HINDI na nabawi ni Annie ang sinabi dahil narinig na ni Vladimir. Tuluyang pumasok ang binata at nakipaglaro kay Slater sa couch. “Tito Vlad, bakit minsan lang kita makitang nakangiti?” tanong ng bata kay Vladimir. “Kasi walang nagpapangiti sa akin.” “Sino pala ang dapat magpangiti sa ‘yo?” “Hm, someone who can touch my heart.” “You mean, nata-touch ang heart?” Dinutdot pa ng hintuturo ni Slater ang kaliwang dibdib ni Vladimir. “Yes, but not with gingers. Someone can touch the heart with their hearts.” “Hindi ko maintindihan.” “Then don’t ask me a question with a complicated answer.” Tumawa si Ingrid. Pinapanood lang nila si Vladimir at Slater. Inilagay rin ni Annie ang sarili kay Slater na curious bakit bihira ngumingiti si Vladimir. Nagbibiro ito pero seryoso pa rin ang mukha.

