sorrentino. Pagkatapos ng hapunan ay umalis si Alejandro. Babalik ito at kinuha lang ang laptop kung saan makikita ang nai-save nitong footage. Tinulungan niya si Annie sa pagliligpit ng mga kubyertos sa kusina. Magreklamo na itong inaantok kaya inako na niya lahat ng trabaho para makatulog na ito. Pinagtimpla pa siya nito ng kape bago natulog. Saktong natapos siya maghugas ng plato ay bumalik si Alejandro. Niyaya niya ito sa may terrace na nakatungo sa batis. “Teka, sigurado ka ba na si Black Mamba na ‘yong nakaharap ni Daniel?” paniniguro

