Chapter 7

2539 Words
HAPON na pero hindi pa lumalabas sa kuwarto nito si Annie. Nakialam na si Vladimir sa kusina nito at nagluto. May mga taong pinapunta roon ang parents ni Ingrid upang magbantay kay Annie pero hindi siya kampanti. Pinapunta na niya roon si Alejando. Nanggaling pa ito sa condo ni Wallace. “What’s up!” bungad ni Alejandro. Pinapasok na niya ito sa bahay ni Annie. “Are you living here?” “No. Nakalimutan mo ba na bahay ko rin ito at ang kabila?” aniya. Napakamot ng ulo si Alejandro. “Sorry, I forgot.” Dumiretso na sila sa kusina. Hindi aware si Annie na siya ang totoong may-ari ng bahay na tinitirhan nito. Kasama ito sa nabili niya sa unang may-ari. Dahil ayaw ng dalaga tumanggap ng tulong mula sa kaniya, naisip niya na ibenta ito na hulugan. Nakiusap lang siya sa dating may-ari na magkunwaring ito ang nagbenta ng bahay. Kinuha naman niya ang paunang hulog ni Annie sa bahay at pinadaan lang kay Mang Efren. Kasabwat niya rin si Ingrid. Hinampas niya ang kamay ni Alejandro nang akmang titikman nito ang niluto niyang lumpiang isda. “What’s the matter?” tanong pa ni Alejandro. “Para kay Annie ang lumpia na ‘yan. Doon ka kumuha sa kaluluto ko,” aniya. “You’re obsessed!” “G*go!” Mayamaya ay nagising na si Annie. Hinakot na niya ang nalutong pagkain sa dining. Mabuti may mga lamesa na ito at upuan. “I prepared your food,” aniya. “Narito ka pa rin?” manghang untag nito. “Hindi ko sinabi na aalis ako.” Sumulpot naman si Alejandro dala ang mga kubyertos. Nanlalaki ang mga mata ni Annie nang mapatitig kay Alejandro. “S-Sino siya?” tanong nito. “He’s my friend, si Alejandro. Wala siyang bahay kaya makikituloy sa akin.” “Hi!” bati naman ni Alejandro kay Annie. Inilapag na nito ang kubyertos sa lamesa. “Nariyan na ang security guards na pinadala ni Tita Gwen. Puwede n’yo na akong iwan,” ani Annie. “Kumain ka muna, Annie. Mamaya mo na kami palayasin pagkatapos nating mag-usap.” Umupo na siya sa silya katapat ni Annie. Pinabalik naman niya sa kusina si Alejandro at inutusang magligpit ng kalat niya roon. Ayaw pang kumilos ni Annie para kumain. Nakaupo lang ito at tulala. Siya na ang naglagay ng pagkain sa plato nito. May niluto rin siyang spaghetti partner ng lumpia. “Kain na,” aniya. Nauna na siyang sumubo ng spaghetti. Nakatitig lang sa kaniya ang dalaga at naiirita siya. “Ayaw mong kumain? Uubusin ko ‘to,” hamon niya. Kumuha naman ng spaghetti ang dalaga at lumpia. Mahinhin itong kumain. He’s waited for Annie to eat more before interrogating her. “So, can we talk now?” aniya. Tumitig sa kaniya ang dalaga. “ Ano ba kasi ang gusto mong malaman?” “Para hindi magulo, linawin mo muna sa akin iyong usapan ninyo ni Jake. May kutob ako na may kinalaman ‘yon kay Harry.” Umalon ang dibdib ng dalaga. “Matagal na naming usapan ‘yon. Kailangan kasi naming maisalba ang paglubog ng kumpanya ni Daddy. Kaso malaki pa ang utang na naiwan. Kinausap ako ni Kuya na may boss siya na puwedeng utangan o tutulong sa kumpanya namin,” panimula ng kuwento nito. “Aling boss ‘yon? Iyong namatay?” “Hindi pa ‘yon. Iyong unang nakausap ni Kuya.” “Ano naman ang deal ni Jake sa boss niya na ‘yon?” “Ang usapan namin ay magpapakasal ako roon sa boss niya para mabayaran ang utang namin. Kaso nalaman ko na matanda ‘yong boss ni Kuya, bigla akong umurong kung kailan tapos na ang deal.” “Teka, nakita mo na iyong boss ng kuya mo?” “Hindi ko siya na-meet nang harapan. Nakita ko lang siya noong pumunta sa bahay namin at kausap si Kuya. Hindi ako lumabas ng kuwarto noon.” “Kayo na ba noon ni Harry?” “Hindi pa, pero nanliligaw na siya sa akin.” “Ano’ng nangyari pagkatapos umurong ka sa arranged marriage?” usisa niya. Ilang sandaling natigilan si Annie. “Natuloy ang deal ni Kuya pero nagbago na. Hindi ako pakakasalan ng boss niya pero binayaran pa rin niya ang utang ng kumpanya namin. Kaso, late na sinabi sa akin ni Kuya na ako pa rin ang collateral. At kukunin lang ako ng boss niya once hindi kami nakabayad.” “Magkano ba ang utang ni Jake?” “Five billion. Pero hindi lahat naibayad ni Kuya sa utang kaya problemado pa rin.” He was shocked. He didn’t expect the amount of Jake’s debt.Masyado nga naman iyong malaki para mabayaran kaagad. “Wait, kailan mo nalaman na natuloy ang deal ni Jake sa boss niya?” aniya. “Last year lang. At may sinabi sa akin si Kuya, na kaya siya nagalit ay dahil hindi ko muna inalam ang buong kuwento.” “Anong kuwento?” “Na hindi pala iyong nakita kong boss ni Kuya ang pakakasalan ko sana. Iyong big boss pala.” Bigla siyang naguluhan. “Big boss? You mean, iyong boss na kinilala ni Jake ay may boss pa?” “Oo, pero hindi siya nakita ni Kuya, kahit ng kinilala niyang boss. Sabi lang ni Kuya sa akin na mas bata raw iyong big boss, kaedad lang ata niya. Ginipit ng big boss si Kuya matapos malaman na may boyfriend ako, si Harry. Kaya galit na galit si Kuya kay Harry noon.” He took a deep breath. He got an idea about Jake’s former boss, the old man. Iyong si Rojillo Accetta. “Iyong matanda ba na boss ni Jake ay si Rojillo Accetta?” tanong niya. “Kilala mo siya?” manghang untag ng dalaga. “Nasa wanted list siya ng asawa ni Wallace. He’s a mafia boss.” “Oo, siya nga. Hindi ko lang sigurado kung ano ang ugnayan niya roon sa big boss kasi tinatawag niyang anak.” “Anak ni Rojillo?” Tama ang source niya, may anak si Rojillo pero hindi sapat ang detalye nila. Hindi active sa organization nito ang anak, wala ring identity na nalakap. “Iyon ang sabi ni Kuya. Pero sunod-sunuran naman si Rojillo sa anak niya.” “Thanks sa information, Annie. Ngayong aware ka na may naiwan pang deal ang kuya mo kay Rojillo, asahan mong may panganib pa.” “Pero sabi ni Kuya hindi na siya sisingilin ng ten billion.” “Hindi na kasi ikaw na nga ang kapalit. I don’t know how this pathetic man works, but I’m sure he’s dangerous. Maybe he's been plotting your life since the deal started.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Your life was under the control of someone, Annie. Be careful with your decision.” Bumakas sa mukha ng dalaga ang takot. Wala itong muang sa mundo ng mafia. “Ubusin mo ang pagkain mo. May gagawin lang ako sa kusina,” aniya. Iniwan na niya ang dalaga at pumasok sa kusina. Nilapitan niya si Alejandro na naghuhugas ng kawali. “Can I eat your spaghetti?” tanong nito. “Idi*t! Kanina ka pa rito, hindi ka pa kumain?” iritableng saad niya. “F*ck you! You told me I need to finish washing the dishes before eating!” “Ah, sinabi ko ba ‘yon? Sorry.” He grinned. “You’re like a robot, Al. Stop acting like that before I realize you’re a machine. Buwisit ka rin, eh! Kumain ka na!” Siya na ang nagtuloy sa hugasin. “I’m just being me, as*hole!” Umupo na sa tapat ng lamesa si Alejandro at nilantakan ang spaghetti na nasa bowl. “I have additonal favor, Al,” pagkuwan ay sabi niya. “What is it?” “I will leave for Sicily next month. May aasikasuhin lang ako at baka matagalan. You stay in my house to monitor Annie. Mag-assign ka rin ng sniper sa palibot ng bahay at susunod sa mga lakad ni Annie.” “Why are you protecting a woman who keeps on ignoring you?” “Lower your voice, Al. Maririnig tayo ni Annie,” saway niya sa kaibigan. “Then, what? Ano ba ang gusto mo kay Annie?” Bumaba na ang timbre ng boses nito. “I’m not doing this only for Annie. It’s about Harry. I want to claim justice for my brother’s death.” “Harry’s death was an accident, right? A car hits him.” “No. It was intentional. May hint na ako kung paano nagsimula ang lahat. I just need to figure out who the hell planned all of this sh*t!” “Okay, I’m in. I will call my men to deploy right away.” “Kakausapin natin si Yohsin mamaya bago siya babalik ng Italy.” “Okay.” Pumasok naman si Annie dala ang mga nagamit na kubyertos. “Iwan n’yo na ang kalat, ako na ang bahala,” sabi nito. “I can handle this. Huwag kang mag-apura na palayasin kami, Annie,” inis niyang sabi. “Hindi ko kayo pinalalayas. You spent a lot of effort, Vlad. Sapat na ‘yon. Nasabi ko na lahat ng gusto mong malaman. Siguro naman ay hindi mo na ako kukulitin.” Lalo siyang nairita. “I will be busy next month, but I can’t promise to leave you in this situation, Annie. Babalik ako.” “Vlad--” “Huwag ka na magreklamo! Gagawin ko ito dahil may pangako ako kay Harry!” Hindi na nakaimik ang dalaga. Tumalikod na lamang ito at lumisan. BUMALIK sa kaniyang kuwarto si Annie at nagbukas ng laptop. Nag-update siya ng schedule niya sa clinic at inabisohan ang sekretarya na next week na siya magre-report. Nakaidlip si Annie at paggising niya’y wala na sina Vladimir at Alejandro. Malinis ang bahay, may naiwan pang ulam na niluto ni Vladimir sa kusina. Lumabas siya ng bahay. May apat na guwardiya sa gate at nagbabantay. “Annie!” tawag ni Vladimir. Napatingin siya sa bintana ng bahay nito sa second floor. Nakasilip ito at walang damit. “Ano ‘yon?” aniya. “Kung aalis ka, sabihin mo lang. Ipag-drive kita.” “Bukas na ako aalis. May duty ako sa ospital.” “Okay. Aalis ako ngayon at babalik sa ospital. Baka gusto mong sumama para makita si Ingrid.” “Sige. Daanan mo lang ako rito.” Lumapit siya sa pader at nagbunot ng matataas na damo. Pagsapit naman ng gabi ay maagang naghapunan si Annie. Nakaligo na siya at nakabihis. Nagsisipilyo siya nang may bumusinang sasakyan sa labas. Si Vladimir na malamang ito. Ayaw nitong tumigil sa pagbusina kaya nag-apura na siya. Kinuha lang niya ang bag sa lobby at patakbong lumabas ng bahay. Naiirita siya sa ingay ng busina ni Vladimir. Nakita naman siya nitong palabas na ng gate pero ayaw pa ring tumigil. “Nabubulahaw ang kapitbahay, Vlad!” sita niya rito. “Sorry, ayaw tumigil ng kamay ko kakapindot ng busina,” sabi pa nito. Napailing siya habang papasok ng kotse sa backseat. Nakaupo kasi si Alejandro sa tabi ni Vladimir. Kauupo pa lamang niya ay pinaharurot na ni Vladimir ang kotse. Kamuntik nang masubsob ang mukha niya sa likuran ng upuan nito. “Bababa na lang ako,” aniya. Hindi siya pinansin ni Vladimir. Lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. “Vlad! Magdahan-dahan ka naman.” “Huh? May sinasabi ka?” tanong nito. Kinalabit na lamang niya si Alejandro. “Pakisabi sa kaibigan mo na bagalan ang takbo ng kotse,” sabi niya. “Sinabi mo na, narinig ka niya,” ani Alejandro. Isa pa itong weird at nilakasan ang tugtog sa stereo. Guminhawa lang ang pakiramdam niya nang makarating sila sa highway na maraming sasakyan. Sobrang bagal naman ng usad nila dahil sa traffic. “Damn, traffic! Puwede bang gumamit ng chopper dito, Al?” ani Vladimir. “I don’t know,” tipid namang tugon ni Alejandro. “I have zero tolerance for this kind of road. Traffic is the worst disaster in this country.” “You should take a nap first.” “Should I?” Palipat-lipat ang tingin ni Annie sa dalawang lalaki na nag-uusap. Napatingin siya sa rareview mirror at napansing humalukipkip si Vladimir at pumikit. Talagang iidlip ito. Pati si Alejandro ay nakapikit na rin. “Guys, umuusad na ang mga sasakyan sa harap,” aniya. “Vlad, umuusad na ang sasakyan sa harap,” ulit naman ni Alejandro sa sinabi niya. “Umuusad na ba?” Nagmulat naman ng mga mata si Vladimir. “Umusad nga, isang hakbang. Can I hit that f*cking cars?” Nairita na ito. “You can, but prepare to pay for the damages,” ani Alejandro. Umusad din sila pero pahinto-hinto. Nang malapit na sila sa ospital na distinasyon ay bumaba si Vladimir. Kinatok nito ang pinto sa tabi ni Annie. Binuksan naman ng dalaga ang pinto. “Bakit?” tanong niya. “Let’s go! Maglakad na tayo.” Hinawakan siya nito sa kaliwang kamay at naglakad. Napasunod naman siya rito. “Bakit ka ba nagmamali?” Lakad-takbo na ang ginawa niya dahil sa bilis ni Vladimir. “Inaantok na ako.” “Inaantok ka pero lumabas ka pa.” “Sa ospital ako matutulog. Babantayan ko si Dwayne.” “You’re weird.” “I know.” Pagdating naman sa ospital ay naghiwalay sila ni Vladimir. Pinuntahan nito sa ICU si Dwayne. Siya naman ay pumunta sa ward ni Ingrid. Nagising na si Ingrid at kasama si Slater na hindi naman nasaktan. Mugto na ang mga mata ng kaibigan niya kakaiyak. Nang makita siya’y umiyak na naman ito. Nilapitan na niya ito at niyakap. “Nakakulong na si Kuya, wala nang manggugulo sa inyo,” aniya. “Pero paano ka?” Dumistansiya siya rito at umupo sa silyang katabi ng kama. “Ayos lang ako. Mapapanatag na ako sa bagong buhay ko.” “Puwede mo pa namang mapakinabangan ang family house ninyo. Ang campany n’yo lang ang kukunin namin.” “Hindi na, Ingrid. Maraming masalimoot na alaala sa bahay namin at hindi ko na kayang tumira roon. Kung may ibang maningil ng utang kay Kuya, ibibigay na lang natin ang bahay.” “Ikaw ang bahala. Pero huwag tayong pakampanti. Sabi ni Vladimir, may iba pang naka-deal ang kuya mo noon at baka maghabol at ikaw ang pag-initan.” Bumalik ang kaniyang kaba nang maisip ang ibang problema. Umaasa siya na hindi na maghahabol ang taong unang naka-deal ni Jake. “Matagal na ‘yon. Baka nakalimutan na rin ng taong ‘yon ang deal kay Kuya,” aniya. Hinawakan ni Ingrid ang kaniyang kaliwang kamay. “Salamat at nagtiwala ka kay Vladimir, Annie. Malaking tulong siya para sa proteksiyon mo.” Lalo naman siyang nababalisa. “Wala akong choice, Ingrid. Makulit si Vlad, at saka kapitbahay ko na siya ngayon.” Napangiti si Ingrid. “Mas mainam.” “Anong mainam? Hindi ako komportable kay Vlad.” “Talaga?” tinig ni Vladimir. Napalingon ang dalaga sa pintuan. Nakapasok na pala si Vladimir, at malamang ay narinig ang usapan nila ni Ingrid. Ginupo naman siya ng kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD