NADATNAN ni Vladimir si Yoshin sa opisina ng headqarter ng BHO. Nakaupo ito sa couch at may tinutunggang red wine. Ang dilim ng aura nito sa fully-black long sleeve polo at pants. Pinapunta siya nito roon upang pag-usapan ang shares nila sa BHO. He didn’t claim his reimbursement yet. He invested ten billion in their organization, and it’s time to close his connections to the BHO. Kaso mukhang walang balak si Yoshin na ibalik ang pera niya. “If you don’t cooperate with me, I will take back my investment,” he said. Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang pants ang golden badge. Lahat silang golden badge holder member ng BHO ay ang bumubuo ng organisasyon. Isinuko niya ang badge bilang tanda na tuluyan na siyang aalis sa grupo. Sina Dwayne at Wallace ang naunang nagsuko ng badge at opisyal na

