CHAPTER 7 Charlotte's Pov: Thursday na ngayon at nagdesisyon akong umuwi na lang dahil una, wala na akong damit at hindi ako makapaglaba roon dahil baka tangayin pa ng mga asong gala ang mga nilabahan ko. Pangalawa, lumalaki ang gastos ko habang namamalagi ako sa Inn. Mas mukhang papabor pa ang bumyahe na lang araw-araw dahil less gastos kaya lang, more energy wasted. Drained na ako pagkarating ko sa bahay. Nagdiretso ako sa kwarto pagkarating ko sa bahay. I miss my bed. Alas-sais na ako nakarating dito at wala na akong lakas pa para kumilos. Mas mabuting itulog ko muna ng kahit dalawa o tatlong oras upang makapagpahinga ang katawan ko, saka ako babangon para naman asikasuhin ang sarili. Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang biglang nagbukas ang pinto ng kwarto na para