TININGNAN lang ni Annie ang napiling puwesto ni Ingrid para sa clinic. Wala na siya sa mood mag-duty sa clinic kaya nag-cancel siya ng schedule at may tinawagan lang na doktor na papalit sa kaniya. May mga pasyente na kasing naghihintay at hindi puwedeng ma-cancel. Silang dalawang lang ni Ingrid ang pumasok sa lobby ng lumang clinic na nabili nito. Maayos pa ito pero gustong ipa-renovate ni Ingrid at pagawaan ng second-floor para sa laboratory. Pagkatapos ng usapan nila tungkol sa planong clinic ay naungkat na naman niya ang tungkol kay Wallace. “Bakit sumuko sa mga pulis si Wallace, Ingrid?” usisa niya. “You deserve to know this, Anne. Magkakaibigan sina Wallace, Dwayne at Vladimir. Wallace was also a former mafia,” ani Ingrid. Walang kurap siyang tumitig sa kaibigan. May hint na siya

