ISANG linggo ang nakalipas magmula noong sinabi ni Vladimir na nagpadala ito ng cargo. Nagulat na lang si Annie paggising niya nang Linggo ng umaga ay may dumating na malaking delivery truck. Tinawag siya ng guwardiya kaya lumabas siya ng bahay. “Ms. Annie Villareal po?” sabi ng delivery man. “Yes?” aniya. Lumabas siya ng gate. “May delivery po kayo. Paki-receive na lang.” Inabutan siya nito ng resebo na pipirmahan. Kinuha naman niya ito at pinirmahan. Pagkayapos ay binuksan na ang likuran ng cargo truck. Nagulat siya sa malalaking kahon at kung anong nakabalot na malalaki at mabibigat. Ibinaba ito ng delivery staff at ipinasok sa kaniyang bahay. “Teka, bakit ang dami? Sa akin ba lahat ‘yan?” ‘takang tanong niya. “Yes, ma’am. Special delivery po ito kasi sa inyo lang lahat ang laman

