NAPABUGA ng hangin si Annie nang magpakilala rin ang dummy account na nag-chat sa kaniya. Si Vladimir lang pala ito, may pa-Dark Prince pang nalalaman na user name. Vladimir: “Sorry, I need to disguise. Ayaw mo kasi akong tanggapin sa totoong account ko. Stop ignoring me, Annie. I left my third eye there to monitor you all the time.” Naudlot ang inis ng dalaga at natawa sa chat ni Vladimir. Nasa ospital pa rin siya nang gabing ‘yon at inasikaso ang pasyente. Busy rin siya sa specialization niya. Kailangan niya itong matapos para diretso na ang kaniyang trabaho. Hindi na siya nag-reply sa chat ni Vladimir. Lumabas na siya ng doctor’s office at saktong pauwi na rin si Daniel, ang bagong emergency doktor nila. Noong isang araw lang itong na-assign doon sa ospital at pinakilala sa kaniya ni

