Chapter 5

2131 Words
“BUKAS ka na magpa-check-up sa ospital, umaga,” sabi ni Ingrid kay Vladimir. Naglakad na siya ulit. Kaso makulit si Vladimir, pilit pa rin siyang sinusundan nito. “Saan ka ba pupunta?” tanong nito. “Sa hotel. Doon muna ako matutulog,” mabilis niyang tugon. “Okay, ihahatid kita.” “Thanks, but no need. May malapit lang na hotel dito.” “Mapapagod ka, mataas pa naman ang takong ng sandals mo.” “Ayos lang. Umuwi ka na, Vlad, please.” “I don’t have a house.” Patago siyang napangiti. Ayaw niyang magpakita rito ng senyales na pinagbibigyan niya ito. Alam niya ipipilit lang nito ang gusto na tulungan siya. “Marami kang pera, imposibleng hindi ka nakabili ng bahay. May bahay naman ang mommy mo sa QC,” aniya. “May nakatira roon sa bahay, pinsan ni Mommy. Ayaw ko ng may kasamang ibang tao sa bahay. And about my money, hindi ko sila hawak. Kusa silang gumagalaw at nagdedesisyon.” She can’t help but giggled. Para hindi mapansin ni Vladimir, binilisan pa niya ang paglalakad hanggang makakita siya ng hotel. “Dito na ako, salamat na lang sa pagsunod. Uwi ka na kung saan ka uuwi,” sabi lamang niya kay Vladimir. Nakasilip pa rin ito sa bintana ng kotse na huminto rin sa tapat ng hotel. “Okay. Pasok ka na. Pasensiya na rin kung makulit ako. Ang totoo, sumanib sa akin si Harry at hindi ko matanggihan,” hirit pa nito. Hinarap niya itong muli. May ideya na siya bakit ganoon siya kausapin ni Vladimir. Gusto lang siya nitong libangin, malamang ay aware na rin ito sa nangyayari sa buhay niya dahil kay Ingrid. “I appreciate your effort, Vlad. I know, you’re still mad at me, and please don’t hide it in a joke,” she said. “I admit. May fifty percent pa akong natirang galit sa ‘yo, and if you continue refusing my help, baka biglang bumalik sa one-hundred percent ang galit ko.” She took a deep breath. “Sorry, I need to do this. Good night,” aniya. Tinalikuran niya ito. “You know me, Ann. Masasaway mo ang pinakamakulit na bata sa mundo, pero hindi ako,” sabi pa nito. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Tiniis niya na huwag lingunin si Vladimir at tumuloy na sa entrance ng hotel. Aalis din naman ito. Nang makapag-check-in, deretso na siya sa hotel suite at nagpa-deliver na lamang ng pagkain doon. May ekstra naman siyang damit at underwear kaya okay lang kahit hindi siya uuwi. May susuotin pa siya kinabukasan. Ang isang bag niya ay puro damit lang at undies ang laman. Palagi siyang may dalang ekstra dahil minsan ay inaatake siya ng takot kay Jake at hindi makauwi ng bahay. Biyernes ng umaga ay nakipagkita si Annie kay Ingrid. Naibigay na nito ang perang pinahihiram sa kaniya. May nahanap na umano itong bahay na hulugan sa isang executive village sa Makati. Pinuntahan na nila ito at kinausap ang may-ari na matandang lalaki. “Kung magkano lang ang kaya mong ihulog kada buwan, Doktora,” sabi ng matanda. Pumasok na sila sa lobby ng may dalawang palapag na bahay. Dati umanong paupahan ang bahay pero nagpasya ang may-ari na ibenta dahil nasa Canada na ang mga anak nito. “Sige po. Magbibigay ako ng paunang bayad, fifty thousand,” aniya. “Ikaw ang bahala. Kahit magkano naman ay puwede sa akin,” ani Mang Efren. Kahit nagdududa sa presyo ng bahay, pinatos na ito ni Annie. May three hundred square meters ang lupaing tinitirikan ng bahay. May bakod na ito at gate, medyo hawig lang ng bahay na kadikit nito ang pader, na dati rin umanong bahay ni Mang Efren at may bumili na rin. Ibinigay na niya ang paunang fifty thausand sa ginoo. Nilibot na rin nila ang buong bahay. Parang hindi pa ito nagamit, walang sira. Mga gamit na lang ang kulang. “Puwede ka na lumipat kahit bukas, hija,” sabi ni Mang Efren.” “Sige po. Unti-untiin ko ang mga gamit ko. May aasikasuhin pa kasi ako,” aniya. Nasa second floor na sila. Dalawa ang kuwarto sa second floor, may guest room naman sa ground floor. Meron ding maliit na swimming pool sa backyard at walang tubig. Maayos ang landscape roon at malalago ang halaman. Excited na siyang ayusin ang garden at mamili ng mga gusto niyang halaman. “Ang kailangan mo na lang ay kotse, Annie. May lumang kotse na binibenta ang kaibigan ni Dwayne,” sabi naman ni Ingrid. “Talaga? Kaso baka hindi ko kayanin isabay sa hulugang bahay.” “Walang problema. Kahit magkano lang ihulog mo.” “Sinong kaibigan ni Dwayne?” Kabado siya baka si Vladimir ang tinutukoy ni Ingrid. “Si Wallace. Na-repair na iyong kotse at balita ko papalitan ng armor ang ibang parts, so hindi matatablan ng bala.” “Eh, ‘di mas mahal ‘yon.” “Second-hand na ‘yon pero maayos pa. Kausapin ko na lang ang asawa ni Wallace para mabenta sa murang halaga ang sasakyan.” Bahagya siyang napayuko nang maisip na labis-labis na ang naitulong sa kaniya ni Ingrid. Sa kabila ng hindi magandang nagawa rito ng kuya niya, nakua pa ring magmalasakit sa kaniya ni Ingrid. “Hindi ko alam kung deserve ko ang kabaitan mo sa akin, Ingrid,” aniya. Inakbayan naman siya ni Ingrid. “Ano ka ba? Para namang hindi tayo magkaibigan.” “Kasi nalalagay ka sa alanganin dahil kay Kuya Jake.” “Si Jake lang ang may atraso sa akin at hindi ka kasama sa kasalanan niya. Ayaw ko ring makita kang nahihirapan dahil sa kuya mo.” “Salamat, Ingrid.” “Huwag ka na malungkot. Deserve mong maging masaya. Ilang taon mong tiniis ang stress.” Bumaba na sila ng ground floor. Dumating na si Dwayne para sunduin si Ingrid. Nakuha na niya ang susi ng bahay at maari na niyang magamit. Pero kailangan muna niyang ayusin ang problema sa mga utang. Palabas na siya ng gate nang mapatingin siya sa bintana sa may second floor ng kaniyang kapitbahay. May lalaking sumilip sa bintana, pamilyar sa kaniya ang bulto. Ang unang pumasok sa kaniyang isip ay si Vladimir. Napailing siya at iginiit na inukupa na ni Vladimir ang kaniyang isip kaya kung saan niya ito nakikita. Lumulan na lamang siya sa kotse ni Dwayne. May duty pa siya sa ospital kaya hinatid din siya ni Dwayne. Samantalang hindi na umuuwi ng bahay si Jake kaya may pagkakataon si Annie na maghakot ng kaniyang gamit. May inarkila siyang jeep para madala ang mabibigat niyang kagamitan. Linggo ng madaling araw siya naglipat ng gamit at isang biyahe lang. Hinakot din niya ang kaniyang mga halaman. Pagdating naman sa bagong bahay ay napasabak siya sa pagbubuhat ng gamit. Isa lang kasi ang alalay ng driver, payat pang binatilyo. Sumikat na ang araw kaya nagmadali siya. Hinihila niya ang foam ng kama nang may lalaking lumapit. “You need help?” Napalingon siya sa lalaking nagsalita. Nangatal naman ang kalamnan niya nang makilala ang lalaking nakasuot ng itim na jogging pants at itim na hapit na sando. Ano naman ang ginagawa roon ni Vladimir? “V-Vlad?” gilalang niyang sambit. “Bakit parang nakakita ka ng multo? Buhay pa ako, Annie,” ani Vladimir. “Ano kasi, b-bakit ka narito? Sinusundan mo ba ako?” Tumalim ang titig sa kaniya ni Vladimir. “Dito ako nakatira.” Nanlaki ang mga mata niya. “Saan dito?” Itinuro ni Vladimir ang bahay na katabi ng bahay niya. Natanto niya na hindi nga siya nagmalikmata noong may napansin siyang lalaki na sumilip sa bintana ng kapitbahay. Si Vladimir nga talaga ang nakita niya! “Teka, alam mo ba na ako ang lilipat dito sa kabilang bahay?” nawiwindang pa ring saad niya. “Yes, napansin kita noong nagpunta kayo rito ni Ingrid.” Napasintido siya. Hindi siya kumbinsido. Pakiramdam talaga niya ay sinusundan siya ni Vladimir. “Ang totoo, Vlad, sinusundan mo ba ako?” usig niya sa binata. Humalukipkip ito. “Nauna akong nakabili ng bahay rito. Baka ikaw ang sumusunod sa akin.” “Ano? H-Hindi, ah! Malay ko bang dito ka nakatira. Akala ko doon ka pa rin nakatira sa bahay ng mommy mo.” “Matagal nang naibenta ang bahay namin sa tiyahin ko, kapatid ni Mommy. I told you already about it. Wala akong sariling bahay rito sa Pilipinas kaya bumili na ako.” “Ang weird naman ng coincedence na ‘to,” hindi pa rin makapaniwalang usal niya. “Huwag ka na umangal pa. Tanggapin mo na lang na kapitbahay mo na ako. Hindi naman kita gagapangin gab-gabi, eh. Mag-lock ka lang ng pinto.” Napaawang ang kaniyang bibig ngunit hindi nakaimik. Sinundan lamang niya ng tingin si Vladimir na binuhat na ang foam na malapad at ipinasok sa bahay. Wala namang magawa ang dalaga kundi tanggapin ang kapalaran na lalong mapalapit kay Vladimir. Hinakot na lamang niya ang ibang maliliit na gamit. Puro di-kuryente lahat ng nadala niyang gamit sa kusina. Gumawa siya ng sandwich at nagtimpla ng juice para meryenda ng naghakot ng gamit, isinama na niya si Vladimir. Dahil wala pa siyang dining set, sa labas na niya pinameryenda ang mga lalaki. May bilog na lamesang yare sa bato roon sa hardin sa may gilid ng bahay. “Pasensiya na, wala pa akong lamesa sa loob ng bahay kaya dito muna. Hindi pa naman mainit,” aniya. Tahimik lang ang mag-ama pala na naghakot ng gamit. Kumuha ng sandwich si Vladimir at isang baso ng juice. Nakatayo lang ito, pawisan na. “May binibentang second-hand na gamit sa bahay si Mang Efren, baka gusto mong kunin. Puwedeng hulugan,” sabi ni Vladimir. Nairita siya dahil marami na siyang hulugang bayarin. “Saka na ‘yan. Marami pa akong utang,” aniya. “Magkano ba ang utang mo? Babayaran ko.” Hindi niya magawang tumawa. “Seryoso ako, Vlad. Makapaghihintay naman ang mga gamit. Kaya ko namang kumain na walang lamesa.” “Seryoso rin naman ako. I have an extra table, you can get it for free.” Matiim siyang tumitig sa binata. Nagdududa na siya rito. Pakiramdam talaga niya ay may binabalak ito sa kaniya. “Salamat na lang pero ayaw kong may tatanawing utang na loob sa ibang tao.” “Mukha ba akong ibang tao sa ‘yo, Annie? Ikaw lang ang allergic sa akin. May problema ka ba sa pagmumukhang ‘to?” Tinuro pa nito ang sariling mukha. Napabuga siya ng hangin. She’s aware how jerk Vladimir is. Matutuyuan siya ng pasensiya kung makikipagtalo pa rito. Bumuga siya ng hangin. Tinalikuran niya ang binata at hinarap naman ang mag-ama na tapos nang kumain. Ibinigay na niya ang kabuang bayad sa serbisyo ng mga ito. Nang makaalis ang mag-ama ay nagligpit na siya ng mga kubyertos. Sumunod sa kaniya si Vladimir sa kusina ng bahay. “Hindi ako busy ngayon. I can help you clean the house and arrange your stuff,” anito. Tatanggi pa sana siya kaso na-realize niya na hindi niya kayang buhatin ang ibang gamit paakyat ng second floor. Sa lobby lang nakatambak ang mga ito. No choice siya kundi tanggapin ang tulong ni Vladimir. Minsan lang naman siya lulunok ng pride. “Fine. Thank you,” aniya. Natigilan siya nang biglang maghubad ng sando si Vladimir sa mismong harapan niya. Wari may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan nang mapasulyap sa matipunong dibdib at puson ng binata. Lalong gumanda ang katawan nito, katamtaman ang laki pero hitik sa muscles, lalo na sa puson na animo tinubuan ng anim na pandesal na nagdikit-dikit. “What are you staring at?” masungit na tanong ni Vladimir. Kumislot naman siya. “Ah, w-wala. Basa na ang damit mo ng pawis, ibilad mo muna sa labas,” alibi niya. “Basa rin itong jogging pants ko, puwede ko rin bang hubarin?” Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing ibinaba nga ni Vladimir ang pants nito. “Hoy! Bakit maghuhubad ka?” “Basa rin ang pants ko. Ibibilad ko muna sa labas para matuyo. Baka kasi pasukin ng pawis pati hita ko at mamaga.” Talagang hinubad nito ang jogging pants at itim na boxer ang natira. “Basa rin pala ang boxer ko. Kanina pa kasi ako tumatakbo sa labas,” anito. Napangiwi ang dalaga. “Magpalit ka na lang kaya muna ng damit. Baka magka-pulmonya ka.” “Mamaya na. Pagpawisan din ulit ako, eh. Nariyan ka naman para gamutin ako, Doctor.” Tumalikod na ito at lumabas. Napahilot sa kaniyang batok si Annie. “Bakit ba ako nagkaroon ng kapitbahay na makulit?” problemadong maktol niya. Nagsimula na lamang siyang naglinis ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD