HINDI umalis ng bahay ni Annie si Vladimir at tumulong pa ito sa paglilinis. Hindi naman ito mapigil ng dalaga. Wala pa siyang stock na pagkain kaya wala siyang ulam.
“May stock akong karne sa bahay. Kukuha ako para may maluto ka,” ani Vladimir.
“Sige, babayaran ko na lang,” aniya.
“Huwag na. Kakain din naman ako rito.” Lumabas na ng bahay si Vladimir.
Nagsaing na lamang siya sa rice cooker.
Pagbalik ni Vladimir ay may dala na itong buong karne ng manok at frozen pa. Nagpalit na rin ito ng damit, itim na kamesita at itim ding shorts.
“Ibabad muna natin sa tubig itong manok. Ako na ang magluluto,” anito. Kumuha ito ng kaserola at ipinasok ang manok. Isinahod nito sa gripo ang kaserola at hinayaang umagos ang tubig.
Kinuha naman ng dalaga ang kaniyang cellphone sa gilid ng lababo nang tumunog. May mensahe si Ingrid at nasorpresa siya sa balita nito. Magpapakasal na umano ito kay Dwayne.
“Vlad, alam mo ba na magpapakasal ulit si Ingrid kay Dwayne?” saad niya.
“Ah, that was a bad news.” Lumuklok sa silya si Vladimir at pumapak ng ubas na dala nito.
“Paanong bad news?” curious niyang tanong.
“Your stupid brother will not be happy to hear that news. I’m sure, he will move to destroy the wedding.”
Inalipin naman siya ng kaba. Hindi pa niya nakikita ang kuya niya at wala siyang alam sa plano nito.
“Kakausapin ko si Ingrid na huwag muna sila magpakasal ni Dwayne,” aniya.
“You can’t stop the wedding, Annie. Huwag ka na lang makialam at intindihin ang sarili mo. Once nagkagulo at nahuli ang kuya mo ng mga pulis, malalagay ka sa alanganin.”
“Paano mo nasabi ‘yan? Nagbayad na ako sa ibang utang ko sa dating boss ni Kuya.”
“What about Jake’s other bosses?”
“Wala akong ideya. Ang alam ko lang ay patay na iyong isang boss ni Kuya na ako ang collateral sa utang niya.”
“You’re not sure, Annie.”
Nagtataka na siya kay Vladimir. Tila mas marami pa itong alam kaysa kaniya tungkol sa pinaggagawa ni Jake. Mukhang wala na ring pakialam sa kaniya si Jake at nahibang na ito sa plano laban kay Ingrid.
Tumayo na si Vladimir at inasikaso ang ibinabad sa tubig na manok. Hiniwa na nito ang karne. Hindi naman mapakali si Annie dahil sa kabang namamahay sa kaniyang puso. Alam niya once natuloy ang kasal ni Ingrid kay Dwayne, lalong aalburuto sa galit ang kuya niya.
“Maupo ka kaya, Annie. Para kang pusang hindi mapaanak diyan,” sita sa kaniya ni Vladimir.
Hindi kasi siya mapirme sa iisang puwesto, palakad-lakad. “Kinakabahan ako. Naka-settle na ang kasal nina Ingrid at Dwayne. Siguradong may gagawing masama si Kuya Jake,” aniya.
“Don’t worry. We will secure the wedding. Dadalo ka rin sa kasal, so you must know the consequences.”
Umupo na lamang siya sa silya.
Mayamaya ay nagreklamo si Vladimir. “Wala ka man lang kahit bawang?”
“Sorry, hindi pa ako namalengke. Mamayang hapon na ako lalabas.”
“Sa bahay na ako magluluto.” Dinala na nito ang kaserola at manok.
Itinuloy na lamang niya ang pag-aayos ng gamit sa kuwarto. Naipasok na rin doon ni Vladimir ang kaniyang kama at ibang gamit.
Isang oras ang lumipas bago bumalik si Vladimir dala ang nalutong ulam. Sa hardin na sila kumain dahil doon lang may lamesa. Masarap naman ang nilutong ulam ni Vladimir, napasobra lang sa herbs kaya lasang gamot.
“Pasensiya na, hindi ako ganoon kahusay magluto ng ulam,” ani Vladimir.
“Masarap din naman. Parang adobo rin pero may tomato sauce,” sabi niya.
“Hindi ako gumagamit ng artificial na pampalasa. Mas mainam naman ito sa kalusugan, ‘di ba, Doc?”
Sinipat niya ang binata. Nagkakamay lang itong kumain at mayamaya ang higop sa kape. Kahit tanghaling tapat ay nagkakape ito.
“Ilang beses ka magkape sa isang araw?” usisa niya.
“Madalas apat na beses o lima.”
“Baka kailangan mo na magbawas ng kape. Nagiging sanhi ‘yan kaya ka sinisikmura.”
“I’m safe with coffee. Mas okay naman ito kaysa alak.”
“Hindi ka pa rin ba umiinom ng alak?”
“Minsan lang, kung kinakailangan. Wine is fine for me.”
“Masama rin ang kape kung sobra.”
Sinipat siya nito. “I will die if I stop drinking coffee.”
“Hindi ko naman sinabing tigilan mo. At least bawasan mo.”
“Susundin lang kita kung nagsasalita ka bilang concern na asawa at hindi doktor.”
Napangiwi siya. “Sige na. Hindi na ako makikialam. Bahala ka na sa buhay mo,” aniya. Itinuon niya ang atensiyon sa pagkain.
“Ituloy mo lang ang sermon sa akin, hindi ako magagalit. At least you show cares for me.”
“I care for my patients. Nothing personal here.”
“You’re annoying.”
Hindi na siya kumibo.
ISANG linggo pa ang lumipas. Hindi na umuuwi si Jake sa bahay nila Annie. May pagkakataon ang dalaga na hakutin ang ibang gamit na naipundar ng kaniyang mga magulang. Umupa ulit siya ng jeep na kakargahan ng gamit.
Ilang araw na hindi pumapasok sa bahay niya si Vladimir. Tahimik din ang bahay nito. Pagkatapos na maayos ang gamit sa bahay ay naghanda naman siya para sa kasal ni Ingrid. Imbitado siya at hindi puwedeng wala siya sa araw ng kasal.
Bago ang takdang oras ng kasal ni Ingrid ay nag-duty pa sa ospital si Annie. Nahuli lang siya ng ilang minuto sa seremonya. Dumalo rin si Vladimir sa kasal kasama ang mga kaibigan nito. Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang mga ito.
Dapat ay hindi siya magtatagal sa party dahil may duty pa siya sa clinic, kaso nagkaproblema. Nawawala ang anak ni Ingrid na si Slater. May dumakip umano rito. Dahil sa nangyari ay inatake ng nerbiyos si Ingrid at nawalan ng malay. Naisugod nila ito sa ospital.
Nasa labas ng ICU si Annie nang lapitan siya ni Vladimir. “Nasaan ang kuya mo, Annie?” tanong nito.
“Wala na akong balita kay Kuya. Hindi na siya umuuwi ng bahay,” aniya.
“May kutob ako na may kinalaman si Jake sa pagkawala ni Slater. Maghanda ka sa mangyayari. Don’t go anywhere for your safety.”
Inalipin na siya ng kaba. Hindi niya malaman ang gagawin lalo nang malaman mula sa doktor ni Ingrid na nakunan ito. Hindi siya aware na buntis na pala ang kaibigan niya.
Wari kinukuyumos ang kaniyang puso nang marinig ang hinagpis ni Ingrid dahil sa pagkawala ng baby nito. Nilamon naman siya ng konsensiya nang makumpirma ni Dwayne na si Jake nga ang may pakana sa pag-kidnap kay Slater. Hindi siya umalis ng ospital at sinamahan si Ingrid.
Umalis si Dwayne upang iligtas ang anak nito. Sumama rito si Vladimir upang tumulong. Nakatulog na si Ingrid matapos umiyak pero naroon naman ang mga magulang nito.
“Hindi kami papayag na hindi makulong si Jake, Annie!” nanggagalaiting sabi ng daddy ni Ingrid.
“Hindi ko po pagtatakpan ang kasalanan ng kuya ko, Tito. Kahit ako ay napapahamak dahil sa kaniya,” aniya.
“Wala na sa katinuan ang kapatid mo. Mas mabuting huwag mo siyang lapitan. Inaalala ni Ingrid ang kaligtasan mo kaya hindi niya maputol ang ugnayan sa ‘yo. Pero napahamak naman siya pati ang apo ko.”
Lalo siyang nilamon ng konsensiya dahil sa sobrang malasakit niya sa kapatid na inabuso naman siya. “Humihingi po ako ng pasensiya sa mga maling desisyon ko. Nadamay si Ingrid dahil sa isyu naming magkapatid.”
Lumapit naman sa kaniya si Gwen, mommy ni Ingrid. Tinabihan siya nito sa sofa. “Huwag mong sisihin ang sarili mo, Annie. Biktima ka rin. Pero sa laki ng atraso sa amin ng kuya mo, hindi na kami maaawa sa kaniya. Once nakulong siya, kukunin namin ang kumpanya n’yo at lahat ng ari-arian. Tutal ay malabo na makabayad pa sa utang niya si Jake.”
“Hindi ko na po hahabulin ang kumpanya. Nagdesisyon na ako na ipagkatiwala ito kay Ingrid. Lumayo na rin ako kay Kuya.”
“Tama ‘yan. Pero hindi puwedeng mag-isa ka, Annie. Sabi ni Ingrid, naging collateral ka raw sa mga utang ni Jake sa ilang boss niya. Baka habulin ka ng mga napag-utangan niya. Ano kaya kung sa amin ka na lang tumira?”
“Nabayaran ko na po ang utang sa dating boss ni Kuya. Wala na rin iyong isang boss niya na nautangan. Hindi naman na siguro ako hahabulin ng mga ‘yon.”
“Hindi natin alam. Baka may iba pa siyang napag-utangan.”
Hindi na siya mapakali. Tinanggap na lamang niya ang malasakit ng mga magulang ni Ingrid. Nag-hire ang mga ito ng security personnel na magbabantay sa kaniya at sa bahay.
Pagsapit naman ng madaling araw ay tumambad sa kanila ang balita na kritikal umano si Dwayne matapos mabaril. Pero nahuli na umano si Jake at kasalukuyang nakakulong sa istasyon ng mga pulis.
Tatlong oras lang ang tulog ni Annie at nagpasyang puntahan sa kulungan ang kuya niya. Kaso hinarang siya ni Vladimir sa labas ng ward ni Ingrid.
“Saan ka pupunta?” tanong nito.
“Pupuntahan ko sa presento si Kuya Jake,” aniya.
“Hindi pa sure kung nahuli lahat ng kaalyado ni Jake.”
“Pero kailangan kong makausap si Kuya,” giit niya.
“Papayagan kita pero sasama ako.”
“Sige.” Hindi na siya nagprotesta.
Nakisakay na siya sa kotse ni Vladimir patungong presento ng mga pulis. Sa halip na maawa, galit ang naramdaman niya nang makita si Jake sa loob ng kulungan. Hindi pa rin ito nadadala sa kapalpakang ginawa sa buhay.
“Bakit kasama mo ang lalaking ‘yan, Annie?” nanggagalaiting tanong sa kaniya ni Jake. Lumapit ito sa rehas na bakal.
“Sinamahan lang ako ni Vladimir,” aniya.
Lalong nanlisik ang mga mata ni Jake. “You lied to me! Sabi mo wala kang ugnayan sa lalaking ‘yan!” asik nito.
Hindi siya nakaimik nang lapitan ni Vladimir si Jake at sinakal. “Nakakulong ka na nga, gusto mo pa ring kontrolin ang buhay ng kapatid mo? You’re nothing but a sh*t scumbag!” gigil na sabi ni Vladimir.
Nataranta naman si Annie nang mapansin na wari malalagutan na ng hininga si Jake. Pinigil niya sa braso si Vladimir. Pinakawalan naman nito ang leeg ni Jake.
“F*ck you, Vlad!” singhal pa ni Jake. “Huwag kang magkakamaling pasukin ang buhay ng kapatid ko. Sinasabi ko sa ‘yo, hindi mo gugustuhin ang mangyayari sa ‘yo! Kahit nakakulong ako, may kikilos para puksain ka!”
Sa inis ni Annie ay siya na mismo ang nagpasok ng kamay niya sa rehas at sinampal sa pisngi ang kapatid. “Tumigil ka na, Kuya! Wala ka nang ginawa kundi ipahamak ako!” Nilamon na siya ng emosyon at napaluha. “Ngayong malaya na ako sa ‘yo, kalilimutan ko na lahat, pati ang ugnayan ko sa ‘yo. Hinding-hindi ako magpapakita sa ‘yo hanggat hindi ka nagbabago!”
Tulalang tumitig sa kaniya si Jake. “Hindi mo ‘ko naintindihan, Annie. Ginawa ko lahat para hindi tayo maghirap. Ikaw rin ang sumira sa usapan natin noon. Wala kang isang salita!”
Natigilan siya nang maalala ang unang usapan nila tungkol sa pagsalba sa ari-arian ng kanilang pamilya. Ginupo naman siya ng guilt. Hindi na siya nakaimik at tumalikod na lamang. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng presento.
“Annie, wait!” pigil ni Vladimir.
Huminto naman siya. “Iwan mo na ako rito, Vlad,” aniya.
“No. You’re not safe outside.”
“Don’t involve yourself in my life, Vlad. Ilalagay mo rin sa panganib ang buhay mo.”
“I don’t care!” Bumaling sa harapan niya ang binata. “Ano ‘yong sinabi ni Jake na nagpag-usapan ninyo noon?”
“Please huwag mo na alamin.” Iniwasan niya si Vladimir ngunit bigla siya nitong binuhat at isinakay sa kotse. “Vlad!” asik niya.
Nai-lock na nito ang pinto ng kotse at nagmaniobra. Hindi na siya nakapalag.
“I won’t let you go unless you’re safe,” anito.
“Saan mo ‘ko dadalhin?”
“Uuwi tayo. Kailangan mong maki-cooperate sa akin kung ayaw mong mapadali ang buhay mo.”
“Wala kang alam sa nangyayari, Vlad.”
“Makikialam ako kasi involved dito ang kapatid ko, Annie!”
Natigilan siya at napatitig kay Vladimir. “Labas na rito si Harry. His death was an accident,” giit niya.
“You know that it was not an accident, Annie. Stop lying to me!” asik nito.
“So, are you here to claim justice for your brother?” usig niya.
“Kailangan kita para malinaw ang buong pangyayari, Annie.”
“Wala kang makukuhang impormasyon sa akin, Vlad. Biktima rin ako.”
“Biktima ka ng mga maling desisyon mo, Annie! Hindi ako matutulog hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang unang usapan ninyo ni Jake. I know it’s about a deal with his former boss, na posibleng may kinalaman sa pagkamatay ni Harry.”
Nagduda na siya na maaring may alam din si Vladimir sa lahat ng transaksiyon ni Jake. “Bakit marami kang alam, Vlad?”
“Dahil gusto kong malaman ang nangyari bakit pinatay ang kapatid ko, Annie!” may gigil nitong tugon.
Nabuburyong na siya dahil sa magulong isip. “Please huwag mo muna akong usigin. Sasabog na ang utag ko, Vlad,” aniya.
“Fine! I’ll take you home.”
Pagdating sa kaniyang bahay ay dumiretso siya sa kuwarto. Kailangan niyang makabawi ng tulog.